Kairos Vejar's life is perfect. He has a beautiful wife and two beautiful children. Lahat ay nasa kanya na at masaya siya dahil dito.
Pero isang pasabog ang bumago sa buhay niya. Now, he has no idea what to do, he is confused, scared and lost. He d...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nakangiti ako habang nakatingin sa cake na dala ko. Excited akong ibigay ito kay Kairos. Birthday niya kasi noong February 4 pero hindi ko siya napuntahan kasi nasa duty ako noon saka umuwi ako noong Qatar noong Feb 5 at Feb 10 na ako bumalik. Masyado naman siyang busy noong Feb 11 – hanggang kahapon kaya ngayon lang niya ako napagbigyan.
Kairos Vejar is a very busy man. Sa batang edad niya kasi president na siya ng sarili niyang kompanya. Dalawang taon na kaming makaibigan pero kahit ganoon hindi ko pa rin siya gets. Para kasing wirdo siya. Lahat sa kanya dapat by schedule pati nga itong pakikipagkita niya sa akin by schedule din.
I smiled when I saw him entering our favorite coffee shop. Wala siyang dalang kahit ano. Iyong mga nauna naming meet ups kasi kundi niya sakama iyong secretary niya, may body guard siya o kaya man si Dione – iyong bunso niyang kapatid na naging kaibigan ko na rin.
I waved at him. Hindi siya masyadong ready today. Hindi kasi naka-gel iyong buhok niya. Medyo mahaba iyong buhok kasi ni Kairos, hanggang sa may jawline niya, kulot pa iyon pero hindi kulot na unruly. I smiled widely when he sat in front of me.
"Yes, Miss Cinco, what is it that you want from me?"
I rolled my eyes. Sinipa ko siya sa ilalim.
"Kainis ka kamo." Ngumuso ako.
"I cancelled all my appointments for you. Hindi ako pumasok sa office tapos sasabihin mong nakakainis ako." He said. I just made a face. Dahan-dahan kong ni-push papunta sa kanya iyong cake na dala ko. Napakunot ang noo niya.
"I don't like sweets." Sabi niya pa.
"Alam ko. Bitter coffee cake iyan. Nagpuyat ako para diyan." Binuksan ko iyong box. "Happy birthday Kairos Be!" Tiningnan niya iyong cake ko. Itim lang iyon – favorite color niya tapos ay may nakalagay na Kairos Be na may smiling face sa gilid. Nagulat ako nang ngumiti siya tapos kinuwit niya ang gilid ng fondant.
"Bitter. Masarap! Thank you, Cachi Be." Sabi niya bigla. Natawa ako. Mukha kaming timang. Hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan nitong ugok na ito. Stranger lang naman siya noon, nagkakilala kami dahil sa ex kong si Sergio. Mahabang kwento iyon, kasi iyong ex niya, nakipag-sex sa ex ko na iyong ex ko naman nag-swear ng celibacy sa akin na magsesex lang daw kami sa gabi ng wedding naming eh punyeta! Sinungaling siya.
"Kamusta na iyong parents mo sa Qatar?" He asked me.
"Okay naman. Nagwo-work pa rin si Tatay sa Oil Comapany, si Nanay nasa Admin pa rin ng Oil company na iyon. Si Fatime na-diagnose na may butas pala siya sa puso. Si Ana, iyon, sixteen na siya pero iyong utak niya pang eight years old." Sadly, iyon ang pasang krus ng pamilya namin. Lahat kaming magkakapatid, may mga tama. Ako epileptic ako. Kung kalian ako tumanda, saka ako naging ganoon. Si Ana, she was diagnosed with epilepsy when she was eight. First attack niya nakaapekto sa utak nita kaya naging delayed ang pag-iisip niya.