Kabanata 34

73.3K 2.2K 315
                                    

I clapped my hands as I looked around the place. Konti nalang at matatapos na ang unit ni Franny. Halos apat linggo din akong nag ayos nito. Matagal na iyon kumpara sa iba pero masiyadong mabait si Franny dahil alam niya naman na ito ang unang beses ko.


"Psyche I really love this! Ang galing mo talaga!" Franny hugged me at niyakap ko din siya at nagtatalon kami then bigla siyang lumayo. "Eww girl yung boobshak mo tumatama sa akin. Eww."


"Mabuti yan para maging lalaki ka." Pang aasar ko. Pinaningkitan ko siya dahil usually kapag ganyan ang banat ko sa kanya sumasagot siya pero this time hindi siya nagsalita. Napansin na niya ang klase ng titig ko sa kanya. He rolled his eyes at binato niya ako ng unan kaya natawa naman ako.



Bumaba kami ng unit niya upang bumili ng kape at cake. Nagtatawanan pa kami dahil nakapambahay lang kaming dalawa at naka tsinelas pa. Napag pasiyahan namin na dito nalang din kumain para daw maganda ang ambiance. Pumayag nalang ako kahit na alam ko naman talaga na gusto niya dito dahil  nakakita siya ng maraming pogi na naka-soot ng suit sa kabilang table.


"Ngayon na tapos ka na sa unit ko, I think oras na para ibigay ko ito sayo. Itong isa na muna ang buksan mo." May inabot siya sa akin na dalawang sobre at itinuro niya yung una kong bubuksan.

"Ito na ba yung sahod ko?" Tumango siya at sumipsip sa kape sa harap niya. I opened one envelope at totoo nga. Yung last instalment nga ito ng sahod ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang nakalagay na amount sa check. "Parang sobra naman?"


"Kunin mo na yan. Makakatulong yan sayo. Wag kang umiyak buhos ko sayo itong kape ko." Inirapan niya ako habang pinupunasan ko ang mga mata ko dahil sa mga luha. "May purpose yan talaga. Open the other envelope."


Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan ng isang school. Then I scanned the paper until my eyes stopped. Napatayo pa ako sa sobrang gulat.

ENROLMENT FORM
(Bachelor of Science in Interior Design)

"Seryoso?!" Tumango siya and I immediately ran towards Franny. At dahil nakaupo siya, ulo niya ang niyakap ko. Sa sobrang saya wala na akong pakealam na nakatingin sa amin ang ibang tao. "Thank you Francisco! Mahal na talaga kita!"


Tinawag ko siya sa pangalan na pinaka ayaw niyang itinatawag sa kanya dahil sa sobrang tuwa. Ganon na kami ka-close. Hinampas niya ang braso ko na nakayakap sa kanya.

"Bitiwan mo na ako hindi ako makahinga naiipit ang mukha ko ng boobs mo."

Mahinang sabi niya. Natawa naman ako at lumayo ng konti sa kanya. Nakatingin kami sa isa't isa at nakangiti. "Naku, mahahalikan kita sa sobrang saya!"

"Psyche." I turned around and I saw Eros. Of all the places, anong ginagawa niya dito? Mukhang hindi din maganda ang mood niya. Pero anong bago? Palagi namang seryoso ang itsura niya. "Will the two of you stop making a scene in here?"

Tumingin ako sa paligid at napansin ko nga na nakatingin na sa amin ang mga tao. Lalayo na sana ako nang bigla akong niyakap ni Franny sa beywang. Tinignan ko siya pero seryoso lang din siyang nakatingin kay Eros na mukhang nagsusukatan ng tingin.


"Masaya lang kaming dalawa dahil sinagot na ako ni Psyche, what's wrong with that?" Napansin ko na nagtiim bagang si Eros at sumulyap sa akin.


"Really? You already know that she and I are—"


"Done." Si Franny ang tumapos ng sinasabi ni Eros. Kahit ako ay nagulat sa inaasta ni Franny. In fairness kay bakla ang galing umarte! "I know that the two of you are done. Need I remind you why?"


Hindi nagsalita si Eros pero pansin ko ang mahigpit na hawak niya sa suitcase na nasa kamay niya. Lumingon ako sa mga lalaki na naka suit sa tabi ng table namin. Same aura with Eros, may meeting siguro sila. Kung alam ko lang na pupunta siya dito hindi na sana ako pumayag na mag stay kami dito ni Franny.

Tumayo si Franny at inakbayan ako. "Psyche is now happy for you. You should be happy for her as well."

Ibinaba ni Franny ang kamay niya sa kamay ko at hinila ako palabas ng cafe papunta sa elevator pabalik ng unit niya. Mabilis ang lakad ni Franny at dahil matangkad siya nauuna siyang maglakad sa akin. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Franny." Hindi siya lumingon sa akin. Bumukas ang pinto ng elevator at hinila niya ako papasok. "Huy, Bakla."


"Psyche," pumikit siya at huminga ng malalim. Hindi ako nakasagot. Iba kasi ang tono at tingin niya ngayon. "What if I tell you, na hindi ako bakla?"


Kumunot ang noo ko at tinignan siya simula ulo hanggang paa. Light blue tshirt na masiyadong v-neck. Cotton shorts na masiyadong maikli. Puma slippers na pink na may faux fur. Imposbleng hindi siya bakla.

"Huh?" Yun lang ang nasabi ko. Narinig ko na ang tunog ng elevator at hinila nanaman niya ako hanggang sa makarating kami sa loob ng unit niya.

"I lied. I'm not gay." Hindi yata nag sink in sa utak ko yung sinasabi niya. Anong hindi bakla? Eh baklang bakla siya— tumama sa mata ko ang kwarto niya na ako mismo ang nag design kasama siya.

Kung titignan hindi nga ito mukhang pang babae or pang bakla. I looked around me and asked myself, bakit ngayon ko lang na-realize na wala ni ano mang bakas ng kabaklaan ang unit na to?


Sabay kaming napalingon sa pinto nang pumasok si Iris na kumakain ng chichciriya. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa.


"Oy what's happening?" Nagtatakang tanong niya. Itinuro ko si Franny na napatingin lang sa akin.


"H-h-hindi—"


"I told her the truth." Seryosong sabi ni Franny. Nakahinga naman ng maluwag si Iris dahil sa sinabi niya. She walked to the sofa at umupo lang doon.


"Akala ko naman kung ano na. Told you you'll like her. Psyche's not that hard to love." Iris winked at me at nanlaki naman ang mata ko sa sobrang gulat.

"What?!"

"Francisco is not gay, Psyche. Hindi ko alam kung bakit hindi mo napansin." She started to dial her phone at inilagay ito sa may tenga niya. "Where are you? Franco already told her the truth."

Litong lito na ako. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Iris?"

Tumingin sa akin si Iris at bumuntong hininga. Tumayo na siya at lumapit sa akin.

"I'm sorry I didn't tell you. I promised him na wala akong ibang pagsasabihan. Hindi totoo na tanggap ng magulang niya kung magiging bakla siya kaya nagpanggap siya. It's just his way of rebelling sa parents niya." Tinignan niya ng masama si Franny. "Nadamay ka pa tuloy."

"Pwede bang uminom na muna ako ng tubig?" Yun lang ang nasabi ko sa kanila. Iris laughed and Franny breathed out a sigh of relief.


"I'll get you a glass of water." Agad na naglakad si Franny papuntang kusina. Sinundan ko siya ng tingin. Nawala yung kembot niya. Kaya pala minsan feeling ko ang awkward ng pagiging bakla niya. Ngayon, lalaking lalaki na siya kahit gumalaw.

"Si Franny ba talaga yun?" She just laughed at me.

"Akala ko magagalit ka. I forgot na ikaw nga pala si Psyche, ang babae na hindi marunong magalit."

One Stupid MistakeWhere stories live. Discover now