Chapter 38 || Next Month?!

4.5K 89 3
                                    

Nagmamadali ng lumalakad patungo sa ST studio si K dahil baka ma-late na naman siya at ayaw nyang maging pabiga't sa show. Hindi nya namalayan na may tao pala siyang iniiwasan sa mga ka co-hosts nya. Wala na siyang pake. Ang gusto lang nya ay hindi siya ma-late. Dumiritso siya agad sa D.R. nya at nilagay ang mga gamit na dinadala nya. Pagkatapos pumunta na siya sa lounge.

++++++++++++++

KARYLLE'S POV

Patay! Ang tanga mo, Karylle! baka nandyan si Vice. Napaatras ako at chineck ko muna kung nandito ba talaga siya sa lounge. Pero nong na clarify kung wala siya don, nagpakita na ako sa mga ka co-hosts ko.

K: Hi guys! (with a huge smile)

ST Hosts: Vice?!

Nagulat ako dahil bakit nila ako tinawag na Vice.

K: Ako? (sabay turo sa sarili) Vice?

Hindi parin sila umimik at nakatingin... nakatingin ba talaga sila sa akin?! Parang sa li----

K: (nanlaki ang dalawang mata) Vice?!

Hindi ko inakala na nasa likuran ko lang pala siya. Nanigas ang buong katawan ko bigla, pati narin ang dila ko. Hindi naman siya ngumiti sa akin at nilagpasan lang niya ako. Umupo siya sa gitna nila Billy at Vhong. Galit parin siya sa akin dahil sa ginawa ko. Umupo nalang ako sa tabi ni Ryan at inakbayan ko ito.

Anne: (cross arms) Hoy Viceral! Give us an acceptable reason kung bakit absent ka kahapon?

Vice: Napagod kasi ako, Anne. At masakit din ang... (lumingon kay K) ang ulo ko.

Nong lumingon siya sa akin, bakas sa mga mata nya ang galit at sakit na nararamdaman nya. Gusto kung humingi ng sorry sa kanya dahil hindi ko siya binigyan ng klarong rason kung bakit hindi ko pinagpatuloy na mahalin siya. Daldal ng daldal ang mga ka co-hosts ko sa kanya, pero limitado lang siyang sumagot. Minamasdan ko lang siya, dahil hindi naman siya tumitingin sa akin. Minamasdan ko ang mukha nya, yung mga kinikilos nya. Kahit pinilit man nyang maging masaya, halatang-halata naman sa mga face reactions nya na malungkot siya. Napayuko ako at ngumiti kahit papano. Ang gwapo kasi talaga nitong baklang to! Inanga't ko ulit ang ulo ko at tumingin sa direksyon nya. Hindi ko naman alam na nakatingin na pala siya sa akin kaya nag-katagpo ang tinginan namin sa isa't-isa. Nginitian ko nalang siya pero umiwas siya ng tingin. Talagang galit na galit siya sa akin. Maya-maya tinawag na kami ng isang staff na magsastart na daw ang show. Same as usual save by the bell. Kaya pumunta na kami agad sa studio. Yun na nga, hindi nya ako pinapansin whole show. Naging mas cold pa siya sa akin at hindi na nga nya ako kayang kausapin. *sigh* Bumalik na naman yung mgakinikilos pangyayari noon na ang nagtatampo siya sa akin. At hindi ko kayang may tampo siya sa akin... kaya sinubukan ko nyang kausapin pagkatapos ng show. Pumuntana agad ako sa D.R. nya at nagbabakasakaling maabutan ko pa siya. Bukas ang pintuan ng dressing room nya kaya sigurado akong nandon pa siya sa loob. Pag silip ko, nandon nga siya nagliligpit ng mga gamit nya. Kaya pumasok nalang ako dahil hindi naman nya napansin na nakapasok na ako sa D.R. nya dahil nakatalikod siya sa pintuan ng dressing room nya.

K: Vice...

Natigilan siya...

K: Pwede ba tayong mag-usap?

Kumilos na siya pero hindi parin ito lumingon sa 'kin. Binilisan pa nga nya ang pagliligpit ng mga gamit. At binitbit na ang mga bagahi nya.

Vice: Chieee! Tara nya. (his referring to Archie)

Humarap na nga siya sa akin, pero nilagpasan lang nya ako. Sumunod naman ang Team Vice sa kanya pero nagpaiwan muna si Archie.

Archie: Sorry K ha. Wag kang mag-alala, mag-kakaayos din kayo. Stress lang siguro yun.

Nginitian ko lang si Archie at umalis nalang ako sa D.R. ni Vice.

END OF KARYLLE'S POV

++++++++++++++

Tahimik lang ang Team Vice pati narin si Vice sa sasakyan habang bumabyahi sila. Naninibago kasi sila sa mga kinikilos ni Vice at sa mga inaasta nito. Kilalang-kilala kasi nila si Vice kung galit ito o nagtatampo. Kaya kinausap na siya ni Archie.

Archie: Bakit ka ganyan teh?! (his referring to Vice)

Vice: (napalingon kay Archie) Ang ano?

Archie: Yan! (sabay turo sa mukha ni Vice) Yang pagiging masungi't mo. Yung nasigawan mo rin si Donna kanina at yung ginagawa mo kay Ms. K. Ginagawa mo lang yan kung galit ka o nagtatampo ka sa isang tao.

Vice: Wala! Stress lang ako.

Archie: Eh yung kay K?! Stress lang din ba yun?

Vice: Wala na akong pake sa kanya!

Archie: Bakit ka nagkakaganyan? Nag-alala lang sayo yung tao.

Vice: (napalakas ang boses) Can you please shut up! I don't need your opinion!

Tinikom nalang ni Archie ang kanyang bibig at inintindi si Vice. Lalong naging mas tahimik ang sasakyan dahil sa nangyari.

++++++++++++++

Maagang nagsidatingan ang mga hosts kaya may oras pa silang magkwentuhan. Kumpleto sila kaya kumpleto ang harutahan. Pero out of place parin si K.

Kuya Kim: Ang tanda na natin no?! Ang dali namang lumipas ng panahon.

Billy: Hoy Kuya Kim! Wag mo kaming e.damay sa edad mo! *laugh*

Kuya Kim: Totoo naman ah! Matanda na kayo! Uy!

Anne: Speaking of matanda na. Matatanda na nga tayo pero ang ilan sa atin, hindi parin kasal.

Jhong: Katulad ko! *laugh*

Anne: Sino kaya ang susunod sa akin no?

Vice: Ako!

Natahimik ang lahat at lumingon sa direksyon ni Vice. Seryosong-seryoso ito, kaya lahat sila nagtaka.

KARYLLE'S POV

What?! Siya? Nagulat kami sa nasabi ni Vice pero mas nagulat ako dahil seryoso ang pag mumukha nito.

Vice: Ako.... ako ang susunod sa yapak mo. (his referring to Anne)

Anne: Ikaw?! (taas kilay)

Vhong: Anong ibig mong sabihin brad? Ikakasal ka na? Yun ba yun?

Vice: *nods* Oo..

Para akong nabingi sa sinabi nya. Ang sakit pala ng sampal ng realidad. Kahit alam kung posibling mangayari to.

Jugs: Kanino?

Eruption: Sino yang lucky bride na yan?

Teddy: Siguro kay----

Vice: Si Kaye... Abad.

Ang sakit... kahit alam kung kasalan din ang patutunguhan ng relasyon nila. Mas masakit pala kapag sa kanyang bibig talaga manggagaling ang mga salitang mapapakasal na siya. At sa iba pa ha! (don't forget to insert sarcasm) Pero hindi parin makapaniwala ang ibang ka co-hosts namin, lalong-lalo na si Anne. Imbes na maging masaya sa kaibigan, biglang umasim ang ichura ng pagmumukha nito.

Anne: When?!

Vice: NEXT MONTH.

Anne: (nanlaki ang mga mata) Ano?!

Napatayo ako dahil sa narinig ko.

++++++++++++++

ABANGARRRRN...

(A/N): Soleeey! Late Udeeey. Hahahahahahahaha #PeaceBeWithYouBabies

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora