Chapter 71 : Invitation

14.6K 291 9
                                    

ANYX'S POV

"Uyy Nyxie! Anong problema bakit parang tahimik ka dyan?" Tanong bigla sa akin ni Kuya Thane.

"Ah wala naman po kuya....Alis po muna ako. Magpapahangin lang po saglit." Sabi ko kila kuya at umalis.

Kanina pa ako tulala. Kanina pa akong may nararamdaman na may nakatingin sa amin sa malayo.

Hindi ko alam pero dapat siguraduhin ko kung sino sila.  Kanina ko pa nararamdaman ang presensya nila. Alam ko kung nasaan sila.

***

HARMONY'S POV

"Tara na. Umuwi na tayo." Kanina ko pa niyayaya itong kapatid ko umuwi kaso ayaw nila.

"Ehh ate naman eh. Hindi ko pa nga natititigan ng matagal si Prince Thane ko." Sabi ni Peace. Tsk anong hindi natititigan ng matagal? Eh halos abutin na nga kami ng dalawang oras dito kakatitig lang eh. Mabuti kung may mapapala kami sa pagtitig namin sa kanila. Eh parang wala naman

"Oo nga ate mamaya na... Pretty Please???" Dagdag ni Wisdom. Hayy bahala sila. Kung hindi ko lang sila kapatid eh kanina ko pa sila pinatay sa kakulitan.

"Tsk bahala-"

"Anong ginagawa niyo dyan?" Napatingin agad kaming tatlo sa babaeng nagsalitang iyon. Hala! She's Princess Anyx! Anong-

"Hello!" Nagulat ako sa ginawa ni Peace. Tumalon siya mula sa puno at binati si Princess Anyx. Damn! Anong ginagawa niya?!

"Hi!" Isa pa itong si Wisdom! Tumalon na din ako mula sa puno. Wala na akong magawa kundi tumalon na din. Tss ano ba kasing ginagawa nila?

"Bakit kayo nandito?" Tanong ni Princess Anyx sa amin.

"Aalis-"

"Wala kasi kaming invitation." Sabi ni Wisdom. Invitation? Eh hindi naman talaga kami invited sa ball nila ah.

"Iisa lang kasi yung invitation naming magkakapatid. Ehh nawala ko. Kaya nga ang sungit ngayon sa akin ni ate eh." Sabi ni Peace. Ano daw? Anong pinagsasabi nila?

"Ah ok lang yun. Tara dali. Sama kayo sa akin hehehehehe." Sabi ni Princess Anyx at ngumiti sa amin.

Mukhang mabait naman siya pero bakit gustong patayin ni dad siya? Alam ko namang ang propesiya pero ano ba talaga ang kasalanan ng pamilya ni Vaughn sa pamilya namin?

"Talaga?!" Ang galing ah. Sabay talagang nagsalita itong kapatid kong toh. Tsk ano ba kasi balak nilang dalawa?

"Yup sure ako! By the way, I'm Anyx." Sabi ni Princess Anyx at naglahad ng kamay.

"I'm Wisdom, pinaka-cute nilang bunso!"

"I'm Peace, pinaka-maganda sa kanilang dalawa ni ate!"

Sabay naman silang tatlong tumingin sa akin. Tinaasan ko na lang sila ng kilay bago magsalita.

"I'm Harmony." Maikling sagot ko. Tsk malalagot kami nito kay dad at mom eh.

"Ang pinaka-masungit pero maalaga naming ate!" Sabay nilang sabi. Tsk masungit? Hindi naman ah. Ang bait-bait ko nga sa kanila eh.

"Ok lang na hindi ka magsalita. Sanay na ako sa mga ganyan noh. Hehehehehe parang magkaugali kaya kayo ni Kuya Vaughn." Ano daw? Talaga?! Magkaugali kami ni Vaughn ko?!

"Talaga?" Paninigurado ko sa kanya. Tumungo naman siya sa akin kaya napangiti na din ako.

"Tara na dali pasok na tayo sa palasyo." Pagyayaya ni Princess Anyx sa amin.

"Tara na dali! Excited na ako!" Peace.

"Ok lang ba yung itsura namin?" Wisdom.

"Yup! Maganda na kaya kayo at nakaayos na nga kayo oh. Hehehehe bagay kayong tatlo sa mga kuya ko kasi magkakaugali kayo. Kaya siguro nagkakasundo tayo." Sabi niya bigla habang naglalakad papunta sa palasyo.

"Hehehehe gusto ko kayo para sa mga kuya ko!" Nagulat ako sa sinabi niya. Pati din yata sila Peace at Harmony nagulat.

"Hehehehehe sorry kung pinapartner ko kayo sa mga kuya ko ah. Sa tingin ko lang naman kasi yun." Sabi pa ni Princess Anyx sa amin.

Hala! Gosh! Kinikilig ako! Hehehehehe bagay kami ni Vaughn sabi na mismo ng kapatid niya!!!!!!!

Race Of All Race : The Lost Powerful Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon