Chapter 50|| Walks away

4K 97 6
                                    

Namumula na si Kaye sa galit kaya hindi na nya mapigilan ang sarili nya na gumanti ng pisikal kay Karylle. Sasampalin na sana nya ito, ngunti napigilan ni Karylle ang kamay nya.

K: At ikaw pa talaga ang binigyan ng karapatan na manampal ha! (Tumingin ng matalim kay Kaye) Don't underestimate me! Baka balang-araw magugulat ka na lang na lumuluhod ka na pala sa harapan ko at humihingi ng kapatawarang ipagkakait ko!

Kaye: Huh! You wish! 'Di ba hindi ka INVITED dito?! Ba't bigla ka na lang pumapil sa seremonyang ito?!

Anonymous: Dahil sa 'kin..

Nagulat ang lahat dahil may biglang sumali sa bangayan ni Karylle at Kaye. Pero mas lalo silang nagulat noong nakita nila kung sino ito.

Kaye: A-a-ate?! (Sobrang nanlaki ang dalawang mata)

Sarah: Oo, ako nga.

Kaye: What?! Bakit mo nagawa yun?! (Confused look)

Tumingin muna si Sarah sa direksyon ni Karylle bago bumalik ng tingin sa kanyang kapatid. At ikiniwento nya kung ano ang nangyari.

[FLASHBACK]

Pag katapos tumawag ni Kathleen kay Karylle, nag-empake na ito at pag katapos ay napaidlip. Ngunit bigla naman ito nagising ng tumunog ang kanyang telepono. Nagulat siya dahil may tumawag na unknown number ang naka-register sa kanyang phone. Pero kahit nagdududa siya kung sino ito, sinago't nya parin ang tawag.

K: Hello?

Sarah: Ikaw ba si Karylle?

K: Yes, what can I do for you? And who is this please?

Sarah: It's Sarah. Kapatid ako ni Kaye. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Mahal mo si Vice, 'di ba?

Hindi agad nakasagot si Karylle dahil sa pag kagulat, kaya nagtanong ulit si Sarah.

Sarah: Karylle, I need an answer. Mahal mo ba si Vice?

K: Ah, O-oh-Oo!

Sarah: Well, pigilan mo ang kasal!

K: Ha?! Ba-baa..

Sarah: Alam ko K na nagulat ka dahil ako mismo na ultimo ate nya tutol sa kasalan nila. Pero, this is for her own good naman. As ATE, gagawin ko ang lahat mapunta lang siya sa tamang landas.

K: Pe-pe-pero, bakit?

Sarah: *sigh* Alam kung totoo yang pagmamahal mo kay Vice, K. You are not too old or too yung to fulfill God's purpose. May mga taong para sa isa't-isa ay pinagtagpo ng tadhana. May mga bago at may nagmamahal kahit may mahal ng iba ang kanilang minamahal. Sa lahat, isa lang ang natutunan ko, 'di lahat ng nagmamahalan may relasyon. Mahal ka nya, K. At totoo ang pagmamahal nya sayo.

K: Pero... I didn't get it! She's your sis—

Sarah: Yes! She's my sister and that's why I'm doing this for her. She was so despert—and I hate seeing it. Mahal na mahal ko si Kaye, K. Kaya ayokong masaktan lang siya ng paulit-ulit dahil lang sa balukto't na pagmamahal nya kay Vice. I'm the one who text you na 2:00 pm ang takdang oras ng kasal. If ever you've changed your mind at pigilan ito. Ayoko kasing makakita ng naudlo't na pag iibigan. Masaklap yun, lalo na't tunay at wagas ang pagmamahalan nila sa isa't-isa.

Napahangos si Karylle sa kabilang linya kaya nahalata agad ni Sarah na umiiyak ito.

Sarah: Hey.. don't cry. Umiyak ka na lang kapag nasa harapan mo na si Vice sabay sambit ng ''I DO, FATHER''.

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें