Chapter 47 : Fight Fair Part 1

18.9K 363 19
                                    

"Let the Fair begin!" Sigaw nung ng headministress sa mga students na naglalaban na.

Kanina pa nagsimula yung laban. Malapit na kaming lumaban. Grabe kinakabahan ako.

Ito namang si Adrix kanina pa kwento ng kwento. Hindi ba siya nagsasawang magkwento?

Simula kasi nung kinausap ko siya, dun na niya ako dinaldal ng dinaldal.

Feeling close nga siya kaagad sa akin eh... Pero gusto ko naman din hehehehehe naging close na kami dahil lang sa kakakwento niya.

Napagalaman ko na one and only child lang pala sila sa pamilya nila. Seryoso siya kapag nasa harap ng madaming tao pero kapag mga kaibigan at pamilya niya ang kasama daw niya, makulit daw siya. At totoo yan!!!

Naku! Kanina pa nga ako kinukulit nitong lalaking ito eh. Panay din tawa niya kapag inaasar niya ako at nagpou-pout ako. Ang cute ko daw hehehehehe.... Kinikilig tuloy ako!

Hayyy... Every second na kinakausap niya ako, mas lalong nahuhulog yung puso ko sa kanya. Now I know na hindi ko lang siya gusto. I think I already love him.

"Shhh... Nood muna tayo Adrix." Sabi ko sabay tingin doon sa battle field.

"Hmm sige." Weh? Pumayag agad siya? Parang kanina lang ayaw niya pumayag at gusto niya magkwentuhan lang kami.

Nilingon ko siya saglit at nakita kong naktitig siya sa akin? May dumi ba ako sa mukha? Ano tinitignan niya sa akin?

"Ano tinitignan mo dyan?" Tanong ko sa kanya. Nakaka-concious na kasi yung titig niya.

"Sabi mo manood tayo. Eh ikaw ang gusto kong panoodin." Ayiieee! Kinikilig ako! Hehehehe ang sweet niya.

"Ano ba Adrix. Yung naglalaban papanoodin natin, hindi ako." Sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Baka makita pa niyang nagblublush ako hehehehe.

"Asus. Edi manood sa naglalaban. Kinilig ka lang sa akin eh." Sabi niya sabay taas ng kilay at pinanood na yung naglalaban. Ano daw? Kinikilig ako sa kanya?

"H-hindi noh!" Sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso niya. Grabe siya!

"Hahahaha ang cute mo. Kaya kita mahal eh." Ano daw? May sinabi siya pero hindi ko na narinig yung bandang dulo.

Hayy nako Anyx. Hayaan mo na lang siya. Malapit na yung laban ko.

Grabe! Habang papalapit ng papalapit  yung laban namin, mas lalo akong kinakabahan!

"The winner is Zayla Domingo!" Nagsigawan lahat ng mga students dito. Ang sakit sa tenga ng sigaw nila!

"Miss Zayla is now level 7! And Miss Casey is now level 6! Both of you did a great job! Your rank raise up!" Nakita ko namang ngumiti sila parehas. Mukhang magkaibigan sila ah.

"Now the moment you've all been waiting for! Section Royalties will now battle!" Agh!!! Ang sakit sa tainga! Nakakarindi! Lahat sila may kanya kanyang sinisigaw.

"Go Prince Walter!"

"I Love You Prince Adrix!"

"Galingan mo Prince Thane!"

"Prince Vaughn kayang kaya mo yan!"

"Marry me Prince Oswin!"

"Ganda mo Princess Fleur!"

Andami ko pang naririnig. Tss kanya kanyang cheer. At ano? 'Marry me Prince Oswin' ?

Grabe lang ah. As if papakasalan siya ni kuya ko. At wow lang ah. Andami nilang fans pero ako man lang walang nagcheer sa akin. Hmp nakakatampo...

"Ok lang yan Anyx. Andito naman ako ah. Ichecheer kita." Adrix.

"Galingan mo bessy ah" Fleur.

"Kaya mo yan Princess Anyx." Classmate 4.

"Do your best little sis ah." Kuya Vaughn.

"Galingan mo Princess." Kuya Oswin.

"Tss. Ano ba Oswin. Syempre magaling yan si Anyx noh. Mana yata yan kila Mommy at Daddy." Kuya Thane.

"Ichecheer ka namin sa laban mo Princess Anyx." Classmate 1

"Good luck Princess." Prince Walter.

Nag good luck din yung iba kong kaklase. Lahat sila sinusuportahan ako. Nakakatouch naman.

Ngayon lang ako nagkaroon ng mga kaibigan, bestfriend at higit sa lahat nandyan si Adrix at ang mga kapatid ko para sa akin.

"Now let's start the battle with..." *Drum Sound*

"Jeremy Winston and Mike William!"

Hoo! Nakahinga ako ng maayos. Buti na lang hindi ako ang nauna. Luckily, uunahin daw muna ang mga anak ng Dutches at Councilors bago ang Prince at Princess. So that means, there's a possibility na huli pa akong lalaban...

To be continue...........

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Où les histoires vivent. Découvrez maintenant