Kabanata 37

81.5K 2.4K 374
                                    

Nagliligpit ako dito sa sala. Lumabas si Ryder at Radella at nagsabing bibili pa sila ng inumin. Si Akira, Belle at Franco ay naglalaro ng pusoy sa dining table. Habang si Iris at Kled naman ay nakakulong sa kwarto.

Walang nagawa si Iris ng hilahin namin siya papasok ng kwarto kasama si Kled na hindi man lamang nagpapilit. Halatang gusto naman ang nangyayari. Walang nainom si Iris habang si Kled naman ang may pinakamraming tagay na nainom. Ang sarap sa pakiramdam na makaganti sa kanya sa ginawa niya noon sa akin.

Napansin ko na wala si Eros kaya tumingin ako sa paligid at nakita ko siya sa may veranda na mag isang umiinom. Nagdalawang isip pa ako kung lalapitan ko siya pero napagpasiyahan ko na lumapit nalang.


"Bakit mag isa ka dito?" Lumingon siya sa akin pagkatapos ay uninom ng beer at ibinalik ang tingin sa mga kumikislap na ilaw mula sa mga gusali at sasakyan.


"I'm sorry." Nagulat pa ako sa sinabi niya. Pabigla-bigla, walang warning. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko kaya tumabi nalang ako sa kanya pero nag iwan ako ng distansya sa kanya. "I know I have said this to you plenty of times, but I really am sorry."

"Tapos na yun." Hindi ko naman siya mapipilit na mahalin ako. Tanggap ko na.

"Is it wrong to feel bad now that I'm seeing you moving on?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "I know I've chosen Dani over you, but I'm so confused."

Pinili ko ang manahimik. Hindi ko nanaman alam ang sasabihin ko, ibinaling ko nalang ang tingin ko sa langit. Ang ganda ng tanawin pero hindi ko ma-appreciate ang nakikita ko ngayon.


"I know I said I chose her... but I miss you." Uminom ako sa basong hawak ko pero hindi ako umumik. Hindi ko rin siya tinignan. "Kapag kasama ko siya, ikaw ang na-iisip ko. Kapag tumatawa siya, ikaw ang nakikita ko. Palaging ikaw ang hinahanap ko." Tumawa siya ng mapakla. "Nababaliw na yata ako."


"Nalilito ka lang dahil sa mga bata—"

"Fuck it! If it really is just for the kids then why am I making them as an excuse to see you?" Napalunok ako dahil sa sinabi niya. "Psyche, what if... what if I chose you? Siguro masaya lang tayo ngayon."

Siguro nga. Baka kung ako ang pinili niya hindi kami aabot sa ganito, lahat lang masaya at walang iniisip na sama ng loob. Walang luha ang nailabas. Walang sakit na naramdaman. Pero gaya nga ng sabi ko kanina, tapos na. There must be a reason why this is all happening.

"Mabuting tao si Daniela, Eros." Nakita ko nung party kung gaano kabuting tao si Daniela kaya hindi ko rin naman kayang magalit sa kanya. Kitang kita ko din kung paano siya tumingin kay Eros.


"I want to choose you. I want to love you, pero natatakot ako na may masaktan pang iba." Tumango ako. Naiintindihan ko diya.

"Take care of Daniela. Mahal ka niya." Hindi siya nagsalita, imbes ay humarap siya sa akin.

"Kapag sinabi mong iwan ko siya, iiwan ko siya para sayo Psyche. I want to choose you." Pumikit ako at huminga ng malalim.

Siguro kung noon, gagawin ko. Kung hindi ko pa nakikilala si Daniela pwedeng gawin ko ang gustong gawin ni Eros ngayon, pero hindi. Ayokong maging makasarili.


"Stop making rush decisions Eros. Nakainom ka lang." Sunud-sunod ang pag iling na ginawa niya. Hinakbang na ang natitirang distansya sa pagitan naming dalawa.


"Alam kong marami na akong nainom, but I'm very much sober right now. Alam ko parin ang nangyayari. Alam ko ang sinasabi ko. I'll protect you, I'll protect everyone you love. Gagawin ko ang lahat. Sabihin mo lang." Binawi ko sa kanya ang kamay ko na hinawakan niya.


One Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon