Chapter 36 : Calling him Kuya

19.3K 406 1
                                    

"Concentrate." I'm concentrating already! Pero ayaw pa rin lumabas ng weapon ko.

Huhuhuhuhu it's been 30 minutes pero wala pa rin nangyayari.

Nagprapractice na yung mga kaklase ko while me tinuturuan pa rin ni Ma'am Weya to summon my weapon.

Kanina pa ako tumitingin kay Fleur at ganun din siya. Alam kong gusto din niya ako tulungan pero bawal. Kahit na nagprapractice siya, chinicheer up niya ako kapag tumitingin siya sa akin.

"Princess Serenity concentrate!" Napayuko na lang ako sa hiya. Nasigawan na ako ni Ma'am kaya napatigil lahat ng kaklase ko sa pagprapractice at tumingin sa akin.

Hindi ko din naman siya masisisi kung nasigawan na niya ako.

Kanina pa kasi kami dito at hindi ko pa rin nagagawang isummon yung weapon ko. Nakakahiya na talaga ako! Huhuhuhuhuhuhu

"You should not shout at a Princess, Ma'am Weya." Napa-angat naman ako ng tingin sa nagsalita. It's Vaughn. Nandito siya ngayon sa harap namin ni Ma'am Weya.

"Sorry Prince Vaughn." Nasabi na lang ni Ma'am Weya at nagbow.

Halos lahat yata ng teachers takot sa mga Prince at Princess. Kahit na mas matanda yung mga teachers, they still know how to give respect to the Royal Family.

"I'll teach Serenity." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw? Siya ang magtuturo sa akin?

Eh kung si Ma'am Weya nga na professor namin hindi ako matulungan magsummon ng weapon ko, siya pa kaya?

Umalis naman si Ma'am Weya at ginather ang mga kaklase ko sa gitna at nagpractice. Me and Vaughn na lang ang natira sa pinakasulok ng Training Room.

"Sure kang tuturuan mo ako, Kuya Vaughn?"  Tanong ko sa kanya na ikinagulat niya. What's wrong with my question? Wala naman ah.

Hmm, maybe yung pagtawag ko sa kanya ng kuya. Pero wala namang mali dun ah. He's older than me kaya.

"Uhm... Is it ok for you na tawagin kitang kuya?" Tanong ko ulit sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin ng malungkot. Bakit kaya? I didn't mean to make him sad.

"Sorry. Kung ayaw mo, it's ok for me-"

"No. It's actually ok. It's just that I miss my lost sister. Siya dapat ang tumatawag sakin ng kuya ngayon pero wala pa siya. You can call me kuya if you want. Hindi naman yata magagalit ang kapatid kong babae kapag nalaman niyang may ibang tao ang tumatawag sa akin ng kuya." Tumawa siya ng pilit sa akin. Hindi ko alam pero I want to hug him and comfort him.

Hindi ko na lang namalayan na nagawa ko na yung iniisip ko.

"S-serenity w-what are y-you doing?" Tanong niya sa akin na halatang gulat. Bumitaw naman ako sa kanya at ngumiti.

"I don't know din eh. I just want to hug and comfort you. It feels so comfortable when I'm with you Kuya Vaughn." Nagtataka man siya sa sinabi ko pero I hug him again pero saglit lang.

"Kuya pwede ko din po bang tawagin sina Thane at Oswin ng kuya? Hehehehehe."

"Sige. Ako bahala." Sabi nya at nginitian ako.

"Yehey! Thank You kuya Vaughn!" Sabay yakap ko ulit sa kanya. This time niyakap na din niya ako pabalik.

Hindi ko alam itong nararamdaman ko pero ang sarap sa pakiramdam. Parang nayakap ko na siya dati pa. Pero hindi din nagtagal yung pagkakayakap ko sa kanya.

Hehehehehe nakakarami na ako ng yakap sa kanya. Nakakahiya na eh hehehehehe

"Let's start na kuya." I said smiling. Ngumiti naman siya sa akin at tinuruan na ako.

***

Ang tagal na din pero hindi ko pa rin magawang magsummon ng weapon ko. Medyo pagod na din ako kakaconcentrate pero I'm still trying.

"Kuya ayoko na. Ang hirap. Suko na ako." Bigla na lang ako sumuko at napaupo sa sahig.

Tinabihan naman niya ako sa pagkakaupo ko. Hindi ko na talaga kaya. Ang sakit na sa ulo.

"Ok lang yan. Wag kang sumuko agad. Wala kang mararating."  Sabi niya sabay tap ng ulo ko.

"Ikaw ba kuya paano ka nagsummon ng weapon nung first time mo pa lang magsummon?" Bigla ko na lang tanong sa kanya.

"Well, nung bata pa din ako, nahirapan din ako magsummon ng weapon ko like you. It almost takes me one week para lang masummon ko yung weapon ko." Ah so ibig sabihin. I can also take one week or more para lang masummon ko ang weapon ko. Ang galing noh? Napakagaling naman grabe. Nakakainis! *Insert Sarcastic*

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Kde žijí příběhy. Začni objevovat