Kabanata 19

79.4K 2.3K 57
                                    

Kabanata 19


"Psyche! Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap. Saka bakit hingal na hingal ka?"


"Lahat kami nagtaka nang mapansin na parehas kayong nawawala ni sir Eros. Everyone's looking for the both of you."


Takot na takot akong sinalubong ni Belle at Iris sa may pinto. Hindi naman kami matagal nawala ni Eros. Mga nasa thirty minutes lang. Hinihingal ako dahil pagkatapos kong magtapat kay kay Eros ay tumakbo na ako palayo. Ni hindi ko na nga masiyado makita ang reaction niya. Hindi ko na din siya hinintay magsalita sa takot na ireject niya ako.


"Pero kasama mo ba si Eros? Sabi kasi nung isang guard kinausap daw siya ni Eros if ever someone notice that you are missing, sabihin lang na kasama mo siya. So, were you with him?"

Lumingon pa siya sa paligid at hinanap sa Eros. I sighed then nodded my head.

"So what happened? Bakit kayo magkasama?"


"Wala. Sinamahan niya lang ako kasi nawala ko yung ano.. yung hikaw ko nawala ito o nahanap na namin. Asan na nga pala yung iba?" I immediately changed the topic. Pinaningkitan nila ako ng mata. Alam kong hindi sila naniniwala but I'm glad they didn't force me. Alam naman kasi nila na nag o-open up ako sa kanila kapag kailangan.


"Everyone went out to look for you. Lalo na si Ryder. Sobra kung nag alala yung tao." Napayuko ako dahil sa sinabi nila. Nakakahiya yung ginawa ko. Pinag alala ko silang lahat.


"Okay na. I texted everyone na nakabalik ka na. I also said na dumeretso na sila sa beach for the bonfire party. Do you want to go now Psyche?" Sabi ni Belle habang ibinababa ang phone niya. Ngumiti ako sa kanila at tumango. They smiled back at me. I'm really sorry, I'll tell you at the right time.


Pumunta na kami sa bonfire party and they are already starting the drinks and the music. Yung iba sumasayaw na.


"Psyche! You're okay! Akala talaga namin may nangyari na sa inyo ni sir Eros." Salubong sa amin ng mga kasamahan namin.


"Akala nga namin magkasama kayo pero nung dumating siya dito ang kasama niya si Radella."


Ngayon lang namin napansin si Radella at Eros na nakaupo at nakaharap sa apoy habang may hawak na red plastic cup. Nakahawak si Radella sa braso niya at masayang nagsasalita habang si Eros ay seryoso lang na umiinom.

"Bitch! What is she doing here?" I heard Iris muttered.

"Akala ko ba kayo ang magkasama?" Tanong sa akin ni Belle. Hindi ako kumibo. Napayuko ako nang makita na isinandal ni Radella ang ulo niya sa balikat ni Eros. Tama siguro ang naging desisyon ko na hindi marinig ang sagot niya dahil siguradong masasaktan lang ako.



"That's it. I hate that bitch." Belle stomped her way to where Eros and Radella is.



"Hey! I don't remember inviting you to my party."



"Who cares?" She shrugged pagkatapos ay uminom sa baso niya.


"Hayaan niyo na siya." Hinawakan ko sa braso si Belle dahil mukhang ano mang oras ay susugurin na niya si Radella. I accidentally looked at Eros na kanina ko pa iniiwasan ang tingin. Hinila ko na palayo si Belle at Iris.


"Baka gusto lang naman niya sumama sa party. Wag nalang natin siyang pansinin."


"I don't want her in my party. Ang sabihin mo, she just want to flirt with Eros."


One Stupid MistakeWhere stories live. Discover now