Chapter 33|| Jelly2x Din Pag May Time

5.4K 92 2
                                    

(A/N): Another chap na niUD ko today! HOPIA like it goise.

++++++++++++++

Nasa private plane parin nakasakay ang Showtime hosts at staff. Kaya malaya silang pumili kung sino ang gusto nilang katabi.

Jhong: Karylle! Tabi tayo. (sabay turo sa katabi nyang upuan)

Bago tumango si K sa inalok ni Jhong sa kanya, tumingin muna siya sa direksyon ni Vice. Pero parang hindi ito tumutol dahil nalilibang ito sa katabi nyang si Ryan. Kaya pumayag nalang siya sa alok ni Jhong. Nagtataka naman siya dahil hindi na nangungulit si Vice sa kanya ngayon.

++++++++++++++

KARYLLE'S POV

Kinakabahan ako. Ano kaya ang gagawin ko kapag inalok nya akong tumabi sa kanya? Magiging obvious na iniiwasan ko siya kapag tinanggihan ko ang alok nya. Pero noong nagtanong na si Jhong sa akin kung pwede ba daw na magtabi. kami? Tumingin muna ako kay Vice, baka kasi umalma yun. Pero pagtingin ko, masaya naman siya sa katabi nya na si Ryan at parang hindi nya nga ako napansin eh. Kaya binulungan ko nalang ang sarili ko na: Nagiging tanga ka na naman Karylle! Masakit ba? Umasa ka na naman kasi eh. Pumayag nalang ako sa alok ni Jhong at umupo sa tabi nya. Bago ako umupo lumingon na naman ako kay Vice, pero busy parin itong nagchichikahan at nagtatawanan sa mga katabi nitong ka co-hosts namin. Kaya tinuon ko nalang ang sarili ko kay Jhong.

Jhong: Okay ka lang ba?

K: Ah, ha? Oo naman!

Jhong: Gusto mo bang matulog? Pwede mong ilagay ang ulo mo sa balikat ko.

K: *grins* Wag na.. okay lang ako.

Hindi naman ako nabago't sa biyahe namin dahil todo effort naman itong si Jhong na patawanin ako. Kaya kahit corny ang mga jokes nya, natatawa na rin ako.

Jhong: Alam mo ba na there are 70 ways to make a woman happy.

K: Hindi..

Jhong: Number one is shopping and the rest is 69! *laugh*

K: *giggle* Baliw! Akala ko pa  naman seryoso ang sagot mo.

Jhong: Haaaay! Salamat at natawa ka narin.

Maraming baong jokes si Jhong, kaya hindi ako nabagot sa trip namin. Kahit corny na halos yung mga jokes nya, natatawa pa rin ako dahil sa mga reaksyon nya. Kaya hindi ko na rin halos napansin si Vice.

END OF KARYLLE'S POV

++++++++++++++

VICE'S POV

Kinakabahan ako. Ano kaya ang gagawin ko kapag dumating na siya. Hala! Nandyan na nga siya. Nagpapanic na ako at nag-iisip kung ano na ang gagawin ko. Kaya bigla ko nalang hinila si Ryan at pinaupo sa tabi ko. Nagpabusy-busyhan ako at inaaliw ko ang sarili ko sa mga katabi ko. At nag-kukunwaring hindi ko siya nakita at napansin. Ng biglang tinawag siya ni Jhong.

Jhong: Karylle! Tabi tayo.

Gusto ko siyang pigilan pero hindi man lang ako makalingon sa kanya. Ayoko muna siyang kausapin dahil hindi ko pa talaga alam kung ano ba talaga ang dapat kung gawin. Tumango naman siya kay Jhong at tumabi dito. Kahit na nakaramdam ako ng pagseselos, hindi ko parin siya pinigilan. At tunuon ko parin ang attensyon kay Ryan. Maya-maya narinig ko si K na tumawa ng malakas, pero pinilit ko paring balewalain ito. Hanggang dumating sa puntong naiinis na ako, dahil tumatawa lang si K ng ganyan kapag kasama ako. Pero ngayon iba ang nagpapasaya sa kanya. Kaya naiinis ako dahil.. nagseselos ako! Gumawa ako ng paraan para makuha ko ang attensyon nya. Isinigaw ko ang pangalan ni Anne.

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Where stories live. Discover now