Chapter 22|| Harana Thingy

6K 115 14
                                    

VICE'S POV

Tumabi na ako kay K sa may sofa kahit naiilang ako dahil sa "AYIEEE!" ng mga kaibigan ko.

BUDI: Soooo..K! Ano bang sekreto mo? Bakit lalo kang gumanda? (Umupo sa carpet)

K: *smile* Maybe work out, proper diet and stay fit.

VICE: Dyan nya nakuha ang pagiging kurbada nya. (looks at K and grin)

K: (nag-grin kay Vice) Yes..Pogi!

Pariho kaming nagulat sa nasabi nya, dahil na tameme din siya. Dumating ang awkward silences kaya nagsalita na si Kate.

KATE: Karylle, kung hindi mo mamasamain? Yuzon parin ba ang dinadala ng anak mo?

K: Hindi na. (tumingin kay Kate) Matagal na kaming devorce ni Yael, Kaya pinalitan ko na ang family name ng anak namin. Hindi naman siya tumutol dito.

AARON: Anong ibig mong sabihin? Nagkikita pa ba kayo ni Yael?

K: Hindi na... (tumingin kay Aaron) Simula noong gabing yun, hindi na kami nagkita. Ang abogado nalang nya ang kumilos para sa divorce papers namin.

DONNA: Masaklap pala ang nangyari sayo Kurba! Este Karylle no?

K: *chuckles* Hindi naman ako nagsisisi sa nangyari, dahil biniyayaan ako ng panginoon ng very (tumingin kay Samantha) very beautiful daughter inside and out. *grins*

KATE: She looks like you, K! And you two are superb adorable twins, as what I see. (smiles at K)

VICE: Maganda naman talaga si Karylle. *smiles*

ARCHIE: Ano yun, Vice? Paki-ulit! Ano yun? (saying it sarcastically)

VICE: Sabi ko maganda si Karylle.

DONNA: Ano nga? Ano nga ang sabi mo ulit?

VICE: Maganda..si Karylle.

ARCHIE: Ano nga yun? Ulitin mo nga!

VICE: (napa-lakas ang boses) BUNGOL?!!!! ANG SABI KO MAGANDA SI KARYLLE!!!

BUERN: (cross arms) Ayan! Malinaw na! (glance at K) CRUSH KA NI VICE! *giggle*

VICE: Hayop kaaa!!! (sabay hampas ng unan kay Buern)

BUERN: Oh, bakit?! Ikaw hindi?! (saying it sarcastically)

K: Psst! Uy! Tama na yan. *giggle*

BUERN: Ayan nagsalita na si Kumander! Under ka na naman, Jose! *laugh*

VICE: Che! (rolled his eyes tapos tumalikod dahil nagtatampo daw)

K: Uy.. wag kayong ganyan. (hinihimas-himas ang likoran ni Vice)  Wag nyo namang awayin si Vice.

ARCHIE: Wag mo yang baby-babyhin, K! Aasa na naman yan.

VICE: Sira ulo to!!! (sabay tapon ng unan kay Archie)

Nagtawanan naman ang mga beks sa naging reaksyon ko at kasali na rin si K. Panilit ko paring hindi ngumiti ngunit kinulit ako ni Karylle kaya napatawa na rin ako. Lakas talagang mang okray ng mga baklang to! Nakakainis! Akala ko araw ko ngayon, sa kanila pala. Pagkatapos naming kumain hinatid ko naman sila K sa condo unit nya.

END OF VICE'S POV

++++++++++++++

KARYLLE'S POV

Ang kulit talaga ng lalaking to. Pinauwi pa nya ang driver ko, dahil siya na daw ang maghahatid sa amin. Hindi ko alam kung dumadamoves na naman tong si Pogi! Speaking of POGI...nadulas ako don kanina ah. Hindi ko enixpect na mabibigkas ko pa ang salitang yun. Noong nasa car na nya kami, nasa passenger seat ako habang si Samantha naman nasa backseat. Si Vice naman daldal ng daldal. What do you expect? Ganon naman talaga siya. 'Di ba?

VICE: Naalala mo pa ba yung mga kantang ginamit ko para haranahin ka?

K: (lumingon kay Vice) Oo, yung iba. *smile*

VICE: Kagaya nito *sings*.... Look into my eyes, you will see.. The love you gave to me... Search a heart,  search a soul... When you find me there, you'll search no more... Don't tell me, it's not worth trying for... Can't tell me, it's not worth dying for... You know it's true... Everthing I do... I do it for you.

Ughhhh! That voice! I truly missed that harana thingy. 'Di ba ang arte ko lang?! AHAHAH Pero namiss ko talaga ang panghaharana ni Vice sa akin. Imposible na kasing haharanahin nya pa ako araw-araw , alam kung in the future iba na ang haharanahan nya. At pipilitin kung maging masaya for him. Kahit masakit...

K: Wag yan...

Hininto ni Vice ang kotse dahil nasa kaligitnaan kami ng traffic. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Hooh! Vicey, dinudurog mo na naman ang puso ko. Pasensya na ha kung naging mahina ako. Sana ikaw nalang ang pinili ko.

VICE: Bakit? (confused look) Ano ba ang gusto mo?

K: Mas gusto ko yung *sings*... Ako ay nagbalik... At muli kang masilayan... Hindi na ako muli, pang lilisan... Dahil kung ikaw ang yakap ko... Parang yakap ko ang langit... At yakap ko pati... Ang yung ngiti.

Hindi ko talaga tinanggal ang paningin ko sa kanya habang ako'y kumakanta. Bilang sukli ngumiti siya sa akin at pinagmamasdan ang mukha ko. Magsasalita na sana siya ng biglang nagsign ng green light ang traffic light kaya inistart na niya ang engine ng sasakyan at nagdrive. Pagdating namin sa condo ko, nakatulog na si Samantha kaya hindi ako mapakali kung ano ang gagawin. Bubuhatin ko na sana siya ng pigilan ako ni Vice.

VICE: Ako na.... umusog ka muna.

Binuhat nya si Samantha patungo sa unit ko. Ang ginawa ko nalang, dinala ko lahat ng mga gamit namin ni Samantha at pinagmasdan silang dalawa. Ang swerte talaga ng mapapangasawa ni Vice, pweding-pwede na siyang maging Ama.

VICE: Hoy! K! Anong tinutunganga mo dyan?! Gwapong-gwapo ka na naman sa akin no?! *laugh* Paki bukas ng pintuan, please?

K: In your face, Viceral! (kinuha ang keys sa bulsa nya at inunlock ang pintuan) Oh, ayan!

VICE: Salamat ha!!! (sabay pasok tapos pumunta sa kwarto ni K upang ipahiga sa kama si Samantha) Ang bigat nitong anak mo!

K: *giggles* Ang takaw kasi.

VICE: Hindi ka naman matakaw ah! Matakaw ba si Yael?

Ngumiti lang ako at pilit iniwasan ang tanong niya.

K: Sige na. Umuwi ka na, alam ko namang pagod ka na eh. Salamat pala sa paghatid.

VICE: Sus! Para naman tong others! Sige na, una na ako. (papaalis na sana ng bigla siyang tinawag ni K)

K: Vice! Gusto mo ihatid pa kita sa labas?

VICE: Wag na! Keri ko na to! (lumabas na sa pintuan)

Hindi ka parin nagbago Vice. Ikaw parin ang Vice Gandang minahal ko.

++++++++++++++
ABANGARRRN...

(A/N): TY sa mga readers :* Love yooow!

Kung may mga reklamo, suggestion o tanong kayo sa akin? E.tweet nyo lang po ako dito:)
_ @PlingerAmbsyosa

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum