Kabanata 3

103K 3K 244
                                    

"What is he talking about?" Saad ni Eros. I'm looking everywhere except him. Masiyado akong kabado para tignan pa siya sa mata. "Who are you?"

"A-ako si Psyche Trevisano." He's so intimidating that I stammer while saying my own name. Magkamukha sila ni Ethos pero magkaibang-magkaiba ang aura nila.

"What do you want from me?" Sinubukan kong sumulyap sa kanya, pero agad ko ring pinagsisihan dahil hindi ko na nabawi ang tingin ko. He's looking intently at me.

"U-uh ano kasi.." bakit ba hindi ako makapagsalita? Kanina naman nung si Ethos ang kausap ko, cool lang ako. Pero bakit pagdating sa kanya ganito? Asan na lahat ng tapang mo Psyche?

"I don't have all the time. I'm busy." He looked at his watch. May trabaho pa ba siya kahit sa ganitong oras? "Tell me what you want woman."

Napahawak ako sa dibdib ko. May kakaibang epekto sakin ang lalaking to. Lalo na nang sabihin niya ang salitang woman.

"Sila Apollo at Artemis.." Natigil ang pagsasalita ko nang mapansin kong kumunot ang noo niya. I gulped.

"I have no idea what you're saying, but I don't care. I have to go." He turned his back at me at naglakad palapit sa pinto.

Aalis na siya? Hindi pwede! Hindi pa niya nakikilala yung kambal.

"Yung mga anak mo!" Natigil siya sa pagpihit ng doorknob at hindi gumalaw kaya mas lalo akong kinabahan. "N-nabuntis mo ako nung may nangyari satin."

Tumayo siya ng tuwid nang marinig ang sinabi ko at humarap sa akin. Feeling ko nga slow motion pa ang mga galaw niya sa sobrang nerbyos ko. He's just looking at me with no emotion. He doesn't even look shocked or anything.

"How many times did you say we fucked?" Napangiwi ako sa choice of word niya. Napalunok ako nang dahan-dahan na siyang naglalakad palapit sa akin. Pero hindi ko alam kung mabagal ba talaga, kasi ang bilis din ng tibok ng puso ko sa kaba.

"O-one." At bakit ba ako nabubulol sa harap niya? I tried to make a brave face pero agad ding nawala nang magkasalubong ang mga mata namin.

"Why did you say children then?" Hindi naman siya mukhang galit o ano man pero parang nagsisitayuan ang mga balahibo ko kapag nagsasalita siya. Nasa harap ko na siya ngayon at naamoy ko ang pabango niya. Siya nga.

"Twins." It barely came out of my mouth kaya inulit ko. "They're twins. Apollo and Artemis."

He stared at me for a very long time. I don't know why I feel so conscious with his stares. I don't even know how many times I gulped already sa sobrang kaba. Hindi ko rin siya tinitignan. Para kasi siyang male version ni medusa na kapag sinasalubong ko ang mga titig niya hindi ako nakakagalaw.

Ang tagal din naming tahimik dito bago bumukas ang pinto at pumasok si Ethos na buhat-buhat si Artemis, si Apollo naman buhat ng nanny na kinuha ni Sofia.

"I don't know about you bro, but this children looks exactly like you." Saad niya habang nilalaro ang kamay ni Artemis.

Nakita ko si Eros na nakatitig kay Artemis, sunod ay tinignan niya si Apollo. Ang unpredictable ng lalaki na to. Hindi ko alam kung itatanggi ba niya na anak niya yung kambal o hindi. Pero kahit anong sagot niya, ayos lang. Basta naiparating ko sa kanya na may anak siya.

One Stupid MistakeWhere stories live. Discover now