Kabanata 30

77.4K 2.1K 133
                                    

Buong gabi ni hindi ko tinapunan ng tingin si Eros. Ayaw ko na siyang makita, kahit maamoy. I want to forget him. Alam kong hindi ako makakalayo sa kanya ng tuluyan dahil sa mga bata. Pero nakakapagod din pala.


Hindi din natuloy ang plano namin ngayong gabi dahil dumating si Mr. Ricafuente. Agad niyang tinapos ang meeting para makaabot sa party. Ganon niya kamahal si Radella. Hindi din naman ako sumasama kay Rad at Ryd dahil busy sila na ipakilala ni Mr. Ricafuente sa mga tao.


"Don't you think you've had enough?" I glanced at the man beside me and rolled my eyes at him.


"Pake mo ba? Kuya isang shot pa nga." Hindi ko pinansin ang tingin niya at agad na kinuha ang baso na inabot sa akin ni kuya. Agad ko iyong ininom at humingi ulit ng isa. I heard him sigh.


"That's enough Psyche." Sinubukan niyang agawin ang baso sa akin pero iniwas ko iyon at ininom.


"You're drunk." Tinitigan ko si Eros. Hindi mo siya kilala Psyche. Wala kang kilala na kagaya niya. Inirapan ko na siya pero hindi pa rin siya umaalis.


Pano kaya kung di ko siya kilala? Pano kung makalimutan ko siya? What if mauntog ako tapos makalimutan ko siya? Tumingin ulit ako sa kanya at tinitigan niya din ako. Sana nga hindi ko nalang siya nakilala. Then it gave me an idea.


"Alam mo familiar ka sa akin." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi naman siya lumayo. "Ang haba ng pilik mata mo. Parang yung isang kakilala ko."

"Who?" Lumayo na ako sa kanya at humingi pa ng refill kay kuya. Sinundan naman niya ng tingin ang bartender.

"Kuya bigyan mo nalang kaya ako ng isang bote? Para hindi ka napapagod kaka balik-balik sa akin dito." Sabi ko sa bartender habang naglalagay siya sa baso ko. Kanina pa kasi siya.


"Psyche." Tumingin ako ulit kay Eros. Nakakunot ang noo niya kagaya ng tingin na ibinibigay niya kapag naiinis na siya.


"Stalker ba kita? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa pagkatapos ay nagkibit balikat ako. Ang gwapo. Ang haba ng pilik mata. Mas lalong kumunot ang noo niya.


Ano Eros? Ano ang pakiramdam ng kinalimutan? Ganon ang palagi mong ipinaparamdam sa akin sa tuwing kinakalimutan mong nag e-exist ako dahil kay Daniela.


"Layuan mo ako. Di kita type." Sabi ko pagkatapos ay ininom ang laman ng baso ko. Kitang kita ko na naiinis na siya pero wala akong balak na kilalanin pa siya.


He raised an eyebrow at me. "What?"


"Um-hm." Tumango ako sa kanya habang umiinom. "Pogi ka naman pero mas pogi yung kakilala ko."


"Who?" Nakakunot ang noo na sabi niya. Biro lang. Ikaw ang pinaka-pogi sa paningin ko.


"Wala ka nang pake doon. Kuya isa pa!" Sigaw ko kay kuya na nasa medyo malayo. Ayaw niya kasi akong iwan ng isang bote kanina pa ako humihingi sa kanya. Bahala siya magpagod pabalik balik. Ano ba kasi yan, bakit ba nandito si Eros. Mas lalo tuloy akong napapa-inom.


"I'm asking you Psyche." Hindi ko pa rin siya sinagot. Ano pa ba ang ginagawa nito dito? Iinom pa sana ako nang bigla niyang hawakan ang baso ko para pigilan. Tinanggal ko ang kamay niya at ininom ang laman ng baso ko. "That's the last glass that you'll drink."



"Alis ka nga. Di ako makapag enjoy eh. Sino ka ba?" Papanindigan ko talaga to. Hindi ko siya kilala. Napahawak siya sa sentido niya nang humingi pa ako ng isang shot sa bartender. Alanganin naman na tumingin ang bartender na hawak ang bote. "Sabi ko bigyan mo pa ako ng isa bakit nakatingin ka lang? Hindi ko to kilala wag mo siyang pansinin."


The bartender refilled my glass and I was about to drink it when Eros grabbed my wrist kaya natapon ng konti ang laman ng baso.


"Ano b—"

"I think the lady said he doesn't know you?" Sabay kami ng lalaki na napalingon sa taong nagsalita. "Atty. Montagne."


"Akira!" Napangiti ako nang makita siya. Hulog ka talaga ng langit sa akin Aki!

Tinignan ko ng masama si Eros at binawi ang kamay ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay doon ang baso na hawak ko kanina. "Ayan, since kanina ka pa agaw ng agaw sa baso ko. Pwede ka namang humingi sa kuyang bartender ng baso mo kung naiinggit ka nang aagaw ka pa sa akin."


Tumayo na ako at muntik pang matumba pero agad akong nakahawak sa upuan. Eros extended his hand to hold me pero inilayo ko ang braso ko sa ka kanya. I took a step forward para makalapit kay Akira.


"Wait." Hinawakan pa niya talaga ako sa balikat. Tinignan ko siya ng matalim pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya.


"Ano nanaman ba?" Inis na tanong ko sa kanya. Kinamot ko ang pisnge ko sa sobrang frustration. Kung kailan nag-decide na ako na lalayo sa kanya saka naman siya nagkaka ganyan. "Kanina ka pa eh."


"Bakit ka sasama sa kanya? You don't even know him." Kumunot ang noo ko sa kanya..


"Anong hindi? Eh si Akira to. Ikaw ang hindi ko kilala." Medyo nahihilo na din ako. Napadami yata ang inom ko. Mas lalo pa akong nahihilo sa inaasta ngayon ni Eros.



"Eros, Psyche and I know each other before she even knew you." Tumango naman ako ng sunod sunod sa sinabi ni Akira. Teka.


"Eros? Eros din ang pangalan mo? Tignan mo nga naman. Kapangalan mo pa yung tatay ng mga anak ko." Ngumiti ako ng malapad. "Aki! Kapangalan niya. Kapangalan mo yung gago.. yung gago.. na mahal ko."


Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ko. Pinupunasan ko isa-isa pero tulo lang sila ng tulo hanggang sa napalakas na ang iyak ko. Hindi siya kumibo.


"Ano bang ginawa ko sayo para pahirapan mo ako ng ganito? Lumalayo na ako oh. Kinakalimutan na kita pero bakit ganyan ka?"


Para akong bata na umiiyak. Akala ko masakit umasa na mamahalin ka ng taong mahal mo pero mas masakit na makita siyang may mahal na iba.


"Psyche." Lalapit na sana si Eros sa akin nang biglang may babae na humawak sa braso niya.



"Babe, what's happening? Anong nangyare kay Pscyhe?" Narinig kong sabi ni Daniela. Ang ganda at sexy niya. Hindi kagaya ko na may dalawa nang anak. Napansin ko na lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. She even offered her handkerchief. "Psyche are you alright?"



Hinampas ko ng mahina ang kamay niya na may hawak na panyo para lumayo siya. Bakit ganon? Bakit ang bait niya sa akin? Pwede bang maging maldita nalang siya sa akin? Yung kagaya sa mga palabas? Hindi ko gusto ang ganito. Pakiramdam ko ako ang kontrabida sa kwento nila eh.



"Stay away from me." I took a step forward at muntik na akong matumba kung hindi lang ako nahawakan ni Daniela. "Sabi ko layuan mo ako!"


Binitawan naman niya ako at agad na lumapit sa akin si Akira at niyakap ako. I buried my face on his chest.

"I don't know what happened between the two of you, but I know one thing. She's finally tired, Eros. Sana lang hindi mo pagsisihan. Don't regret every chance you've had with her that you didn't take."


Hindi nagsalita si Eros. Bakit niya pagsisisihan? Kahit kailan hindi niya pagsisisihan ang isang katulad ko. Wala naman akong halaga sa kanya.


"Lets go." Hinila ako ni Akira palayo. Lumingon ako at nakita ko si Eros na nakatingin pa rin sa amin at sa tabi niya si Daniela. Sila ang bida sa kwento na to. At ako? Ako yung kontrabida na humahadlang sa kanilang dalawa.

One Stupid MistakeWhere stories live. Discover now