Chapter 49 : Fight Fair Part 3

18.8K 363 3
                                    

Continuation........

VAUGHN'S POV

Kanina ko pa napapansin na panay usap nila Adrix at ni Anyx. At saka bakit magkaholding hands sila? Sila na ba?

Hindi yata nagsasabi itong kapatid ko ah. At si Adrix naman lagot yan sa akin. Kahit na kilala ko siya at close kami, syempre strikto pa rin ako sa kapatid ko.

"Thane, Oswin." Mahinang tawag ko sa kapatid ko kaya nilingon naman nila ako.

"Ano meron?" Tanong ko sa kapatid ko tumingin kay Anyx at Adrix. Binalik ko din naman agad yung tingin ko sa kapatid ko at pati din sila nagtataka.

"Hindi namin alam kuya. Baka sila na." Oswin

"Oo nga, magkaholding hands na sila." Tinignan ulit namin yung magkahawak nilang kamay. Kanina pa itong dalawang ito ah.

"Ano kuya? Kausapin na ba natin?" Thane.

"Ako bahala." Simpleng sagot ko na lang sa kanilang dalawa.

"Now! The next battle is...." *Drum Sound*

"Prince Vaughn and Prince Walter!"

Narinig ko na yung pangalan kong tinawag ni HM. Ako na ang lalaban.

Hmm, diba close si Walter kay Adrix so... pwede akong magtanong kung ano meron sa kanila ng kapatid ko.

"Best luck Kuya! Kaya mo yan!" Bati ni Anyx sa akin at niyakap ako. Niyakap ko din naman siya pabalik pero kumalas din agad siya.

"Alagaan niyo si Anyx. Bantayan niyo siyang maigi kay Adrix lalo na sa mga Vymege. Baka sumugod sila ng bigla dito. Wag niyong hahayaan masaktan siya." Ginamit ko yung telepathy kong kapangyarihan at kinausap sila Thane at Oswin.

"Sige kuya. Galingan mo." Oswin.

"Kaming bahala kuya kay Anyx. Wag ka nang magalala. Galingan mo sa laban kuya ah." Thane.

Binalik ko na yung tingin ko kay Anyx at nginitian ko siya. Habang naglalakad ako hinahanda ko na yung sarili ko para sa laban.

***

Naglalaban na kami ngayon ni Walter. Madami dami na din siyang sugat pero ako wala pa.

Hindi ko pa din ginagamit kapangyarihan ko kasi alam ko namang kaya ko siya without my magic. Tss swerte lang niya kung matalo niya ako.

Kanina ko pa din tinatanong si Walter tungkol kila Adrix at sa kapatid ko pero ayaw niyang umamin. Loyal talaga itong lalaking ito kay Adrix eh.

"Tss. Sabihin mo na kasi yung gusto kong malaman para hindi ka na mahirapan pa." Sabi ko sa kanya habang umiiwas ako sa bawat atake niya.

"Bakit mo ba pinapatagal yung laban natin ha? Alam kong hindi ako mananalo sayo Prince Vaughn. Talunin mo na lang ako." Actually kanina ko pa pinapatagal yung laban namin. Ang tagal na yata namin dito sa battle field eh.

"Hindi ko tatapusin itong laban natin ng hindi ka umaamin." Sinugod ko ulit siya sa harap pero I teleported quickly sa likod niya at sinugatan siya sa may likod niya.

"Agghhh!!" Napadaing naman siya sa sakit niya pero nagawa pa rin niyang tumayo. Ang tapang din nito eh.

"Umamin ka na kung gusto mo nang matapos ito." Sabi ko ng seryoso at tinitigan lang siya. Tinitigan lang din niya ako pero maya maya sinugod ulit niya ako.

"May gusto si Adrix kay Princess Anyx." Panimulang sabi niya at binato sa akin yung ginawa niyang Pearl. Iniwasan ko lang naman iyon at tumayo lang ulit.

"Balak na siyang ligawan ni Adrix." He attacked me with his claw but I dodge it. I'm still waiting for what will he say next before I finish the fight.

"Don't worry kasi magpapaalam naman muna siya sa inyo bago siya manligaw. That's all." Sabi niya while he attacked me with his poisonous water.

Now it's time to finish the fight. Nalaman ko na din naman lahat ng gusto kong malaman.

I quickly punch him in his tummy that made him split blood.

"The Winner is Prince Vaughn!" Nagpalakpakan naman lahat ng mga nanonood. I know that they are amazed kasi wala man lang ako kagalos galos while Walter is in pain.

Nilapitan ko si Walter na ngayon ay nakahiga at tinitiis yung sakit. Lumuhod ako sa kanya at I helped him heal his wounds and help him get up.

Magkaibigan pa rin kami kaya ayokong nasasaktan siya. At alam kong magagalit sa akin si Fleur dahil sa ginawa ko sa manliligaw niya.

At worst, baka galit din sa akin si Anyx kasi nasaktan ko si Walter na importante sa bestfriend niya.

Tss like mommy as always. Palaging inuuna yung iba kaysa sa sarili.

"Nice fight bro." Nginitian ko na lang si Walter at tinulungan ko siyang tumabi kay Fleur.

*Splash*

What the?! Sino bumasa sa akin?!

Nilingon ko agad kung sino yun at nakita ko si Anyx na nakasimangot. Sabi ko na nga ba eh magagalit siya.

Magsasalita na sana ako pero binato ulit niya ako ng snow. What the-?! Water tapos ice?!

Hoo... Gininaw ako bigla. Paano ba naman. Basa na nga ako. May yelo na nga ako sa katawan tapos papahanginin pa ni Anyx?!
Aba sumosobra na ah! Kuya pa rin niya ako!

"The next fight will be Prince Thane and-"

"Ano ba?!" Oops. Napalakas yata yung pagsigaw ko. Tinignan ko yung mga nanonood sa amin.

Napahinto din si HM sa pagaanounce kung sino na yung susunod na labanat lahat ng students nakatingin sa amin.

*Sniff* *Sniff* ( Iyak ng tao )

Napatingin ako bigla kay Anyx. Nakita kong umiiyak na siya.

"Anyx...." Mahina kong sabi pero hindi niya ako pinansin. Iniwasan niya ako at pumunta siya sa pinakalikod na upuan.

Pupuntahan ko na sana siya pero hindi ko magawang makalapit sa kanya.

She made a barrier. I can still see her cry. Wala na akong nagawa kaya bumalik na lang ako sa kinauupuan ko.

Nakokonsensya ako sa ginawa ko. Dapat hindi ko siya sinigawan. Dapat hindi ko ginawa yun sa kanya.

Sana hinabaan ko na lang ang pasensya ko. Sana hindi kami nagkaganito............

To be continue.................

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Where stories live. Discover now