Kabanata 17

83K 2.2K 160
                                    

Kabanata 17





Nakaupo na kami ngayon dito sa kubo kung saan maghihintay ang mga turista. Medyo matagal pa kami dahil marami na rin ang nauna sa amin. Natagal kasi kami sa kwentuhan sa breakfast dahil mukhang inenjoy nila ang makipag kwentuhan kay Eros.


"Eros?" Halos lahat kami napalingon sa babaeng sumigaw mula sa likod namin.


"What the hell?" Bulalas ni Belle nang makita si Radella na papalapit sa amin. She's wearing a short and a halter top na talaga namang nagpapakita ng magandang hugis ng katawan niya. Kahit ang ibang mga lalaki na nandito sa ligar ay napapalingon aa kanya.


"What are you guys doing here?" Tanong niya ng nakangiti kay Eros habang inilibot ang tingin sa amin.

"The question is, what are you doing here?" Mataray na tanong ni Iris but Radella just chuckled.

"Well I'm with my father. He's on a buisness tour dahil balak namin mag tayo ng buisness dito." Tumingin pa siya ang isang grupo ng mga lalaki na ngayon ay nakalapit na sa amin.

"Eros! Hijo." Mabilis na lumapit si Eros sa lalaking tumawag sa kanya. Niyakap niya ang lalaki at tinapik naman nito ang likod niya.

"How are you, sir?"

"I'm good. Long time no see. You look well." Nakangiti parin na sabi ng matanda. Hindi ko alam kung bakit, but Radella looked at me with a smirk on her face. Sandali pang nag usap si Eros at ang lalaki na malamang ay ang ama ni Radella, bago siya bumalik sa amin.


"Magkakilala pala ang parents ni Rad at ni Sir Eros kaya pala close na sila sa school palang." Narinig kong bulong ng isa naming classmate.

"Sabi ko na may something sa kanila eh."

"Oo nga. Pero bagay naman sila di ba? Siguradong nagiging maganda ang lahi nila kung sakali."

Our attention was caught when our tour guide stood in front of us.

"Guys by twos ang upo sa boat. Kaya kung nay gusto kayo diyan na katabi chance niyo na to. Once in a lifetime lang ang offer na to." Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko bago nagsipag usap kung sino ang nga gusto nilang katabi.

"Psyche sit beside—" Hindi na natapos ni Eros ang sasabihin ni Eros dahil biglang ikinawit ni Radella ang mga kamay niya sa braso ni Eros.

"We'll sit together, right?" She asked him.

"Duh, you don't belong to our group. Hindi ka invited sa birthday tour ko kaya lumayo ka samin. Psyche is assigned to sit beside Eros." Radella laughed at Belle.

"Oh darling, I'll sit wherever I want and I'll go with whoever I want and that is with Eros." She smiled sweetly at him na napabuntong hininga nalang.

"It's alright because Psyche will sit with me." Ryder stood beside me at ipinalibot ang braso niya sa balikat ko. Eros is looking at Ryd's hand like he wanted to cut it off. I don't know if it's only me or totoo nga ang nakikita ko pero pasimple ko pa rin na inalis ang kamay ni Ryder sa akin.

Everyone was excited about the boat ride habang ako naman nanghihinayang dahil hindi ko katabi si Eros. Akala ko pa naman kasi makakapag moment na kaming dalawa pero hindi pala. When it was our group's turn, sa pinakaunahan kami ni Ryd nakaupo, sa likod ko naman ay si Eros na katabi si Radella. Sa third row ay sina Belle at Iris. Ten kami na nakasakay plus the boat man.

One Stupid MistakeWhere stories live. Discover now