Chapter 44 : Alam ko na!

19.4K 446 13
                                    

PRINCE THANE'S POV

"Ano kaya ibig sabihin ni Anyx kuya noh?" Tanong ko kay kuya vaughn.

Nandito kami ngayon sa library ng academy. Hinahanap namin yung sagot sa pinapahulaan ni Anyx.

Tutulong nga dapat sina Walter at Adrix pero hindi na namin sila pinatulong sa akin. Inutusan na lang sila ni kuya ayusin yung garden na nasira ni Anyx.

"Haish! Suko na ako!" Rinig kong sabi ng kakambal ko

Wow ah nahiya ako. Konti pa nga lang libro nababasa niya suko na agad siya? Ang tamad din ng kakambal ko eh noh. Mabatukan nga.

*Pok*

"Ouch! Aray naman Thane eh! Para saan yun?!" Pagrereklamo niya habang kinakamot yung ulo niya. Ha!!! Dapat lang yan sayo. Tamad ka kasi eh hahahaha.

"Eh sa nakaka tatlong libro ka pa nga lang basahin tapos kami ni kuya halos nakaka-walo na! Nagrereklamo ka pa ah." Sinamaan na lang niya ako ng tingin at kumuha ulit ng libro. Nagpatuloy na lang kami sa pagbabasa ng tahimik.

Napansin ko naman kay kuya na hindi niya kami pinapansin. Tutok na tutok talaga siya sa libro. Mana talaga kay mommy eh...........

Ano kayang ibig sabihin ni Anyx sa pinapahulaan niya? Ang gulo niya sa totoo lang.

Nagmana yata si Anyx kay daddy eh. Ang hilig magpahula. Tss nakakainis.

Teka...... Kung nagmana si Anyx kay daddy, ibig sabihin hindi siya makikita sa libro yet we have to solve it through our minds.

"Kuya, ano ulit ang bilin sa atin ni daddy kapag may pinapahulaan siya?" Tanong ko kay kuya vaughn na hanggang ngayon ay busy pa rin sa pagbabasa.

"Everything is not what you think so. Solution is best if you think about it." Sabi niya without looking at me. Eh? Hindi naman niya nasagot yung gusto kong malaman eh!

"Try to remember things. In that way you will have a clue or it might be a solution." Dagdag pa ni kuya. Hmm try to remember things...........

"Tell me the truth."

"Finally, nakilala ko din ang mga kuya ko...."

"Tss hindi niyo talaga magets ako noh?"

"Haish bahala nga kayo dyan. Hulaan niyo! *Bleh* Alamin niyo pinagsasabi ko dito mga kuya."

'The truth'....... 'Nakilala na niya ang mga kuya niya'... Mga kuya.......................... Wait!

"Alam ko na!" Pareho silang napatingin sa akin nung napasigaw akong alam ko na. Ngiting ngiti ako kasi nalaman ko na din sa wakas!

"Alam na ni Anyx na tayo ang mga kapatid niya!" I answered their questioning face.

Mukha namang na-gets nila agad yung sinabi ko kaya agad agad kaming tumakbo papunta sa canteen.

*Boogsh!* (Malakas na pagbukas ng pinto)

Hinahanap na namin ngayon si Anyx. Alam kong nandito siya. I can sense her aura.

Napatingin naman ako sa may bandang sulok ng canteen. Tama ako...... Nandun nga siya....... Kasama niya si Fleur.

Tinawag ko si kuya at yung kakambal ko na nandun si Anyx sa sulok. We teleported papunta kay Anyx at niyakap namin siya ng sabay-sabay.

Wala akong pakealam kung nakatingin sa amin yung mga students dito. Namiss ko talaga yung kapatid ko-namin.

Finally, buo na ulit kaming magkakapatid.

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon