Kabanata 25

76.9K 2.1K 123
                                    

I stared at the both of them habang hila ni Eros palabas ng restaurant ang babae. He just stood up and dragged the girl out of this place bago pa makarating dito sa lamesa namin yung babae. He left without even looking at me. Parang nakalimutan niya na nandito ako.


"Psyche?" Mabilis kong pinunasan ang nga luha na tumulo sa luha ko at hinarap ang tao na tumawag sa akin. Nakangiti siya nung una pero agad ding nawala ang ngiti niya pag harap ko at napalitan ng pag aalala.


"Are you okay?" Kumunot ang noo ko.


"Do I know you?" Natigilan naman ang lalaki dahil sa tanong ko. Then he gave me a sheepish smile. Nag iwas siya ng tingin at humawak siya sa batok niya.


"Hindi mo na siguro ako matandaan. Ako si Akira." Inisip ko kung may kilala ba akong Akira, nang mapatingin ulit ako sa mukha niya.


"Aki? Aki ikaw yan?" Lumawak ang ngiti niya at tumango sa akin. "Di nga?"


Tumawa siya. Hindi ako makapaniwala. Yung huling kita ko sa kanya hindi siya ganyan ka gwapo. Wala na ang braces niya, hindi na siya nakasalamin at makinis na din ang kutis niya. Noon kasi may konting pimples siya sa mukha.


Si Akira Yukihara ay half Japanese, half Filipino. Mabait at mahiyain si Aki. Close kami dahil magkatabi ang apartment na tinutuluyan namin noon nung college pero ako solo lang, siya naman kasama niya ang mama niya.


Nang mag third year college kami bumalik sila sa Japan ng mama niya dahil nagkabalikan ang mga magulang niya.


"Hindi kita nakilala!"


"Alam ko. Nag iba din kasi ang itsura ko." Namumula pa ang tenga niya at hindi makatingin sa akin. Ganyan na ganyan siya kahit noon kapag kinakausap ko siya.



"Oo nga. Hindi ka na nakasalamin wala na din ang braces mo. Ang tangkad mo na din." Natatawang sabi ko sa kanya habang tinitignan siya simula ulo hanggang paa. "May kasama ka ba? Sila tita?"



"Ah wala kakatapos lang ng meeting ko. Ikaw may kasama ka ba?" Sandali akong natigilan sa tanong niya pagkatapos ay umiling. Wala akong kasama iniwan ako at sumama sa ibang babae.



"Pwede ba akong makitabi?" Turo niya sa upuan sa tabi ko. Umiling ako. Napansin kong lumungkot ang mukha niya pero nginitian ko siya.


"Tapos naman na ang meeting mo di ba? Punta nalang tayo sa ibang lugar."

~*~

"Lalo kang gumanda ngayon Mori." Inirapan ko si Akira. Mori kasi ang tawag niya sa akin dahil Japanese daw pakinggan kagaya ng pangalan niya.


Pagkatapos naming kumain, pumunta kami ng ice cream parlor.


"Ilang beses ko nang narinig yan puro kayo bola." Kahit si Eros sinabi din yan sakin. Hindi ko nanaman mapigilang makaramdam ng lungkot nang maalala na iniwan niya ako. Na nakalimutan niya ako. Kahit isang text wala.


"Mori, I hope you don't mind me asking." I looked at him, nodded my head and waited for him to talk. "Bakit kasama mo si Atty. Montagne kanina?"


Natigil pa ako sa pagsubo ng ice cream dahil sa tanong niya. "Kilala mo si Eros?"


"Uhm, yeah. He's our family attorney." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Shit.


One Stupid MistakeWhere stories live. Discover now