Chapter 32|| H.H. (Last Love este Day2)

5K 99 0
                                    

KARYLLE'S POV

Hindi parin si Vice kumikibo kahit sinabi ko sa kanyang yun, ng malakas. Tumingin nalang ulit ako sa dagat at minamasdan ang mga alon.

Vice: K....

Nanlaki ang mga mata ko, dahil akala ko tulog na siya. Gising pa pala. Lagoooot! Pero hindi parin ako lumingon.

Vice: (bumangon at umupo) Minahal mo ba ako?

Napalingon ako dahil sa tanong nya. Lumapit ako sa kanya at tumingin sa kanya mata sa mata. Hindi ko alam kung tama ba tong isasagot ko sa kanya. Ang alam ko lang, dapat ko ng sagutin ang tanong na yun. Tumango lang ako at pinilit na ngumiti. Hinawakan nya ang kanang pisngi ko.

Vice: Ba't mo ko iniwan? *frown*

Naluluha na siya, kaya napaluha na rin ako. Hinawakan ko ang kamay nyang nakadikit sa kanang pisngi ko. At sumagot sa tanong nya.

K: You know why I'd leave you? Because I care about your feelings more than mine.

Vice: (his tears starts to fall) Pero para muna rin akong pinatay sa ginawa mo.

K: (she close her eyes and open it again) Temporary lang yung sakit na yun, Vice. Tignan mo ngayon kung ano ang naging bunga. Nakita mo yung taong karapat-dapat sa pagmamahal mo.

Vice: Karylle naman eh. (humagolgol na sa kaiiyak) Ang labo mo naman eh.

K:  Sssssssh... (hinimas-himas ang likuran ni Vice) Ang bawat luha mahalaga. Siguraduhin mong 'pag pumatak, karapat-dapat. talaga. Yung 'di ka gagawing gago dahil 'di mo na ito maibabalik pa. Ayokong makita ka na umiiyak para sa isang tanga.... na katulad ko.

Huminto siya sa pagiyak at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nya. Tumitig siya sa akin na blanko ang impresyon sa mukha. Tumitig na rin ako sa kanya pero hindi ako nagsasalita. Ng biglang..........................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................HINALIKAN NYA AKO. Parang huminto ang pagiko't ng mundo ko dahil sa halik nya. Noong una hindi ako rumispond agad sa halik nya, pero habang tumatagal na dadala na rin ako sa bugso ng damdamin nya. Naging passionate na ang paghahalikan namin. Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko, dahil lasing siya. Baka dala lang to ng kalasingan nya ang ginagawa nya sa akin ngayon. Kaya kumalas ako sa halikan namin.

K: Vice! You we're dru----

Hindi na ako nakapagsalita dahil hinila na nya ako at hinalikan ulit. Hindi ko na natiis, the kiss became rough and hard. Which he push me down to the sand with him on top. Naging mainit ang paghahalikan namin. Pero sumagap parin sa isipan ko na he was drunk, and it's the alcohol. Ayoko ng magkagulo pa. Kaya nagpull away ako sa halik nya at tumakbo papalayo. Hindi ko alam kung ano na tong gulong pinasukan ko. Kung bakit mahal ko pa parin siya kahit masakit na.

END OF KARYLLE'S POV

Hindi alam ni Karylle at Vice na narinig at nakita pala sila ni Anne. Nakita at narinig ni Anne LAHAT.

++++++++++++++

Kinaumagahan, nagulat si Anne dahil sa pag-gising nya wala si Vice sa kama nito. Hindi pala ito umuwi kagabi. Kaya bumangon siya, nag-hilamos, nag-toothbrush at hinanap si Vice. Bumaba na siya sa lounge ng resort pero wala parin ito dito, kaya pumunta nalang siya sa cottage kung saan nag-saya ang mga ST boys. Pagdating nya don, tama nga ang hinala nya. Dahil siguro sa kalasingan kaya don na nakatulog ang mga boys pati narin si Vice. Natawa naman si Anne sa mga posisyon nila kaya ginising na nya ito isa-isa.

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Where stories live. Discover now