Chapter 21 : Flashback Part 1

19.4K 366 0
                                    

FLEURMAGNE'S POV

*Flashback*

Nandito ako ngayon sa karwahe. Nakatingin lang ako sa labas at napuna ko ang mga kawal na abala sa pagtatanong. Bakit parang may problema sila?

Habang nasa karwahe ako, nakaramdam ako bigla ng malakas na aura sa paligid kaya agad kong hinanap ang pinanggalingan noon pero hindi ko matukoy kung saan galing.

Hindi ko na lang pinansin yung naramdaman ko at bumalik na lang ulit sa pagtanaw sa labas.

Maya maya nakarating na ako sa Immortal Kingdom. Pagkapasok ko, napansin ko na halos abala ang lahat. Tinawag ko yung isa sa mga kawal at tinanong ko.

"Nasaan ang Hari at Reyna?"

"Nasa kwarto po ni Princess Anyx ang Mahal na Hari at Reyna, samantalang umalis po ang mga Prinsipe, Princess Fleurmagne." Sabi ng kawal at umalis agad. Bakit kaya abala ang lahat at parang nagmamadali?? Ano kaya ang meron???

"Ano po bang meron ngayong araw?? Bakit parang abala kayong lahat??? May pagdiriwang bang gaganapin????" Tanong ko ulit sa isa pang kawal na tinawag ko. Huminto naman siya at nagbigay pugay sa akin bago magsalita.

"Pinapahanap po ng Mahal na Hari at Reyna si Princess Anyx... Dahil nakabalik na po ang nawawalang prinsesa sa mundo po natin..... Pero hindi pa po namin siya mahanap hanggang ngayon." Nagulat naman ako sa sinabi ng kawal. Totoo ba? Totoo bang nakabalik na ang Nawawalang Prinsesa?

"Wag niyo nang ipaalam sa Mahal na Hari at Reyna na nagpunta ako dito." Sabi ko sa kawal na kausap ko na hindi pa umaalis. Tumungo naman siya at saka umalis na.

Lumabas na lang ako ng palace dahil sa tingin ko ay busy silang lahat sa paghahanap sa nawawalang prinsesa kaya napag-pasiyahan ko na lang na mamasyal sa kaharian.

Magisa nanaman ako. Bakit ba hindi ako makahanap ng totoong kaibigan????? Gusto ko din maranasan yung pakiramdam na may karamay ako sa lahat ng bagay..............

***

Naglalakad lakad lang ako ngayon nang bigla ko ulit maramdaman yung malakas na aura.

Sa tingin ko ay sa playground siya nanggagaling kaya pumunta ako doon.

Tinitignan ko lang yung mga batang naglalaro dito nang mapadako ang tingin ko sa babaeng naka floral dress. Parang sa kanya nanggagaling yung aurang yun?

Napakaganda niya. Halos para na siyang isang goddess sa itsura niya. Bakit parang nagiisa lang siya ngayon?

Hmm bakit kaya nagiisa lang siya? Siguro kagaya din niya yung mga babaeng maganda pero masama naman ang ugali.

Habang tinitignan ko siya ng matagal napansin kong nagiging kamukha niya ang Mahal na Hari at Reyna.

Ilang minuto pa ay napagpasiyahan kong lapitan siya. Hindi ko alam kung bakit pero parang mabait naman siya at hindi siya katulad ng iba.

Sa pagkakalapit ko sa kanya. Bigla na lang nawala yung malakas niyang aura... Tama ako......... Sa kanya nanggaling yung aurang iyon. Sino kaya siya????

"Hello!" Masiglang bati ko sa kanya. Naghello din naman siya at nginitian ako.

"You look like a princess in your dress. Ang ganda mo naman. Are you a princess?" Tanong ko sa kanya at tumabi na ako sa pagkakaupo sa bench. Sa ganda niyang yan, sigurado akong isa din siyang prinsesa.

"Ah-eh hindi. I'm not a princess. And thank you for your compliment." Sabi niya na nauutal pa at bumalik ulit sa pagkain.

Weh? Talaga? Hindi siya prinsesa sa ganda niyang yan? Impossible. Napansin ko naman na parang nahihiya siya sa akin. Well, that's new.......

"Do you want some?" Inalok niya sakin yung ice cream niya ng nakangiti. Inabot ko naman yun at nagpasalamat ako. Nakakahiya naman kung tatangihan ko noh.

"Thank You!" Sabi ko na lang sa kanya at binuksan na yung ice cream nabinigay niya.

A moment of silence............






To be continue...........



Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon