Chapter 8 : I'm not a Queen

23.6K 558 7
                                    

Ito na ba yung city na sinasabi ng nasa mapa? Wow.... Grabe sobrang ganda. Parang nakabalik ako sa sinaunang panahon mixed with modern style at Fairytale.

Gosh! Ang ganda talaga dito sa lugar na ito! May mga store at bahay din dito. Yung mga tao dito hindi masyadong madami pero adaming bahay. Nakakapagtaka naman. At wait... May Castle din sa hindi kalayuan? Bakit kaya may castle dito?

Habang naglalakad ako napadaan ako sa isang Clothes Botique. Naisipan ko naman na bumili ng damit kasi ang haggard ko na dahil sa pagsuot ko sa mga puno kanina.

Pagkapasok ko walang tao. Naglibot muna ako sa buong botique pero wala akong magustuhan.

"Good Morning, Your Highness..." Napatalon naman ako sa gulat. Para siyang kabute na bigla bigla na lang sumusulpot. Wait ano tinawag niya sakin? Your Highness????

"Gawa na po yung bago niyo pong damit, Queen Pyxie. This way po Your Highness..." Sabi niya habang ginegesture yung isang pinto sa gitna.

Aangal na sana ako kasi hindi naman ako si Queen Pyxie pero nauna na siyang maglakad kaya napasunod na lang ako.

Nung pumasok na kami kwarto na tinuro niya napamangha na lang ako sa ganda ng mga nakadisplay dito.

Wow, ang ganda ng gown! Kulay white siya with a touch of gold. Tapos sa tabi naman niya andaming gown din at yung iba ay dress pero... Bakit parang hindi sila magkasing size at mas pang bata yung mga gown at dress na nasa tabi ng white gown?

 Bakit parang hindi sila magkasing size at mas pang bata yung mga gown at dress na nasa tabi ng white gown?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Nagustuhan niyo po ba yung gown, Queen Pyxie?"  Tanong niya pero umiling na lang ako. Sasabat na sana ulit ako pero hindi nanaman niya ako pinatapos. Kainis naman.

"Sukatin niyo na po yung gown. Maiwan ko po muna kayo. Babalik na lang po ako kapag ok na po kayo..." Sabi niya sabay alis. Ang galing. Hindi ako nakapagreklamo na hindi ako si Queen Pyxie. Ano ba yan eh...

Napatingin na lang ako sa white gown. Maganda siya pero wala akong balak na sukatin siya kasi parang hindi naman kasya sakin.

Ohhhhh. I want the dress beside the Gown. Kulay pink siya na parang roses. Nilapitan ko yung dress para hanapin yung price pero wala.

Naisipan ko na lang na suotin ito at mamaya ko na lang babayaran.

Naisipan ko na lang na suotin ito at mamaya ko na lang babayaran

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Suot ko na yung dress ngayon at grabe ang ganda niya! Fit na fit sakin na akala mo'y tinahi talaga para sakin. Inayos ko yung buhok ko para mas bumagay sa dress. I look like a princess dahil sa suot ko ngayon.

*Tok tok tok*

"Come in." Sabi ko sa kumatok.

"Your High-" Naputol yung sasabihin niya at napatingin na lang sakin. Ganun na ba ako kaganda para mapatunganga siya? Hahahahaha.

"Nagustuhan niyo po ba ate?" Sabi ko sabay ikot sa harap niya.

"Ang ganda po niya. Fit na fit sa akin po. Magkano po dito sa dress ate?" Tanong ko pero hindi pa rin siya nagsasalita at tumingin lang sa akin kaya nagsnap ako sa harap niya. Buti na lang natauhan naman siya agad.

"Queen Pyxie, bakit niyo po suot ang dress ni-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Ako naman ngayon ang puputol sa sasabihin niya. Whahahahaha. Bawian lang yan!

"Excuse me po ate pero... I'm not Queen Pyxie. Siguro nagkamali lang po kayo ng tawag sa akin at napagkamalan niyo po akong Queen."

"Pero kamukha mo si-"

"Ate hindi nga po ako si Queen Pyxie. Baka magkamukha lang po kami. By the way po ate..." Sabi ko at kumuha ng deserving price para sa dress na suot ko.

"Ito po yung bayad para sa dress ko po ate. Salamat po ng marami!" Sabi ko sabay abot sa kanya ng pera. Kinuha naman niya iyon pero nakatunganga pa rin sa akin. Aishh..... Nakakaconcious yung titig niya.

Nagmamadali akong lumabas ng botique para makaiwas na lang sa tingin niya. At salamat naman hindi niya ako hinabol......



Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Where stories live. Discover now