Kabanata 10

93.2K 2.9K 148
                                    

Kabanata 10



Naalimpungatan ako at napatingin kay Eros na nagmamaneho. Nakatulog pala ako sa biyahe habang nag-aaral. I looked at the twins in the backseat. Gamit ngayon ni Eros ang kotse na binili niya talaga para kapag lalabas na kasama ang kambal.


"Eros saan nga ulit tayo pupunta?" He just shrugged. Basta nalang kasi niya ako ginising ng maaga at sinabing may pupuntahan kami. Hindi na rin ako nagtanong ng kung anu-ano pa dahil mukhang nagmamadali siya.


I think my decision to not ask was was a mistake because the road he's taking is very much familiar to me now. Hindi pa ako handang harapin ang mga magulang ko. Not right now. Biglang kumulog. Kahit yata ang langit tinatakot ako.


"Eros wag." Napahawak ako ng mahigpit sa seatbelt. Nagpa-panic na din ang buong systema ko. Pano kung itaboy nila ako? Pano kung itaboy nila ang mga anak ko? Napakawalan ko ang hindi ko namalayang pinipigilan kong hininga nang hawakan ni Eros ang kamay ko.


"I made them hate you Psyche. I think it's time I try to help you. I know you miss them." I sighed. I actually miss my brothers. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang nag iisang babae at bunso. Si kuya Ryan at Warren parehong sa ibang bansa nagtatrabaho.


Nakarating kami sa bahay. Medyo nanginig pa ang kamay ko nang buhatin ko si Apollo papasok. Nakita ko din ang tinginan ng mga kapitbahay. Iniwan ko muna si Eros sa labas at siya na din ang bahala kay Artemis. Kumatok ako sa pinto at kitang kita ko ang gulat na mukha ni Kuya Ryan. Hindi ko alam na umuwi pala siya.


"Psyche? Ikaw na ba yan?" Nabaling ang tingin niya kay Apollo. "Sino naman ang bata na to?" Nasa ibang bansa kasi sila kuya nung mga panahon na nabuntis ako, hindi pala sa kanila sinabi ang nangyari. Ang nakaalam lang kasi na nabuntis ako ay sila mama at papa.


"A-anak ko." Nawala ang ngiti niya.

"Ryan? Halika na at kakain na tayo." Narinig ko ang boses ni mama na paparating. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.


"Ma.." Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya nang makita ako at pati narin ang pagtingin niya kay Apollo. Napahigpit ang yakap ko sa bata.


"Ryan paalisin mo ang bisita na yan. Hindi siya kailangan sa pamamahay na to." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni mama. Nagbabadya na din ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.


"Ma ang tagal na. Hindi mo parin ba ako mapatawad?" Tumingin siya ng matalim sa akin.


"Kahit kailan hindi ko matatanggap ang bastardong bata na yan." Hinawakan ko ang ulo ni Apollo na para bang mapoprotektahan siya ng masasamang salita na binibitiwan ng mama ko.


"Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang anak ko." Ngumiti siya ng mapait.

"Ano bang ginagawa mo dito? Lumayas ka!" Sigaw ni mama.

"Teresa tama na yan." Ma-awtoridad na saad ni papa. Hindi madaling magalit si papa kaya naman kapag ganyan na ang tono niya ay talagang tumatahimik kami. Nung nalaman niya na buntis ako nakita ko ang disappointment sa kanya pero hindi siya nagsalita sa akin. Napansin ko ang pagsulyap niya sa likod ko. "Sino ka?"


"I'm Eros Montagne. Ako po ang ama ng mga anak ni Psyche." Nakalimutan ko na kasama ko nga pala siya. Tinitigan ni papa si Eros. Hindi ko na nilingon pa si Eros kahit nang hawakan niya ako sa balikat.

One Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon