Hidden
OCTOBER 17, 2004Catherine Fe Cinco's
Medyo kabado ako. This is my first ever event. Hindi ko alam at hanggang ngayon ay para bang nananaginip pa rin ako dahil nakakuha ako ng first client ko. Isang engagement party at talagang ibinigay ko ang lahat para maging successful itong event na ito. I am at the sides, looking at the couple, how I wish na ay ka-couple rin ako pero... wala talaga, hindi pa siguro time.
Naroon na sa moment na iyong mag – fiancé, they were looking at their old photographs nila. The girl was crying. Ako naman napapangiti ako. I hope one day, makaranas ako ng ganito. Wala namang babaeng hindi gugustuhin na makasal diba...
One day, I want my own engagement party, my own wedding, kids... maybe three boys, two girls, or twins, or whatever basta healthy sila. Tapos a house, where my kids can play and ride bikes. I want a normal but a happy life, iyong magkakasama kaming lahat. Napangisi ako, tumatanda na talaga ako kaya siguro kung ano-ano nang naiisip ko.
Kumaway sa akin iyong couple. I waved back. Lumapit naman ako. Nagpasalamat sila sa akin dahil talagang natuwa sila sa mga ginawa ko. Ibinalita ko agad iyon sa tea ko. Maliit lang ang team ko, si Shana at si Lula – mga bakla sila na ang tunay na pangalan ay Berto at Domingo pero mas maganda pa sila sa akin. Ang maganda sa kanila, matagal ko na silang kaibigan at napakarami nilang kakilala.
"Bakla!" Tinawag ko sila. "Success! Oh my god may bonus pa tayo!" Iwinagayway ko ang cheke. Nagtalunan kami pero napansin kong tumigil si Lula at ngumisi.
"Kami may bonus, ikaw ay Papakels!"
Naguluhan ako pero nang lumingon ako sa direksyong tinitingnan niya ay nakita kong naglalakad palapit sa amin si Kairos. Napangisi ako dahil kilig na kilig na naman itong dalawa. Crush daw kasi nila talaga si Kairos.
"Oh my god, naka-shorts! Daks ba?!" Tanong ni Shana sa akin. Sinabuntan ko siyta. Naka-khaki na shorts si Kairos, puting t-shirt na may tatak na Vejar Airlines sa may dibdib part tapos habang naglalakad siya pinapaikot niya iyong susi ng kotse niya sa daliri niya. Naka-tsinelas lang siya, Ipenema siguro iyon.
"Hi..." He kissed my cheek. Beso lang. Narinig kong umimpit iyongh mga bakla.
"Ang gwapo bes! Oh my god!"
He grinned at them. Umalis iyong dalawa saka niya ako binalingan.
"Mali eh." He said.
"Ha?"
"It should be, OH TO THE M TO THE G!"
Sambulat niya sa akin. Nagulat talaga ako! Ginaya niya pa iyong hand gestures ni Alejandros. Bigla tuloy akong natawa. Tumawa rin naman siya tapos ay niyakap ako.
"Na-miss kita." He said.
"Sus, gandang – ganda na naman sa akin. Kamusta pala iyong pagpunta ninyo sa Scotland?"
"Okay naman. Nailibing naman nang maayos si Lolo. Okay na rin daw na sa huli, nagkasama pa rin sila ni Lola sa huling hantungan nga lang." Naupo siya sa garden set doon. Iyong kamay niyang nasa baywang ko kanina, nasa mga kamay ko na ngayon.

YOU ARE READING
All I ask
General FictionKairos Vejar's life is perfect. He has a beautiful wife and two beautiful children. Lahat ay nasa kanya na at masaya siya dahil dito. Pero isang pasabog ang bumago sa buhay niya. Now, he has no idea what to do, he is confused, scared and lost. He d...