Kabanata 32

74.3K 2K 128
                                    

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop sa baba ng condo unit ng kaibigan ni Belle. Kanina ko pa din pinipiga ang panyo ko sa sobrang kaba. Pano kung hindi niya magustuhan? Pano kung ipagtabuyan ako? Wala din naman akong maipakitang maayos na portfolio dahil wala akong projects bukod sa kwarto ng mga anak ko sa bahay ni Eros at yung birthday celebration nila.


"Bakit ganyan ang itsura mo? Don't be so tensed, mabait yun." Sabi ni Iris at saka sumipsip sa frappe sa harap niya. Tumingin naman siya kay Belle sa tabi niya. "Ikaw naman anong problema mo? Kanina ka pa hindi nagsasalita diyan."


"Si Akira kasi." Nakasimangot lang si Belle habang nakatingin sa phone niya. "Hindi pa rin nag rereply."


"That's what you get. Iniwan mo yung tao tapos ngayon maghahabol ka." Tinignan si Iris ng masama ni Belle na inirapan lang siya.

Kahapon pagkatapos kong magsalita, si Belle naman ang nag kwento sa akin ng tungkol sa kanila ni Akira. I found out that they had a relationship and she left him without saying anything. Sa huli, siya lang din ang nag sisi. Kaya ngayon na nakita na niya daw ulit si Akira, hindi na niya hahayaan na mawala pa ito sa kanya. Sana lang malinaw na niya kay Aki ang lahat.


"Hi Reese." He greeted Iris with a smile. Grabe ang gwapo naman nito. He's wearing a white polo with its sleeves rolled up to his elbow and matched it with a dark blue necktie that really matched his skin tone. May dimples din siya sa pisnge na mas lalong dumagdag ng appeal niya.


"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ni Iris sa lalaki. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang mukha niya samantalang ang gwapo ng nasa harap niya.

"I'm here to entertain you."

"Ano ka gigolo?" Mas lumawak ang ngiti ng lalaki na siya namang ikinaasim ng mukha ni Iris.


"Well, I can be if you wanted me to." Inirapan lang siya ni Iris at tumingin sa likod ng lalaki.


"Asan na ba si Francisco?"

"Kapag narinig ka niya na tinawag mo siya sa pangalan na yan.." Umiling ang lalaki na natatawa.


"Ehem." Sabay naming reaction ni Belle at nagkatinginan pa kaming dalawa.


"Psyche mag hunos dili ka may anak ka na." Bulong sa akin ni Belle nang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.


"Okay lang di naman halata." Pabulong kong sagot. Nagkatinginan kami ni Belle at pareho kaming nagtawanan. Alam naman kasi niya na nagbibiro lang ako.



"So who's Psyche?" Agad na itinaas ni Belle ang kamay niya.


"Ah ako!" Napatingin kami ni Iris pareho sa kanya. "Ako.. nga pala si Belle. And you are?"


"Kled. Nice meeting you."


Sabay pa kaming umirap ni Iris dahil kay Belle na ngayon ay halos hindi na bitawan ang kamay ni Kled.

"Belle, si Akira oh." Bulong ko sa kanya. Agad na binitawan ni Belle ang kamay ni Kled at lumingon sa paligid.


"Ako nga pala si Psyche." Lumiwanag naman ang mukha ni Kled nang magpakilala ako.


"So you're Psyche. Ikaw ang mag de-design ng condo ng kapatid ko. A little tip, he doesn't like black." He winked at me at muntik na akong mapanganga sa sobrang gwapo niya.


One Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon