Kabanata 22

73.3K 2K 93
                                    

"Sige na manang ako nalang ang magbubukas bg pinto." Saad ko habang ipinupunas ang kamay ko sa apron na suot ko.

May usapan kasi kami ngayon ni Sofia at Idan na dito sila kakain ng tanghalian. Matagal tagal na din kasi kaming hindi nagkasama-sama at isa pa hindi ko pa sila pormal na napapasalamatan sa pag-alaga nila sa kambal.


Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ngunit nagtaka ako nang hindi sila Sofia at Idan ang nakita ko kundi isang lalaki na nasa mid-40s na siguro. He's wearing a suit with a serious look on his face. May dalawa ding lalaking nakaputi at nakasuot ng shades ang nasa likod niya.


"Sino po ang hinahanap niyo?" He looked at me from head to toe. Baka magtatanong lang ng direction at maling bahay ang napuntahan.



"Is Eros there?" Kilala niya si Eros. Baka kliyente ni Eros.


"Ay wala po siya dito. Nasa office po siya gusto niyo po ba ng calling card ni Eros? Kliyente niya po ba kayo?" Tumaas ang isang kilay ng lalaki.


"No. I'm —"

"Hon. Ano nandiyan ba si Eros?" Nagulat ako sa babaeng kababa lang ng sasakyan at naglakad palapit sa amin sa may doorstep. Natigilan din siya ng makita ako. "Are we on the right house?"


Inilibot niya ang tingin sa bahay bago ibinalik ang tingin sa akin. Kilala kasi ako ng mama ni Sofia dahil madalas ako sa kanila noon. Sofia loves to bring me to their house, minsan nga nag ssleep over pa ako. Mabait ang mama ni Sofia at parehas silang mag ina na maganda at mababait.


"Psyche? What are you doing here?" Ibinalik ko ang tingin sa lalaki na ngayon ay titig na titig din sa akin. Kung siya ang mama ni Sofia ibig sabihin ang kasama niyang lalaki ay...


"Pa! Ma! What are you doing here?" Gulat na tanong ni Sofia at nasa tabi naman nila si Idan. Base sa itsura nilang dalawa, mukhang hindi maganda na nandito sila pati na rin ako.


"Sofia hija!" Nagbeso siya sa stepfather at sa mama niya.

"We're here to visit Eros that's why I'm asking his maid if he is here." Mabilis na tumingin sa akin si Sofia. Teka, ako ba ang tinutukoy nila na maid? I looked at myself.

Sabagay, nakasuot ako ng apron at siguradong magulo din ang buhok ko.


"Hindi po ako—"


"Psche kumusta ang pagtrabaho kay Eros? Pinapahirapan ka ba niya?" Saad ni Sofia at saka tumawa ng pilit. She gave me look at dahil mag best friends kami gets ko na kung anong tingin yun. Gusto niya na sakyan ko yung gimik niya.


"A-ah oo mabait naman siya sa akin." Nakahinga ng maluwag si Sofia dahil sa sagot ko. Magsasalita pa sana siya nang biglang umiyak si Artemis.


"Who's that? Bakit may bata sa loob?" Tanong ng ama ni Eros. Nagkatinginan kami ni Sofia na parehong nanlalaki ang mga mata. Shit. Nasa sala nga pala sila at naglalaro.


"Uhm.. ano dad tara sa restaurant nalang tayo kumain." Halata kay Sofia na kinakabahan siya na magsalita. Kahit nga ako na ngayon lang nakita ang ama ni Eros ay kabado na. Kaya pala ganon ang aura ni Eros nung una kaming nagkita. Nagmana pala dito sa tatay niya.


Artemis started to cry louder. Gusto ko nang tumakbo pabalik sa mga anak ko kaya lang hindi ako makagalaw para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Nang hindi pa rin tumigil si Artemis and when she started to call 'mmy' dun na ako natauhan. Yun palang kasi ang na po-pronounce niya kapag tinatawag ako.


"Excuse me." I said as I turned my back on them at agad na binuhat si Artemis sa crib niya. Si Apollo naman nakatingin lang sa akin at may hawak na laruan.



"What's this? Kaninong anak sila?" Dun ko napansin na lahat sila ay nasa loob na ng bahay at nakatingin sa akin.


"They're mine." We all turned to that person. Kakarating lang niya at kakapasok ng bahay.


"How the hell did that happen?! Who's the whore?" I cringe at his word. Galit na tanong ng ama niya kay Eros. Nag tiim-bagang si Eros at matalim na tinignan ang ama niya.


"No one is allowed to call her that." Naglakad siya papunta sa tabi ko at ipinalibot ang braso niya sa bewang ko. "This is Psyche, the mother of my children."


Napatakip ng bibig si Tita dahil sa gulat at pansin ko naman ang nag aalab na galit sa mga mata ng ama ni Eros.


"You already have a fiancé Eros!"


"A fiance that I didn't choose. Kung gusto mo ikaw ang magpakasal sa kanya." Kalmado ang boses ni Eros pero halata mo ang pagka sarkastiko sa klase ng pananalita niya. Pansin ko ang paglalim ng hininga ng ama niya.

"Dad—"

"Stay out of this Sofia." The elder Montagne said. "You. What's your name and family background."

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig na kinakausap niya ako. Teka, hindi ko alam na may interview ako.


"I'm Psyche Mori Trevisano and—"

"Why do you care?" Pagputol ni Eros sa sasabihin ko. He gazed at his father with the same intensity that he is looking at him. "Itinakwil mo na ako bilang anak mo. I gladly left the house, so why are you here?"


"It's time you marry Mr.Ricafuente's daughter." He said in an authoritative voice. Kung hindi ako nagkakamali, si Radella ang tinutukoy niya. "Stop this rebellious act Eros. You're not a child anymore. Are you even sure that that children are yours? Pwedeng pwede siyang mabuntis ng kahit sinong lalaki."

"Si—" Pinigilan ako ni Eros na magsalita.


"I am a hundred percent certain that the twins are mine. And I don't really care what you think. I turned down that engagement a long time ago."


"You can still marry Radella. She's a good kid alam kong matatanggap niya ang mga anak mo." He looked at me. "Magkano ba ang kailangan mo para layuan mo ang anak ko? Iwan mo na rin pati ang kambal. I could offer you a hundred million. Siguro naman sapat na iyon?"


Nakakapang-init ng dugo itong ama ni Eros. Hindi ako bayarang babae at lalong hindi niya kayang tumbasan ng pera ang nga anak ko. He started to look at me from head to toe na para bang nandidiri siya sa akin. Hindi na ako nakapag pigil. Hindi ako papayag na tapakan niya ang pagkatao ko.



"Kahit gaano pa po kadami ang pera na ibigay niyo hinding hindi niyan kayang tapatan ang pagmamahal na meron ako para sa mga anak ko at kay Eros." Tumaas ang isang kilay niya sa akin.


"Kulang pa ba? How about two hundred million?"


"Leave. You are never welcome here."

"Aalis ako ngayon pero tandaan mo Eros. Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka sa taong may kwenta at hindi sa kung sinong babaeng napulot mo lang kung saan." Tumalikod na siya at naglakad paalis. Sumunod naman sa kanya si Tita at naiwan kaming apat ni Eros, Sofia, at Idan na nakatunganga sa isa't isa.

One Stupid MistakeWhere stories live. Discover now