Chapter 39 || Alternate World

4.3K 89 10
                                    

Anne: When?!

Vice: Next Month..

Anne: Ano?!!

Napatayo ako dahil sa narinig ko. Kaya napalingon sila sa 'kin. Ang aga naman kasi! Bakit naman sila nagmamadali? Napahiya na tuloy ako dahil ang lahat ng attensyo nila, nakatuon sa akin pati na rin si Vice. Kaya nangdesisyon akong....

K: Pupunta muna ako sa dressing room. Mag-mag-reretouch lang ako. Excuse me.. (sabay talikod at nagsimula ng maglakad)

Tinalikuran ko na sila agad kasi nahihiya ako. Sabay ng pagtalikod ko, tumulo bigla ang luha sa kanang mata ko. Pumikit ako at tumakbo sa dressing room ko. Sinarado ko yung pintuan ng DR ko.  Napasandal ako sa pader at unti-unti akong bumababa hanggan napa-upo na ako sa sahig, yakap-yakap ang dalawang tuhod ko. Humahagolgol ako dahil hindi ko na napigilan ang sakit na nararamdaman ko. At dahil yun lang din ang pwede kung gawin sa mga oras na yun. Wala akong pinangarap kundi makasama siya. Wala akong inisip kundi pano siya mapaligaya. Wala akong pinagdasal kundi sana siya na. Pero wala akong ginawa para maging kaming dalawa hanggang sa huli. Ganito siguro ka sakit ang naranasan nya noon, noong ikinasal ako sa iba at mas pinili ko pa yung iba kay sa kanya. Bumaliktad ang sitwasyon naming dalawa, masakit pala yung hindi mo masabi sa taong mahal mo na mahal mo siya. Hindi mo masabi kasi... yun yung dapat. At yun ang sa tingin kung tama. I don't wanna gave up putting up a gun damn fight! But I need to swallow my pride for the sake of the child.

Anne: *kumatok* K...

Hala?! Sumunod pala si Anne. Pero hindi ko naman siya pweding e.taboy dahil ang bastos naman kapag ginawa ko yun.

K: (mahina na boses) Pasok..

Pumasok siya at umupo sa tabi ko. Hinimas-himas nya ang likuran ko.

Anne: You're brave enough. Kaya mo yan. (Warm smile)

Tumingin ako sa kanya at niyakap siya. Binaun ko ang mukha ko sa balikat nya at umiyak.

END OF KARYLLE'S POV

++++++++++++++

ANNE'S POV

Nagulat kami dahil tumayo nalang bigla si K. Kaya napatingin kami sa kanya.

K: Pupunta muna ako sa dressing room. Mag-mag-reretouch lang ako. Excuse me.. (sabay talikod at nagsimula ng maglakad)

Sinundan ko siya ng tingin dahil tumakbo siya papunta sa kanyang DR. Alam kung hindi mabuti ang pakiramdam nya, kaya nagpasya akong sundan siya. Kumatok muna ako sa pintuan nya upang magbigay galang. Sumagot naman siya at pinapasok ako. Pagpasok ko, nakita ko agad siya sa may pintuan ng powder room na nakasandal at naka-fetus position. Nilapitan ko siya at hinimas-himas ko ang likuran nya to comfort her.

Anne: You're brave enough. Kaya mo yan.. (warm smile)

Tumingin siya sa akin at niyakap ako bigla. And I hug her back to be a friend for her. And also offer a shoulder to cry on. Dahil alam ko na kung bakit yun nagawa ni K at naiintindihan ko siya.

[Quick Flashback]

Kagabi tinawagan ko si Vice dahil bakit umabsent siya ng biglaan. Pero noong marinig ko na ang boses nya, para itong galing umiyak.

Anne: Vice, are you okay? Umiiyak ka ba?

Vice: Ginawa lang nya tayong tanga! Anne.. hindi totoo na minahal nya 'ko.

Anne: (gulat na gulat) What?! Maybe she has an explanation on thi---

Vice: No! And I don't care! Kung ano man ang sasabihin nya. Wala na akong pakialam sa eksplinasyon nya!

Anne: Pero Vi----

Toot...toot...tooot..toot..

Binabaan nya ako bigla. Kaya hinayaan ko nalang siya. At nagdrive ako pauwi.

[END OF FLASHBACK]

Noong tumahan na si K binigyan ko siya ng tubig at pinaretouch ko na siya sa make-up artist nya. Dahil ilang minuto nalang magsisimula na ang show.

END OF ANNE'S POV

++++++++++++++++

[8 days before the wedding]

Pagkatapos ng show, dumiritso na si K sa DR ni Vice upang sumubok na kausapin ito. Sakto namang papaalis na si Vice kaya hinarangan nya ito.

K: Vice! (Sabay harang sa dinadaanan ni Vice) Pwede ba tayong mag-usap?

Vice: (nipalakas ang boses) Ano ba K?! Umalis ka nga sa dinadaanan ko!

Nagulat si K dahil nasigawan siya ni Vice kaya hindi na siya nakagalaw at natulala nalang bigla. Kaya nabigyan ng chance si Vice na umalis at nilagpasan lang si K. Sa sampong hakbang napahinto si Vice dahil nakaramdam din siya ng guilt sa ginawa nya kay K. Lumingon siya saglit kay Karylle. Nakatulala parin ito at hindi gumagalaw. Tumalikod siya ulit dahil ayaw nyang makitang nasasaktan si K. Kaya pinagpatuloy nya ang paglalakad papuntang parking lot. Kasama ang Team Vice. Nasaksihan naman ito lahat ni Anne, kaya nag-desisyon na itong sundan si Vice at kausapin.

++++++++++++++

Pagdating ni Anne sa parking lot ng abs, nakita nya si Vice na kausap ang mga beks at hindi pa ito nakapasok sa van. Kaya agad namang pinukaw ni Anne ang attensyon nila.

Anne: (sabay sigaw) Vice!!!

Lumingon ang lahat kaya napahinto ang chikahan ng mga beks.

+++++++++++++
ABANGARRRRN....

(A/N): Sorry babieeees... part talaga ng stories ang mga downfall chapters.

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن