Chapter 34 : Making Peace with Him

19.3K 418 9
                                    

FLEURMAGNE'S POV

Nakaupo ako ngayon sa may damuhan dito sa garden at hindi pinapansin ang Bwisitors ko.

Nilalaro ko na lang yung Water Dragon na gawa ni Serenity kanina sa Waterball ko.

Kanina ko pa din sinusulyapan si Serenity. Napansin ko lang na nagsmirk siya. Hala! Bakit kaya?!

Don't tell me na gagawa siya ng paraan para lang......

"Fleur..." Tawag sa akin ni Serenity sabay upo din sa tabi ko. Napatingin naman ako sa kanya. Tinaasan ko na lang siya kilay at bumalik sa pakikipaglaro sa dragon.

"Nagustuhan mo ba yang dragon?" Tanong niya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya.

"Yup! Gustong gusto ko!" Tumungo ako ng tumungo at ngumiti ng malapad. Hindi ko kayang makagawa ng creature at wala din akong pet!

Hehehehehehehe sana ibigay na lang niya sa akin para may alaga na ako! Ang cute kaya!

"Well..." Eh? Bakit pa siya nagiisip? Hindi kaya-

"Ibibigay ko siya sayo... In one condition." Tama na nga sabi ko eh! May kapalit! Napapout na lang ako sa kanya at tinaasan ng kilay. Ano nanaman kaya ang kapalit?

"Forgive Walter." Sabi niya sabay turo kay Walter na nananahimik lang. What?! Ayoko nga! Ayokong makipagbati sa mokong na yan! No way, high way!

"Kapag hindi ka nakipagbati...." Dugtong pa niya at inutusang lumayo sa akin yung dragon.

Hala! Yung soon-to-be-pet ko nawala na! Huhuhuhuhu kailangan ko pa ba talaga makipagbati sa lokong yun?

Pero... Wala naman sigurong mali kung makikipagbati ako diba? At saka hindi pa naman niya kilala nun si Serenity.

Gagawin ko na lang nga gusto ni Serenity para lang makuha ko yung soon-to-be dragon pet ko!

"Sorry." Padabog kong sabi kay Walter nang hindi tumatayo sa pagkakaupo ko.

"Nang maayos..." Napatingin ako kay Serenity at sinamaan ng tingin. Tinawanan lang niya ako at nagpeace sign. Haish! Bahala na nga!!!!

Tumayo na ako sa kinakaupuan ko at pumunta sa harap ni Walter. Napansin kong nagulat din siya sa ginawa ko.

Pero ano pa nga ba magagawa ko? Eh sa gusto ko talaga yung dragon eh!!!

" *Sigh* Sorry na kung nabato kita ng Waterball ko. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng galit ko. Ayoko lang kasing ginaganun ang bestfriend ko. I'm sorry." Sabi ko sa kanya sabay irap. Sinigurado kong hindi mapapansin ni Serenity yung pagirap ko. Syempre ayoko nang ulitin lahat ng sinabi ko noh.

Ngumiti naman si Walter sa akin. Oh-my...........Ngayon ko lang natitigan yung mukha niya. Ang gwapo pala niya sa malapitan!

Ano ba yan Fleur! Wag ka nga magisip ng ganyan. Don't tell me na naiinlove ako sa kagwapuhan niya? No way! Hindi ako papayag!

"Ok lang yun. Kasalanan ko din naman. Kung sana tinanong ko muna kung sino si Serenity edi dapat hindi ko siya napagkalamang maid. I'm sorry din ah kung nainsulto ko ang bestfriend mo." Napakamot siya ng batok niya at hindi makatingin sa akin. Oh my gosh!!! Ang cute niya!!!!

Ehem! Ehem! Hindi pwede. Hindi akong pwede mainlove sa kanya.

Pero ang gwapo niya!!! Ano ba yan!!! Nagtatalo na ang isipan at puso ko dahil lang sa lalaking ito! Ano ba meron sa kanya???!!!!

Pero infairness ah. Mabait naman pala siya at aminado sa kasalanan. Mukhang kaugali ko rin siya hehehehe. Crush ko na siya. Pero hindi ako inlove noh! Crush lang. A simple crush......

***

"Talaga?!" Napasigaw kong tanong kay Serenity. Hindi ako makapaniwala! Binibigay na niya sa akin yung Water Dragon!

"Oo nga bessy. Kaya sige na. Pangalanan mo na." Nakangiting sabi niya. Yehey! Akin na talaga itong dragon! Finally I have pet!

Pero wait lang.... Ano kaya ipapangalan ko sa kanya? Hmmmm How about...

Kelpie

Selkie

Proteus

Adaro

Zin

Scylla

*Ting*

"I'll call her, Sylleur." Sabi ko kay Serenity at tumingin kay Sylleur. Mukhang nagustuhan niya yung pangalan niya kasi bigla akong dinilaan sa mukha.

Hehehehehe ang cute talaga ni Sylleur!!!!! Sa wakas may pet na din akong aalagaan!!!!!!!!

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Where stories live. Discover now