Chapter 31|| H.H. (Last Love este Day)

5.4K 103 4
                                    

Last day nalang nila dito sa Hawaii, dahil babalik na sila ng Pilipinas bukas. Kaya sinulit na nila ang pagpapakasaya at inuman buong araw. Habang papalubog na ang araw, nasa may seashore naman naka-upo sina K at Vice. Sila lang dalawa dahil iniwanan sila ni Anne. Tinitignan lang nila ang sunset at dinadama ang hangin. Naging matahimik ang aura ng lugar, kaya nagsalita na si Vice.

Vice: Gusto mo? (sabay alok ng alak)

K: *smile* Pass muna ako dyan.

Vice: Oh, sige... (tinungga ang alak)

K: Marami-rami ng hard drinks ang nainum mo ah. May balak ka bang mag-pakalasing?

Vice: Ibigay mo na to sa 'kin. Ngayon lang naman eh.

K: (kinakausap si Vice pero sa dagat parin nakatingin) Pagbalik natin sa Pilipinas bukas magiging stereotype na naman ang lahat.

Vice: Bakit? Ano ba ang gusto mong mag-bago? (lumaklak na naman ng alak)

K: (napa-lingon kay Vice) Tayo...

Natigilan si Vice sa pag-inum at tumingin kay K ng diretso. Naging speechless siya dahil sa binitawang salita ni K.

K: (tumawa at tumingin ulit sa dagat) Biro lang! Ito naman, sineryoso agad. *giggle*

Hindi parin natanggal ang pagtitig ni Vice kay Karylle. At hindi parin ito nagsasalita.

K: Alam mo.... may kaibigan akong naging TANGA dahil sa letcheng pagmamahal na yan. Noong una akala ng nag-mamahal sa kanya na manhid siya dahil hindi man lang nya nararamdaman ang pag-mamahal na binibigay ng taong yun. Pero hindi alam ng taong yun kaya nagawa yun ng kaibigan ko dahil ayaw na nyang masaktan ang taong hindi nya kayang mawala sa buhay nya. Dumating sa punto na gumive up yung taong yun dahil akala nyang wala ng pag-asa at akala din nyang mas mahal pa ng kaibigan ko ang taong kapiling nya kay sa kanya. Kaya kahit masakit... tinanggap ito ng kaibigab ko, at nagpakalayo. Ang masakit lang, mahal parin ito ng kaibigan ko hanggang ngayon, kahit durog na durog na ang puso nya.

Vice: Bakit hindi nya pinaglaban?

Sambi't ni Vice out of the blue. Lumingon si K kay Vice at ngumiti.

K: Gusto nyang ipaglaban..... pero hindi na pwede. Dahil yung taong baliw na baliw sa kanya noon, masaya na sa piling ng iba ngayon.

Vice: Sino ba yang kaibigan mo?

K: (painful smile) Si Kathleen... (tumingin ulit sa dagat... pero this time pinipigilan na nya ang pagtulo ng mga luha nya) Siya kasi ang naging malapit kung kaibigan sa states. (pagsisinungaling nya)

Magsasalita na sana si Vice ng biglang may tumawag sa kanya, kaya naudlot ito.

Jhong: *sumigaw* Vice! Magvivideoke na daw tayo! Isama mo narin si K.

Vice: (napa-sigaw din) Oh! Pupunta na ako dyan! (looks at K) K, tara na...

K: (sa dagat parin nakatingin) Mauna kana, susunod nalang ako.

Pag-alis ni Vice, tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Karylle. Mahahalata mo talagang umiiyak ito dahil sa pag-galaw ng mga balika't nito. Pero hindi nya alam na huminto pala si Vice at lumingon sa kanya. Pero pinagpatuloy parin ni Vice na lumakad papunta sa mga kasamahan nyang nagvivideoke. Naiwan naman si K na luhaan at walang kumocomfort ni sino man. Nang tapos na si K mag-bawas ng sama ng loob, kahit dagat lang ang nakinig sa mga hinaing nya, tumayo na siya at lumakad patungo sa nagvivideoke nyang mga kaibigan. Sakto naman pag dating nya, si Vice ang nakatoka na kumanta. Lasing na ito pati ang mga kasamahan nyang nagkakantahan.

++++++++++++++

KARYLLE'S POV

Naglalakad palang ako patungo sa mga kasamahan kung Showtime boys na nagsasaya, narinig ko na kaagad ang mga tinig ni Vice.

Vice: (lasing na boses) This song is dedicated to my labs, Karylle!  *chuckle*

Noong malapit na ako sa pwesto nila, nag-simula na siyang kumanta.

Hindi mo na kailangan pa
Ito'y sabihin pa
Na mayroong nagbago
Sa loob ng puso mo

Wala akong magagawa
Kundi palayain ka
Kaya pinili kung
Wag amin sa iyo

Mabiga't sa dibdib ang kinanta nya kaya napahinto ako sa paglalakad at napakapit sa poste. Ramdam na ramdam ko ang hinaing ng puso nya dahil sa pagkanta nya.

Akala ko ay kaya na
Ngayong wala ka na
Ngunit hindi pala
Limutin kay di magawa

Palagi kung tinatanong
Sa sari ko ito
Ikaw ba ay lalayo
Kung lahat ay inamin ko..

Naluluha na ako sa mga linya ng kanta na binitawan nya. Tinakpan ko nalang ang aking bibig upang mapigilan ko ang aking pag-iyak.

At kung alam mo lang sana
Kailan may di mawawala
Ang pagibig ko sayo
Laging nasa puso ko..

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko, tumulo nalang ito bigla. At hindi na humihinto.

Pipilitin kung itago ang lahat ng to
Ngunit patuloy kung tanong
Kailan kaya magwawakas (Ooh Itoooo)

Pinagpatuloy parin ni Vice ang pagkanta hanggang matapos na nya ang kanta. Hindi ko na tinuloy ang balak kung puntahan siya. Tumalikod nalang ako at lalakad patungo sa kwarto ko ng biglang.....

Vice: Karylle!

Napalingon ako dahil tinawag ako ni Vice. Kumaway siya sa akin sabay lapit at hinila nya ako sa dalampasigan at umupo kami don.

K: Bakit mo ko dinala dito?

Vice: (humiga sa buhangin) Wala lang gusto lang kitang masolo. *smile*

Minamasdan ko lang siyang nakahiga na pumipikit. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya. Sa mga oras na yun. Ang alam ko lang kailangan nya ako sa panahon na yun.

Vice: There was one time I fell in'love with someone very special. I told myself that I'll never give up on that someone. But one day, I did. Why? (lumingon kay K) Because I've realized that too much love can hurt.

Iba pala to malasing! Nagiinglish.

K: Love is a noble act of self-giving, offering your trust, faith and loyalty. The more you love, the more you lose a part of you. Yet you don't become less of who you are, you end up being 'COMPLETE'. (tumingin sa dagat) Kaya wag kang mapagod magmahal at masaktan dahil parte ito ng buhay natin.

Lumingon ako ulit sa kanya, pero this time parang natutulog na ito. Nakapikit na kasi ito at hindi na gumagalaw.

K: Ako nga hindi na pagod na mahalin ka...

Hindi parin si Vice kumikibo kahit sinabi ko sa kanyang yun, ng malakas. Tumingin nalang ulit ako sa dagat at minamasdan ang mga alon.

Vice: K....

Nanlaki ang mga mata ko, dahil akala ko tulog na siya! Lagoooot.

++++++++++++++
ABANGARRRN..

(A/N): Awwooooo.. Haha HI MY DEAR READERS. Sorry kasi ngayon pa nagparamdam si Author. Kaya sana STILL tangkilikin nyo parin ang story ko kahit matagal-tagal akong nagUuD. Patawad... eschudent pa din kasi tong Tupakin Na Mangsusulat na to!x)

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Where stories live. Discover now