Chapter 5 : I am Adopted?!

23.2K 521 3
                                    

Continuation...........



"Kailangan ko na bang sabihin sa kanya ang totoo? Pero bata pa siya."

Wait lang. Sinong 'sa kanya' ? Hindi naman siguro ako pinaguusapan nila diba???!!!

"Hindi. Hindi pa ako handang sabihin kay Serenity ang totoo. Bata pa siya. Baka hindi pa niya maintindihan at magalit sa akin. Ayokong mawala ang nagiisa kong anak. Siya ang nagpasaya sa akin nung namatay ang Asawa at Anak ko sa aksidente. Ayokong pati si Serenity mawala sakin sa oras na nalaman niya na Ampon ko lang siya."

Binuksan ko agad ang pinto ng kwarto ni mama kaya nagulat siya at nababa agad ang phone niya. Tama nga ako. May kausap si mama sa phone at ako ang pinaguusapan nila.

Hindi ako makapaniwala na Ampon lang ako ni mama. Parang hindi ko makakaya ang mga nalaman ko ngayon.

"A-anak, k-kanina ka pa dyan?"

"Totoo po ba ma? Na ampon mo lang ako?" Tanong ko na naiiyak na.

Hindi ako makapaniwala na ampon lang ako. Oo alam kong bata pa lang ako pero hindi naman ako katulad ng ibang bata na hindi marunong umintindi. Kakaiba nga ako diba?

"Anak. S-sorry. Please wag kang magalit sa akin" Nagmamakaawang sabi sakin ni mama.

Nilapitan ko na lang si mama at niyakap ko siya. Pareho na kaming napaiyak.

Hindi ko muna sasabihin kay mama ang mga kapangyarihan ko. Masyado na akong maraming nalaman ngayon.

Alam ko naman na hindi ko na mababalik ang nakaraan para malaman kung sino talaga ako. Wala ding mangyayari sakin kahit na iwanan at magalit ako kay mama.

Bata pa lang ako ngayon, wala pa akong alam masyado sa mundo. Mas pipiliin ko na lang makasama si mama kesa sa ibang tao.

Pero gusto ko pa rin makilala ang tunay kong magulang. Gusto kong makilala kung sino talaga ako.

Alam ko na iniwanan ako ng mga totoo kong magulang dahil may dahilan sila. At kung ano man ang dahilan nilang yun pipilitin kong intindihin sila kasi sila pa rin ang magulang ko. Sana makilala ko pa rin sila. Sana.......







*Flashback End*

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Where stories live. Discover now