Chapter 6 : The Map of a City

24.6K 564 6
                                    


Simula nung 5 years old pa lang ako alam ko nang hindi lang ako basta normal na tao. Katulad ko din kaya ang mga parents ko?

Ayy ano ba Serenity, malamang katulad mo sila, sa kanila ka nang galing eh. Napabatok na lang ako sa sarili ko dahil sa iniisip kong yun. Oo nga naman. Ang shunga ko talaga.

Nandito na ako ngayon sa school ko. Ginawa ko lang yung morning routines ko tapos umalis na.

Wala naman kasi ako masyadong ginawa kanina. Malapit na ako ngayon sa school buti na lang at hindi ako late.

Habang naglalakad ako sa school hallway, humarang na lang bigla si Agnes kasama ang mga alipores niya. Tsk, sila nanaman. Ano nanaman kaya kailangan ng mga ito sakin?

"Bakit nanaman ba?" Inis kong sagot.

"Hindi bagay sa katulad mo ang ganitong school." Mataray niyang sagot.

"Oo nga eh hindi bagay sakin. Kasi ang school na ito ay para sa mga Hipon na katulad niyo."

"Aba sumasagot ka na sa akin-" Sabi niya pero hindi ko na siya pinatapos pa at umalis na lang. Tsk ayoko ng gulo. Baka mapagalitan pa ako ni mama nyan eh.

Narinig kong sinigawan niya ako pero hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na sa classroom.

*Classroom*

Wala si Ma'am English namin ngayon kasi may meeting daw ang faculty. At yan ang dahilan kung bakit ang ingay dito sa room. Kairita naman.

Bigla na lang may tumabi sakin dito sa room pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya dyan.

"Pssst." Kalabit sakin ng katabi ko. But still, I just snob whoever it is.

"Psst"

"Psst! Huy pansinin mo naman ako." Inis na lumingon ako sa katabi ko. Kaklase ko lang naman palang lalaki. Ano kayang kailangan nito sa akin?

"Ano kailangan mo?" Tanong ko ng may pagkairita.

"Wala lang." Sabi niya kaya mas lalo akong nairita. Hindi ko na lang siya pinansin ulit at sumubsob na lang ako sa upuan ko para matulog. Tsk, istorbo.

"Kilala kita." Sabi niya pero hindi ko pa rin siya tinitignan. Ewan ko ba pero may part sa akin na makinig ako.

Hinihintay ko na yung sasabihin niya pero wala kaya binalewala ko na lang yung pakiramdam ko.

"Kilala ko din ang Totoo mong Parents." That caught my attention. Talaga? Kilala niya? Parang imposible kasi hindi ko naman siya kaclose at hindi naman niya kilala si mama. Pero sabi nga diba na 'Expect the Unexpected'.

"Kilalang kilala kita Serenity. Unang pagkita ko pa lang sayo naramdaman ko nang kakaiba ka. Alam ko kung sino ang totoo mong magulang. Alam ko din kung nasaan sila." Pinakinggan ko ng maigi yung sinabi niya. Gusto kong makilala ang totoo kong magulang. Iaangat ko na sana yung ulo ko para harapin siya pero.....

"Kung gusto mo malaman kung nasaan sila....."

"Punatahan mo ito." Naradaman ko na may nilagay siya sa bag ko sa may paanan ko. Naramdaman ko din na umalis na siya pero nanatili pa rin ako sa pwesto ko.

Maya-maya nagbell na. Inayos ko agad yung gamit ko at saka umalis. Uwian na namin kaya agad akong lumabas ng school.

Habang naghihintay ako, kinuha ko na yung pamasahe ko sa bag ko pero napatingin ako sa papel na binigay sa akin ng kaklase ko. Kinuha ko yun at binuksan pero..... Isang mapa ng isang City????????


Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon