Chapter 13|| Elude

6.7K 119 3
                                    

GENERAL

Nasa comfort room si Karylle, gulong-gulo ang isipan niya at kinakausap ang sarili.

K: Ano ba K?! Huminahon ka nga! Wala ka nang nararamdaman sa kanya. PERIOD! (sinasabi nya ang mga katagang ito sa harap ng salamin) Urgh! How do I unloved you,Vice? I can’t help it. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon mahal parin kita Vice!

Pag katapos ng pag dadrama niya naghilamus na siya agad upang hindi nila mahalata na umiiyak pala siya. Nang muli na siyang humarap sa salamin, hindi niya inaasahan kung sino ang makikita niya sa bandang likuran niya..

K: K-Ka-Kaye? (gulat na gulat)

Kaye: Hanggang ngayon ba mahal mo parin siya? (Taas kilay)

K: (mahinahon na boses) N-Narinig mo lahat ng sinabi ko?

Kaye: If you don’t wan't war? Fvck-off!

K: (napasandal sa pader) Ayaw ko ng gulo. Kaya please.. padaanin mo 'ko.

Maglalakad na sana si Karylle palabas ngunit hinarangan ito ni Kaye at hiniwakan ang kanang braso.

Kaye: (nag-glare  at tumitig) Tandaan mo: lahat ng bagay pwedeng magbago!

Kumalas si Karylle sa pag kakahawak ni Kaye at lumabas sa CR na blangko ang mukha. Pag dating niya sa kanilang table, hinila niya si Samantha at nagpaalam na sa mga ST hosts.

Jugs: (tumayo at pinigilan si K) Teka, K! Ang aga pa. Mamaya nalang kayo umuwi.

K: Sorry Juggy, masakit kasi ulo ko kaya gusto ko ng umuwi.. at magpahinga.

Vhong: (tumayo at i-nalayan si K) Sure ka? Gusto mo, i-hatid ko nalang kayo?

Hindi nakasagot si Karylle dahil naalala niya na hindi pala niya dinala ang sariling sasakyan. Kasi don siya sumakay kay Erwan patungo sa venue.

Vhong: Oo na. Alam kung hindi mo dinala ang sasakyan mo. Kaya wag kanang tumanggi—hali na kayo, para mai-hatid ko na kayo.

Hinila naman agad ni Vhong si K kaya hindi na ito nakapalag at sumunod nalang siya sa gusto ni Vhong. Sumakay na agad sila sa sasakyan ni Vhong upang hindi sila dumugin ng media. Nasa backseat naka-upo si Samantha at nasa passenger seat naman si K. Malayo-layo din kasi ang condo na tinitirhan ni K sa venue, kaya nakatulog na si Samantha dahil sa pag kabagot at pagod. Hindi naman nag-uusap si Karylle at Vhong simula noong naka-alis na sila sa venue. Hanggang, naglakas ng loob na si Vhong na magtanong kay Karylle.

Vhong: Karylle, bakit ka ba naluluha kanina?

K: (gulat na gulat) H-Ha?

Vhong: Alam mo. Kitang-kita ng dalawang mata ko 'no! Kaya wag kang echos dyan. Malapit lang kasi ako sa'yo nong kumakanta ka kaya nahalata ko kaagad ang pag iyak mo. Kung hindi mo naman mamasamain.. Yan ba ang dahilan kung bakit gusto mong umuwi, agad?

K: (napa-leaned back sa upuan) Wala. Wala, nadala lang ako sa kanta.

Vhong: Tumigil ka nga dyan sa mga alibi mo, Ana! Wag mo kong lokohin uy! Alam kung may problem ka.

K: Vhong.. (humarap kay Vhong) pano ba makalimutan ang isang tao?

Vhong: Hindi mo na man yan makakalimutan eh. Lalo na kung mahal mo talaga ang isang tao. Matuto ka lang maging masaya para sa kanya at makuntento kung ano ang meron ka.

K: Tama siguro yung kapag nawala raw yung taong mahal mo, hindi raw para sayo, 'no?

Vhong: Mali! (itinigil niya ang sasakyan dahil sa red light at tumingin kay Karylle) Kaya siya nawala dahil hindi mo nakuhang ipag laban siya at hindi mo nabigay ang pag mamahal na dapat sana ay noon mo pa ipinakita.

K: *sighed* It’s really hard to let go of someone you love. But there are times you just have to let go not because you want it that way, but because it’s more painful to stay and wait for nothing.

Vhong: Kung mahal mo talaga siya? Ipag laban mo!

K: Pano kung mahina ka?

Vhong: 'E ‘di  maging matapang ka!

K: Pano kung nasasaktan ka na?

Vhong: 'E ‘di  magpakatatag ka!

K: 'E pano kung, may mahal na siyang iba?!

Vhong: 'E ‘di—matulog ka na! *giggled* Mas mabuti kung matulog ka muna dahil alam kung pagod ka na. May 20 mins pa kasing natitira bago pa tayo makarating sa condo mo.

K: (kinurot ang tagiliran ni Vhong) Hmmp! Sira ka talaga, Vhongskie! *giggles*

Pag daan ng ilang minuto nakarating na sila sa condo ni Karylle. Hindi na nakatulog si Karylle dahil sa chikahan nila ni Vhong. Pag katapos magpasalamat ni K kay Vhong, umalis na agad si Vhong kasi gusto pa niyang umabot sa seremonya.

-x-

Kinaumagahan, pag labas palang ni Vice sa kwarto niya hinaro't na agad siya ng mga kaibigan patungo sa dining table.

Donna: Teh! Anyare last night? Bakit hagardo versusa ka girl?!

Kate: Oo nga! *napaupo*  At tyaka, matamlay ka Vice.

Aaron: Hoy! Ano nga? You should talk to the beautiful ladies in front of you naman! Kasali na ako don ha!

Vice: (nag-glare kay Aron) Kapal ng nose-line mo!

Aaron: Ayan! Nagsalita din. Bakit? Anyare nga, bakla?!

Buern: (napa-upo narin dahil umupo na ang lahat) Kasi nga… nagpakita si MY LOVES!

Aaron: What?! Sinong MY LOVES? Si Kaye?

Archie: BABE yun! Baliw! (sabay batok)

Aaron: (napahawak sa batok) Araaaaay! Sino nga mga baliw?!

Archie & Buern: E ‘di si KARYLLE!!!

Donna: (napatingin kay Vice) Puta! Vice, trulity ba yern?!

Vice: Ang O-AH maka-react teh?! Kaya nga ayaw kung i-share sa inyo kasi.. ah basta! Nakakaloka kayo! (cross arms)

Kate: Buti na yung OA kay sa….affected! (sabay abot ng rice)

Vice: (napa-leaned in) Uy! Hindi ah.

Kate: (nilagay ang kanin at tumingin kay Vice) Hala! Dyan kayo nagsimula ha! Sa... “DENIAL STAGE”! *laugh*

Buern: Tulak ng bibig, kapit ng dibdib! (sabay belat kay Vice)

Natigilan sila sa pangungulit kay Vice dahil lalong umasim ang mukha nito. Nagpatuloy silang kumain at iniba na lang ang topic.

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora