Chapter 16 : Eternal Academy

21K 491 20
                                    

Wow..... Yan lang ang masasabi ko sa school na papasukan namin ni Fleur ngayon. School ba talaga ito? Para kasing hindi eh. More likely para siyang castle sa laki!!!

"Hoy Serenity! Tara na dali! Puntahan natin si Hm para matanong ko kung ano schedule at section mo." Sabi sa akin ni Fleur sabay hila papasok ng school.

Sa laki ng school na ito baka hindi ko agad makabisado yung mga lugar dito. Napuna ko naman na pumasok kami sa loob ng school pero lumabas din kami agad.

Hmmm, siguro nasa likod na kami ng school. Ang ganda talaga dito may fountain pa sa gitna at sa likod ng fountain ay cafeteria siguro.

Naglalakad  na kami ngayon ni Fleur papunta sa may fountain pero napuna ko lang na halos lahat ng mga taga dito ay tumitingin sa amin-este sa akin lang pala??

"Sino kaya siya?"

"Ang pangit niya girl."

"Siya ba yung new student? Gosh ang panget niya."

"Mas maganda pa ako sa kanya."

"Bakit niya kasama si Princess Fleurmagne?"

"Magkakilala sila? Bakit parang close na close sila?"

"Sigurado ko na fake friend siya at ginagamit lang niya si Princess Fleurmagne."

Grabe naman kung makapang-husga sila. Hindi pa nga nila ako kilala eh. At saka fake friend? Ouch naman.

Hindi naman ako ganun kasama para lokohin ang nagiisa kong bestfriend.

Hindi ko alam kung bakit but I suddenly stop from walking. Napansin naman yun ni Fleur kaya napahinto din siya.

"Serenity?" Hindi ako umimik sa pagtawag niya. Yumuko na lang ako sa sobrang pagkahiya ko.

Hindi ko namalayan na kusang tumulo yung luha ko. Paalis na sana ako pero bigla niyang hinila pabalik ang kamay ko at lumapit sa akin. Pinunasan niya yung mga luha ko at inabutan ako ng panyo. Ang bait talaga ng bestfriend ko kahit kailan...

Tinanggap ko na lang yung panyong inabot sa akin ni Fleur at pinunasan yung mga luha ko.

Wait lang......Anong gagawin niya??? Bakit niya ako hinihila papuntang fountain???

Nagulat ako nang bigla siyang tumungtong sa may fountain. Teka, anong gagawin niya? Bakit niya yun ginagawa???

"Ehem! To all the students here please listen to me carefully!" Gosh! Don't tell me na she will make a scene here??!!!

"This girl beside me *Sabay turo niya sa akin* is my BEST FRIEND. She is not a Fake Friend. Sa lahat ng mga nakilala ko, siya lang ang nagpapakatotoo at sincere that's why she became my best friend. She is not also using me to gain power or attention or anything. I know her than all of you do. Don't judge her that easily. If only one of you dare to hurt her or say something bad to her...." Pagputol ni Fleur pero mas nagulat ako sa ginawa niya. Nagpalabas siya ng Blue Water with Fire sa mga kamay niya at tumingin ng nanlilisik sa mga tao dito. Halos lahat siguro dito natatakot na sa kanya.... Nakakatakot siya grabe!!!

"All of you are going to die."  Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.

Hindi ko alam na ganto pala magprotekta si Fleur. Hindi ko din alam na kaya niyang gawin ito. Pero kahit na ganun. Napangiti pa rin ako sa ginawa niya.

"Understood?!" Sigaw niya at mas lalong pinalakas yung kapangyarihan niya sa kamay niya.

Napansin ko naman na nagsi-tunguan ang mga students dito at sabay nagmamadaling umalis.

Bumaba na din si Fleur mula sa fountain at inayos yung damit niya.

I suddenly hug her dahil sa sobrang saya ko dahil sa ginawa niya. I know na nagulat din siya sa ginawa ko pero niyakap din niya ako pabalik.

"Salamat Fleur." Sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Nako wala yun Serenity. What are best friends for diba?" Sabi niya sabay tawa. Napatawa na din tuloy ako.

"Tara na nga Bessy baka malate pa tayo sa school." Sabi ko sabay hila sa kanya........

Hayyy kahit kailan talaga itong si Fleur. I'm glad that I met her and she became my Best Friend..................




Race Of All Race : The Lost Powerful Princess حيث تعيش القصص. اكتشف الآن