Chapter 37 || ANO?!

4.7K 86 3
                                    

Vice: ANO BA, KAYE?!! ALAM MO! PAG GALIT KA SINUSUYO KITA! PAG GALIT AKO GALIT KA DIN?! ANO BANG GUSTO MO?!! *tumalikod*

Kaye: Panindigan mo 'ko...

Nanlaki ang mga mata ni Vice dahil parang alam na nya kung ano ang susunod na sasabihin ni Kaye. Hindi nya kayang lumingon dahil natatakot siya baka tama nga ang hinala nya. Naninigas siya, pero hinihintay parin nya ang karugtong ng sasabihin ni Kaye. Hinahanda na nya ang kanyang sarili kung ano man ang sasabihin ni Kaye.

Kaye: BUNTIS ako, Vice.... at ikaw ang ama.

Napapikit si Vice at huminga ng malalim. Nagiisip muna siya kung ano ba ang dapat nyang gawin bago siya magsalita. Pero nakatalikod parin ito.

Vice: Ilang linggo na?

Kaye: 3 weeks na, Vice! Kaya tigilan mo na yang kahibangan mo kay K dahil magkaka---

Vice: Papakasalan kita...

Nagulat si Kaye sa nasabi ni Vice. Ang galit na itchura nya, napalitan ng confuse look. Kaya tinanong nya ulit ito kung tama ba ang narinig nya.

Kaye: Ano?!

Vice: Papakasalan kita! Pananagutan ko yang bata.

Kaye: (ngumiti ngunit bumalik rin sa siryusong mukha) Kailan naman?

Vice: Next month...

Kaye: Kaya ba yun? Pano ang---

Vice: Ayaw mo?

Kaye: Gusto.. pero---

Vice: Umuwi ka na.. pagod ako!

Umakya't na si Vice sa hagdanan at umalis narin si Kaye pagkatapos umakya't ni Vice. Tumungo naman si Vice sa terrace ng bahay nya upang magisip-isip. Pagdating nya doon, walang tao kaya tumungo siya sa dulo ng terrace at humagolgol. Nilabas nya lahat ng sakit na nararamdaman nya. Iniyak lang nya lahat ng mga salitang gusto nyang isigaw. Maya-maya may nararamdaman siyang mainit na palad na dumampi sa kanyang balikat. Lumingon si Vice at nakita nya si Manny na nakasimango't sa kanya. Hinihimas-himas ni Manny ang likuran ni Vice kaya lalo itong naiyak.

Manny: Eh labas mo lang yan, Vice. Nandito lang kami sa likuran mo. *smile*

Napayakap naman si Vice kay Manny na umiiyak pa din. Hinahaplos-haplos naman ni Donna ang likuran nito. Si Donna at Manny nalang kasi ang natitirang gising sa mga beks. Dahil yung iba nagpapahinga na at natutulog narin. Pina-upo muna nila si Vice at pinatahan. Dali-dali namang kumuha ng tubig si Manny sa kusina. Habang may inaasikaso si Manny, kinausap naman ni Donna si Vice.

Donna: Kaya mo yan teh! Ikaw pa. Ikaw kaya si VICE GANDA! (emphasizing the words 'Vice Ganda') Taraaay oh!

Vice: (tumingin kay Donna) Yun na nga eh! Maraming nagsasabing nasa akin na daw lahat, pero aanhin ko naman lahat ng mga yun? Kung yung nagiisang gustong-gusto ko! Hindi ko maaangkin kailan man!

Donna: Not everything is mean't to be bakla! But everything is worth a try. Siguro ito na yung tamang oras na ibagay mo na kay Kaye ng buong-buo ang puso mo. (sabay himas-himas ng likuran ni Vice)

Dumating na si Manny na may dalang isang basong tubig. Pinainom agad nito si Vice at naging mahinahon na ang pakiramdam ni Vice. Saka naman nila ito kinausap.

Manny: Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Vice?

Vice: Narinig nyo?

Beks: *nods*

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Where stories live. Discover now