Chapter 3 : The Dream

27.7K 638 17
                                    

SERENITY'S POV

Ang ganda........ Ang ganda ng nasa paligid ko ngayon parang nasa isang palasyo ako.

Andaming tao dito na nagsasaya. Halos lahat sila nakagown at tuxedo. Pagharap ko sa likod nagiba na ang lugar kung nasaan ako. Nandito naman ako ngayon sa kwarto ng baby?

Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero komportable ako kung nasaan man ako ngayon. It feels like home.

"Ooonga! Ooonga! Ooonga!" Iyak ng Baby.

Napalingon ako sa sanggol na nasa crib. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan na natutuwa.

Nilapitan ko yung crib at nakita doon ang napakacute na Baby. Teka? Bakit parang kamukha ko siya nung baby pa lang ako? Hahawakan ko na sana ang Baby na nasa crib ng bigla na lang lumindol.

"Hahahahaha!" Bigla akong kinilabutan sa tawang iyon. Nasa harap ko ngayon ang isang Bampira na Werewolve?

Kakaibang nilalang siya. May pinalabas siya sa kamay niya na kulay itim na bola.

Bigla na lang ako napako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa. Malapit na......... Malapit na sana ng...........

"Serenity! Gising na!" Napabalikwas ako ng bangon bigla. Jusko! Yun nanaman ang napanaginipan ko. Paulit ulit na lang. Grabe......

"Oh anong nangyari sayo? Bakit parang namumutla ka?" Mama.

"Wala po ma. Masamang panaginip lang po."

"Oh sige. Kalimutan mo na yang panaginip na yan. Hindi yan totoo. Sige na at bangon na dyan anak. Baka malate ka pa sa school mo." Mama.

Umiling na lang ako bilang pagsagot kay mama. Pagkatapos nun ay umalis na siya.

Bumangon na ako sa higaan at inayos yun tapos dumiretso na ako sa banyo at ginawa ang daily routines ko.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Hayyyy. Salamat natapos din ako sa pagaayos. Ang tagal ko mag-ayos noh? Eh sa ganyan talaga ang mga girls... parang flower, it takes time to bloom nga diba? Hehehehehe.

Ayy oo nga pala! Nakalimutan ko magpakilala sa inyo. Hehehehe pasensya na nalibang ako masyado. By the way, I'm Serenity Hailey but you can call me in my first name.

***

Nakita ko agad si mama sa lamesa nagbabasa ng dyaryo pagkababa ko.

"Good morning ma." Sabay kiss ko sa cheeks ni mama.

"Wag ka na kumain anak. Malalate ka na. Ayan hinandaan na kita ng paborito mong pancake sa baunan. Kunin mo na at umalis ka na" Ayyy grabe din si mama noh parang pinapalayas lang pero wag kayo, mahal na mahal ko yan si mama kahit alam kong Adopted Child lang ako.

At yes. Tama kayo ng nabasa. Alam kong adopted child ako simula bata lang ako. At hindi lang yan.......... May Kapangyarihan din ako!

Oh diba bongga. Hindi ko nga din alam kung bakit may kapangyarihan ako eh. Special nga daw ako sabi ni mama.

Pero wait, gusto niyo bang malaman kung paano ko nalaman na Adopted Child ako at may Powers ako??????

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Where stories live. Discover now