Chapter 73 : Axel's Story Part 1

14.1K 213 11
                                    

THIRD PERSON'S POV

Lahat ng nasa ball ay nagsasaya lalong lalo na ang Tatlong Prinsesang inimbitahan ni Princess Anyx.

Sobrang saya ng Tatlong Prinsipe dahil nakakasayaw nila ngayon ang kanilang napupusuan.

Unang tingin pa lamang ay napa-ibig na sila sa mga dalagang ipinakilala ng kanilang kapatid na babae.

Ngunit hindi nila alam na ang babaeng sinasayaw at iniibig nila ngayon ay ang Prinsesa ng mga taga Vymege Kingdom.

Sa kabilang dako naman, galit na galit na ang ama ng mga Prinsesa at hinahanap sila.

"Nasaan na ang mga anak ko?!" Galit na tanong ni King Axel.

"H-hindi ko po alam Mahal na-" Hindi na natapos ang sasabihin ng bantay ng mga prinsesa dahil walang awa itong pinatay agad ni King Axel.

"Mga walang kwenta!" Sigaw ng Hari at umupo sa kanyang trono.

"Xel tama na yan. Babalik din sila." Sabi ni Reyna Rebecca sa kanyang asawa ngunit hindi siya ito pinansin at umalis.

Tumungo si King Axel papunta sa sekretong kwarto na walang nakakaalam maliban na lang sa kanyang asawa.

Napa-iyak muli ang Hari sa pagkakita sa anak niyang wala nang buhay.

Galit na galit siya dahil pinatay ito ng panganay na anak ng dati niyang minamahal.

Ngunit wala siyang pakealam sa mga anak niya. Sa kaisip-isipan ng Hari ay iniisip pa rin niya ang taong minahal niya ngunit hindi siya minamahal pabalik.

"Pyxie... Hindi ko matanggap hanggang ngayon na ang matalik ko pang kaibigan ang nakatuluyan mo." Mahinang banggit ng hari at umupo muna.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang totoong minamahal niya.

Bawat sandali ay naaalala niya ang pinagsamahan nilang apat na magkakaibigan noong magkakasundo pa sila.

* Falshback *

"Pyxie!" Tawag ng Batang Axel sa kanyang crush pero hindi alam ni Pyxie na crush siya nito.

"Xelly bakit?" Tanong ng batang Pyxie.

"Para sayo nga pala..." Tinanggap naman ni Pyxie ang bulaklak ni binigay sa kanya ni Axel.

"Thank You!" Sabay yakap ni Pyxie kay Axel.

"Oo nga pala, Xelly, nasaan si Onyx?" Tanong ni Pyxie na ikinasimangot ni Axel.

"Hindi ko alam eh. Baka kasama niya si Rebecca. Tara na, una na tayo sa classroom baka malate pa tayo." Sabi ni Axel at hinila si Pyxie.

Bata pa lamang silang apat (Axel, Rebecca, Pyxie at Onyx) ay magkakaibigan na sila.

Bata pa lamang din sila ay may gusto na ang dalawang prinsipe kay Pyxie. At si Rebecca naman ay nagkakagusto sa kaibigan niyang si Axel.

Hanggang sa paglaki ay magkaribal ang dalawang prinsipe (Axel at Onyx) kay Pyxie. Palihim na sinisiraan ni Axel ang kanyang kaibigan na si Onyx kay Pyxie dahil alam niyang gusto din ni Pyxie si Onyx.

Gumagawa ng paraan si Axel para mapa-sakanya si Pyxie. At gumagawa din naman ng paraan si Rebecca para siya ang mahalin ni Axel.

Hanggang sa paglaki nila ay mas tumindi ang pag-aaway ng mga prinsipe ng palihim.

---

Isang araw napag-alaman ni Axel kay Rebecca na nililigawan na ni Onyx si Pyxie kaya pinuntahan niya agad si Pyxie para tanungin kung totoo ito. Pero iba ang naabutan niya.......

Axel saw Onyx proposing to the girl he love the most. He felt anger to the both of them dahil hindi sinabi ni Pyxie na nililigawan na siya ni Onyx at naisahan siya ni Onyx sa pagkukumpetensya kay Pyxie.

"Pyxie!" Galit na sigaw ni Axel.

"X-xelly..." Gulat at mahinang sambit ni Pyxie. Hindi nila inaasahan na magkikita silang tatlo sa ganoong sitwasyon.

"Mga manloloko kayo!" Nagpalabas ng black fire si Axel at tinira ito papunta sa dalawa niyang kaibigan.

"Axel nasisiraan ka na ba?! Baka masaktan mo si Pyxie!" Galit na sigaw din ni Onyx at tinago sa likod niya si Pyxie pero pumagitna pa rin siya sa dalawang prinsipe.

"T-tama na... Axel hindi talaga kita gusto. Pumayag ako magpaligaw sayo dahil inaakala kong mapapamahal din ako sayo pero hindi........ Si Onyx ang mahal ko, Axel. I'm sorry........" Pag-aawat ni Pyxie sa kanilang dalawa.

"A-akin ka lang Pyxie! Hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya! Mahal kita Pyxie, akin ka lang!"

Nagteleport si Axel papunta kay Pyxie para kuhain sana pero napigilan ito ni Onyx.

Pareho silang ayaw magparaya ng pagmamahal para kay Pyxie.

Naglaban silang dalawa at tila papatayin na nila ang isa't isa para lang mapunta si Pyxie sa kanilang sarili.

Pero hindi inaasahan ang susunod na nangyari............


To be continue...........

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Where stories live. Discover now