Kabanata 5

102K 2.8K 150
                                    

Kabanata 5



Dalawang buwan na simula nung tumira ako sa bahay ni Eros. Nalaman ko na mag-isa lang pala siyang nakatira dito sa malaking bahay niya. Nung una nalula pa ako nung nalaman ko na mayaman pala ang ama ng mga anak ko. It has six rooms. Ang kwarto ko nasa harap lang ng kwarto ng kambal, while his room is beside mine.

I was quite amazed dahil kinabukasan nung lumipat kami may mga pumunta agad dito sa bahay na mag dedesign ng kwarto nila Apollo and Artemis. It was amazing how they decorated it with a greek mythology pattern. He also hired a nanny for the twins kaya kahit papano gumaan ang gawain ko. Tumutulong lang ako sa mga maids na magluto at mag linis ng bahay.


"Maam Psyche, si Sir po hindi pa bumababa." Saad ni manang Hilda. Kahit ilang beses ko nang sinabi sa kanila na wag akong tawagin na maam dahil nakikitira pang naman ako dito pero ganon parin. Hindi kasi talaga ako sanay.


Kumunot ang noo ko sa sinabi ni manang Hilda. Usually kasi maagang umaalis si Eros at sobrang bihira lang kami magkita dito sa bahay. I can only see him every night with the twins before he goes to bed, pero hindi naman kami masiyadong nag uusap. He's so silent and snob kaya umaalis ako sa kwarto. Binibigyan ko na din siya ng alone time kasama sila Artemis at Apollo.


"Baka kung ako na ang nagyari doon, kilala ko ang batang iyon hindi siya nahuhuli sa trabaho." Sampung taon na din kasi si manang Hilda nagtatrabaho kay Eros. Simula palang daw nung 15 ito, ay siya na ang kasama ni Eros dito sa bahay. Nagulat pa nga ako dahil 15 years old may sarili na siyang bahay.


"Sige po manang subukan ko po siyang puntahan sa kwarto." Tumango naman siya sa akin.


Tumaas na ako at kumatok sa kwarto ni Eros pero walang sumagot kaya inulit ko, "Eros? Si Psyche to." No response. I tried to open the door knob expecting that it's locked kaya natigilan pa ako nung bukas iyon.


I peaked inside and saw him lying on his bed with his eyes closed. Sandali ko siyang tinitigan bago ako naglakad palapit sa kanya. He somewhat looks pale so I immediately touched his forehead. I knew it, may lagnat siya. Ginalaw ko ng konti ang katawan niya at nakita ko na pawis na pawis ang damit niya.


I went to get a basin and a towel. Kinuha ko na ang gamot na palaging nasa bag ko ag nag bilin kay manang Hilda na magluto ng lugaw dahil may sakit si Eros. Pagbalik ko ng kwarto ganon parina ng itsura niya. Kahit papano pala tinatablan parin ng sakit ang taong to.


"What are you.." Gulat na sabi niya nang hawakan ko ang laylayan ng tshirt niya upang alisin kaya naman hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan.


"Basang basa ka na ng pawis palitan natin ang tshirt mo." Wala na siyang nagawa ng tuluyan kong inangat ang t-shirt niya, napalunok pa ako nang makita ang mga abs niya. Oo plural. Ang dami eh. Bakit ba hindi ko ito maalala nung may nangyari sa amin? Sayang naman.


Pinunasan ko muna ang katawan niya bago isinoot ang t-shirt na kinuha ko sa cabinet. Pina-inom ko na din siya ng gamot, mabuti nalang ito yung gamot na kahit hindi pa kumakain okay lang inumin.


I stayed in his room while checking his temperature once in a while at napapansin ko na medyo bumaba na ang lagnat niya. Nakaupo lang ako sa may sofa niya at nagbabasa ng libro. Iniwan ko sa nanny nila si Artemis at Apollo dahil baka mamaya mahawaan sila ng sakit kapag nagpabalik-balik ako sa kwarto nila.

"Eros," Gising ko sa kanya. Dahan-dahan niyang binuklat ang mga mata niya. "Kain ka?" Pinakita ko ang tray ng porridge na pinaluto ko kila manang.

One Stupid MistakeDär berättelser lever. Upptäck nu