Chapter 10 : Nakabalik na siya...

21.9K 545 3
                                    

STILL QUEEN PYXIE'S POV

Nakabalik na ako sa palasyo namin ngayon at agad kong hinanap ang Asawa Ko.

Nakita ko naman ang isa sa mga butler namin kaya agad ko siyang tinawag para itanong kung nasaan ang pamilya ko.

"Butler Daze, nasaan ang Hari at ang mga Prinsipe?"

"Nasa Garden po ang Mahal na Hari at ang mga Prinsipe, Mahal na Reyna." Tinunguan ko na lang siya at umalis. Kailangan ko masabi sa kanila ang nalaman ko ngayong araw kaya dali dali akong pumunta sa garden ng palasyo namin.

***

Nakarating na ako sa garden namin at nakita ko ang kambal kong anak na naglalaro ng chess at ang panganay ko ay nilalaro ang white fire niya.

"Onyx..." Tawag ko sa Asawa Ko. Lumingon naman siya sa akin at pati ang mga anak ko.

"Bakit Mahal Ko?" Tanong sa akin ni Onyx pagkatawag ko sa kanya.

"Hi Mommy!" Bati ng mga anak ko at lumapit sakin sabay halik sa pisngi ko.

"Mommy tara sali po kayo sa laro namin!" Pagyayaya sakin ni Oswin.

"Wag niyo na siya yayain sa boring ninyong laro. Mommy basahin niyo na lang po itong libro oh! Ang ganda po ng kwento!" Sabi naman ni Vaughn. Sabay hila sa akin pero agad din naman akong tumigil.

"Mommy? Bakit po?" Tanong sakim ni Thane.

"May problema ba Pyxie?" Nagaalalang tanong sakin ng Asawa Ko sabay haplos sa pisngi ko.

"Onyx, mga anak may importante akong sasabihin sa inyo..." Pagputol kong sa sasabihin ko at huminga muna ako ng malalim.

"Si Anyx.... Nakabalik na siya." Sabi ko na ikinagulat nila.


Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon