Chapter 1 : Lost of the Princess - Part 1

36.9K 726 80
                                    

Third Person POV

8:30 na ng gabi nang isinilang ang isang munting prinsesa. Nagulat ang lahat ng nasa silid dahil inaakala nila ay isang batang lalaki ang isisilang.

Natatakot na tinitignan ni King Vaughan Onyx at Queen Pyxie, ang kanilang kakasilang na anak. Natatakot sila na baka mamatay din ang kanilang anak katulad ng mga naunang reyna na nagsilang din ng babae.

Hinihintay na lamang nila ang mangyayari sa pagtungtong ng orasan ng 12:00..... Ngunit ng lumagpas na ng 12:00 ay nagbunyi ang lahat ng nasa silid dahil hindi namatay ang munting prinsesa.

Sa pagkatuwa ay naganunsyo si King Onyx ng isang pagdiriwang at pinaalam sa buong kaharian.

"Lumisan kayo at ianunsyo sa buong kaharian na magkakaroon ng pagdiriwang ngayong gabi. Ipatawag ang mga Diwani upang ayusin ang gaganapan ng pagdiriwang. Gusto ko maging masaya ang lahat! Gusto ko ipagdiwang ng lahat ang pagkabuhay ng Nagiisa Kong Anak na Prinsesa!" Sigaw ni King Onyx sa kanyang mga kawal kaya dali daling lumisan ang mga ito.

( Author's Note : Diwani ay diwata na mahilig magayos at magdisenyo ng kung ano ano. Sila din ay tapat na tagapaglingkod sa Hari at Reyna dahil kaibigan ito ng Reyna )

Bumalik si King Onyx sa pagkakatabi kay Queen Pyxie at hinaplos ang ulo ng munting prinsesa.

"Ooonga! Ooonga! Oonga!" ( Iyak ng sanggol )

"Onyx ano ba. Ayan tuloy umiyak ang anak natin. Wag mo nga siyang gisingin." Sabay palo niya sa kamay ng kanyang asawa. Natawa na lang ang hari sa inasta ng kanyang asawa.

"Tss. Parang ikaw lang, ayaw magpagising palagi."

"Anong sabi mo?!" Sabi ni Queen Pyxie habang nanglilisik ang mga mata niya.

Napatawa na lang si King Onyx sa itsura ng asawa niya at ibinaling ang tingin sa prinsesang nakatulog na ulit nang biglang pumasok naman ang 3 batang lalaki na anak din nila.

"Mommy! Mommy! Mommy! Where's our sibling? Totoo po ba na babae ang kapatid namin kaya ipagdiriwang natin ito?" Tanong ni Vaughn Zircon, panganay sa magkakapatid na lalaki.

"Oo mga anak. Totoo nga. Halika kayo at tingnan niyo siya." Queen Pyxie

"Ang cuuuutttteeee!!!!" Sabi nina Thane Tavey at Oswin Tavey, the Twin Prince.

"Anong ipapangalan natin sa kanya?" King Onyx.

"Hmmm. Anyx Thana. Yan ang gusto ko asawa ko." Queen Pyxie, habang nakatingin sa munting prinsesa.

*Tok! Tok! Tok!*

"Come in." King Onyx

"Mahal na Reyna at Hari, handa na po ang lahat. Kayo na lang po ang hinihintay sa pagdiriwang."

"Susunod na kami." Queen Pyxie. Nagpalabas ng mahika ang reyna at agad nagbago ang suot nilang pamilya.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Let us welcome the Royal Family of Immortal Wolrd." Nagsi-palakpakan ang mga nasa palasyo at nagbigay pugay nang pumasok ang Royal Family.

Makikita sa mga mata nila na nagagalak sila dahil nabuhay sa wakas ang kauna unahang Pure Royal Blooded Princess sa pamilya ng Royal Family of Immortal World.

"Nais ko kayong pasalamatan sa pagdalo niyo dito. Gusto kong ipakilala sa inyo ang kaisa isa kong Anak na Prinsesa... Si Anyx Thana Villaruel." King Onyx

"Simula ngayong araw na ito, nais ko sanang lahat tayo ay bantayan na ang buong kaharian dahil hindi natin alam kung kailan sasalakay ang mga Dark Immortals para patayin ang Prinsesa ko." Queen Pyxie

Nagsitunguan naman ang mga nandoon sa palasyo. Ngunit hindi nila alam na may nagmamasid na pala sa malayo at hinihintay na lamang ang pagsalakay nila...........

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Where stories live. Discover now