Chapter 19|| Let's Celebrate

6.4K 113 9
                                    

KARYLLE

K: Ryan, bakit? (sabay bukas ng pinto) May na—V-Vice?

Vice: K, pwede ba tayong mag-usap?

Wala akong magawa. Bakas sa mukha niyang pursigedo siyang makipag usap sa akin. Kaya pinapasok ko na lang siya at pina-upo sa sofa.

K: (cross arms) Ano ba ang pag uusapan natin?

Vice: (nag-glare kay K) Hanggang ngayon hindi mo parin sinasagot ang tanong ko. Bakit ba nagkahiwalay kayo ni Yael? Ano ba talaga ang nangyari?

K: (bumalik sa pag-fufurl ng mga used clothes) Wala na yun, Vice. Nakaraan na yun.

Vice: (lumapit kay K at hinawakan ang kanang braso upang humarap ito sa kanya) K, sabihin mo naman sa akin ang totoo. Nag-aalala lang ako sa'yo as… as kaibigan mo!

K: (nag-cross arms na naman ulit at nag-glare kay, Vice) Gusto mo ba talagang malaman ang totoo? Sige! Iniwan na lang niya kami bigla sa eri na hindi ko alam kung ano ba talaga ang rason niya kung bakit niya nagawa yun! Iniwan niya kami ng anak niya at mas pinili pa niyang maging duwag, kay sa saamin!

Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko dahil na labas ko rin ang mga hinanakit sa puso ko at sa hindi pa inaasahang tao. Niyakap niya ako ng mahigpit at pinatahan.

Vice: Ssssh, tahan na. Sinabi ko naman sa'yo dati, 'di ba? Don’t let your happiness depend on someone you think you’re gonna spend for the rest of your life with. In times of goodbye, you have nothing else to do but cry. Kaya i-let go mo na siya at wag kang matakot magmahal ulit.

Napayakap na rin ako sa kanya dahil sa mga nasabi niya. Maya-maya pa, may biglang tumili sa may pintuan ng dressing room ko. Sa tulis palang ng tinig nito, kilalang-kilala ko na kung sino ito.

Anne: Ayieeeegekgekgekgek! Bati naaaa!

Napakalas kami sa aming yakapan ni Vice dahil sa pagtili ni Anne.

Jhong: Yown!!!! *laugh*

Billy: Isa pa nga! Isa pa nga!

Vice: Gusto nyo pa ng isa ha?!

Niyakap na naman ako ulit ni Vice at pinaikot-ikot. Pag katapos ng yakapan namin pinalapit naman niya ang mga ka co-hosts namin at nag-group hug.

Vice: At dahil bati na kami ni K, magpapakain ako!

Teddy: Saan Vice? Saan? Sa Red Crab ba yan?

Vice: Kung makahingi naman 'to!

Anne: Gurl! Wag kang kuripot! Ikaw na nga ang nagsabi ‘di ba “kakabati niyo lang” so it means, let's celebrate! Kaya ilabas mo na si carding, bakla!

Vice: Che! Sige na nga!

Hosts: Yesssss! *laugh*

Dahil tapos na rin ang show, dumiritso na kami sa Red Crab at don na nagpatuloy magharutan. Hindi naman kami magkatabi ni Vice dahil nasa gitna namin si Samantha. Gusto daw niyang maka-bonding ang bata. Kahit na-iilang ako, pumayag nalang ako.

Vice: Alam mo K, hindi talaga ako nagsasawang tignan ang anak mo. Ang ganda talaga niya, K. *pout*

Vhong: Ganyan ka naman talaga  dati kay Karylle ah! Titig kung titig! (teasing Vice)

Jhong: Salamat nga't hindi natunaw si Karylle sa mga titig mo cutie pie! *laugh*

Billy: Pero ang masaklap don, bestie. Hanggang titig ka na lang! *laugh*

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora