Chapter 28|| Hello Hawaii (Asaran Moments)

6.2K 108 2
                                    

(A/N): Sabi nila kapag bumalik daw kayo sa lugar kung saan namuo ang pagmamahalan nyo, babalik rin daw ang nararamdaman nyo sa isa't-isa.Start na ng Honolulu Hawaii adventure ng mga bida.

++++++++++++++

Ngayon ang araw na pupunta ang ST hosts sa Hawaii. Excited silang lahat lalong-lalo na si Vice dahil makakabonding na naman nya si K. Noong nasa private plane na silang lahat, nagrequest naman si Jhong na magkatabi sila ni K. Syempre nag-insist si Vice dahil siya lang daw ang tatabi kay K, wala ng iba!

Vice: (hinarangan si Jhong) Ako lang ang tatabi kay Karylle! Wala ng iba!

Jhong: Over protective cutie pia ah! Parang Tatay lang? *grins*

Vice: (napalakas ang boses) Hoy! Parihas lang tayo ng edad no! Nahiya naman ako sa aids este age mo! *laugh*

Jhong: Ewan ko sayo! Halika na nga K! (sabay hatak kay Karylle)

Vice: HOY! HOY! HOY! San mo dadalhin yan? (sabay hatak pabalik kay K)

Vhong: (nagbading-badingan) Hoy! Anong ka gulohan itech?

Nakisawsaw naman bigla si Vhong sa usapan na nakabonet pa.

Jhong: Hanip ang porma mo ngayon brad ah! Honesto? *laugh*

Vice: Pagpogi nakabonet, Honesto agad? Pagpangit nakabonet, Holdaper?

K: *laugh* Sira ka talaga Vice! Tara na nga. (hinatak si Vice patungo sa upua nila)

Pag-upo nila, naisipan naman ni Vice na asarin si Jhong.

Vice: Jhong! Jhong... Jhonggo!

Jhong: (lumingon kay Vice) Oh!

Vice: (showing off his tongue like a kid) Sa akin sumama si Kurbaaaaaaa.

Tumawa nalang si K sa naging reaksyon ni Vice dahil sa kakyutan nito. Sa whole trip nila, nagkukulitan lang ang ViceRylle. Taking pictures and doing naive movements. Napakakyut nilang tignan, kaya todo kuha ng pictures si Jugs, Billy, at Eruption sa kanila. At agad naman nila itong pinost sa Instagram at tinweet sa Twitter. Nagkagulo na naman sa Twitter World dahil sa mga babies at nabuhayan sila ng loob sa naging resulta ng pagkakaibigan ng second parents nila. Maya-maya nakarating na sila sa Honolulu, Hawaii. Sa Hilton Hawaii Village Waikiki Beach Resort sila nag-stay in, formely known as the Kaiser Hawaiian Village. It is the largest hotel of the Hilton Chain at ito rin ang 17th largest hotel in the world.

++++++++++++++

Sa lobby ng hotel, nagusap-usap sila kung sino ang magkakasama sa isang kwarto.

Direk Bobet: Ganito nalang.. si Jugs at Teddy ang magkasama sa iisang kwarto. Si Vhong naman at si Billy. Si Karylle naman at si....

Jhong at Vice: (sabay-sabay na nagtaas ng kama) Ako Direk!

Direk: No! Bawal ang boy at girl na magkasama sa iisang kwarto.

Vice: Ito namang si Direk! Hindi naman ako boy no.

Direk: Oh sige! E 'di kayo ni Anne ang magkasama. Tapos ikaw K kay Coleen. Si Jhong naman at Eruption. At si Kuya Kim at Ryan. Tapos! Bye guys, magpapahinga na ako. (walk out)

Pumunta na sa kani-kanilang kwarto ang mga hosts. At dahil magkatabi pala ang room nila K sa room nila Vice, sumugod na naman si Vice sa room nila K at nanghaharot. Hindi maka-concentrate si K sa pagaayos ng mg damit nya sa closet ng hotel room dahil lagi siyang hinaharot ni Vice. Kaya hindi nya namalayan na may isang bra palang nahulog.

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon