Chapter 42 || Friction

4.2K 88 10
                                    

3 days before the wedding, hindi parin nagpapakita si Karylle kaya sagad sa stress si Vice dahil malapit na siyang ikasal at hindi parin nagpapakita si K. Nasa may living room ng bahay ni Vice ang mga beks pati narin siya dahil nag-preprepare, nag-fafinalized at nag-checheck kung settled na ba ang lahat sa darating na kasal ni Vice. Bigla namang nag-ring ang phone ni Vice kaya nag-excuse muna ito sa mga kaibigan nya at pumunta sa may pool area ng bahay nya. Sinekreto kasi ni Vice sa mga kaibigan nyang mga beks pati narin sa mga ka co-hosts nya na nag-hired siya ng isang Private Investigators na maghahanap kay K.

Vice: Oh! Kamusta na? Nahanap mo na ba siya?

PI (Private Investigator): Sorry sir, pero hindi parin eh. Tinry kung tinarck ang device nya pero hindi ko parin siya ma trace.

Napahilo't na lang si Vice sa noo nya at kumalma. Kahit gusto na nyang sumabog dahil hanggang ngayon hindi parin nila nahanap si Karylle.

PI: Pero wag na po kayong mag-alala dahil may mga lead na po kami.

Vice: Siguraduhin mo yan ha! At tumawag ka kaagad kapag nahanap mo na siya.

PI: Opo sir! Sige po.

*Call End*

Pagkatapos tumawag ng PI ay bumalik na kaagad si Vice sa mga beks upang ipagpatuloy ang mga ginagawa. Ngunit mainit ang ulo nito kaya hindi talaga maiwasang masigawan nya ang mga kaibigan.

Vice: Okay na ba ang lahat? Yung reception?

Budi: Yun na nga Vice eh. Hindi----

Vice: (nalakasan ang boses) Ano?!!! Akala ko ba settle na ang lahat?! Hindi nyo ba kinontak?! My God! Yun lang nga ang pinapatrabaho ko sa inyo!

Archie: (stood up) Teka lang Vice ha! Teka lang! Pataposin mo muna si Budi, bago ka mag-inarte dyan! Kinontak nga namin pero wala daw bakanti dahil may naka-book na daw sa date na pina-reserve mo! Inuuna mo kasi yang init ng ulo mo!

Vice: Kasi nga! Ang simple-simple lang ang pinapagawa ko sa inyo tapos hindi pa ninyo magawa ng tama?!

Budi: Vice! Ginagawa naman namin kung ano ang ipinapagawa mo sa amin, hanggang sa abot ng aming makakaya! Kaya wag mong e.sumbat sa amin na wala kaming nagawang 'TAMA'! (Emphasizing the word 'Tama')

Archie: At tyaka, bakit ba ang init-init ng ulo mo?! Pasalamat ka nga tinulungan ko pa namin!

Naging mainit na ang bangayan ng magkakaibigan kaya pumalagit na si Donna kay Vice at Archie.

Donna: Hoy! Magsitigil nga kayo! Hindi natin maaayos itong problemang to kapag nagsilabasan yang mga bunto't nyo!

Vice: Hindi ko naman kailangan ng tulong nyo!

Donna: Vice! Ano ba?! (napa-make face na) Bakit ka ba nagkakaganyan ha?! Umiba ka na simula noong may nangyari sa inyo ni Karylle! Hindi ka na namin kilala, Vice!

Vice: Bakit?! Hiningi ko ba ang opinion nyo?!

Archie: (hands up) Ayoko na! I gave up! (nagsimula ng maglakad palabas)

Vice: Sige! Sige umalis kayo! Hindi ko naman kayo kailangan eh!

Archie: Oo! Talagang aalis kami! Kasi hindi na naman kaya yang maitim mong budhi! (Walks away)

Vice: Bahala kayo! (Rolled his eyes)

Donna: At tyaka, Vice! Hindi na ikaw ang Vice na nakilala ko dati! (Walk out)

Pagkatapos umalis ni Donna, sumunod narin ang ibang mga beks. Naiwan si Vice na mag-isa sa isang malaking bahay. Dahil sa pagkainis, tinadyakan ni Vice ang glass table sa living room nya ng malakas kaya nabasag ito.

++++++++++++++

Nasa kwarto ni Kaye ang ate nya na si Sarah Jane Abad-Contreras. Alam ng ate nya na buntis siya at si Vice ang ama. Kaya pinag-usapan nila ang malapit na kasal ni Kaye at ang kalagayan nito.

Sarah: Sigurado ka na ba dyan?

Kaye: Sa ano? (Taas kilay)

Sarah: Na magpapatali ka na. Hindi madali ang buhay may asawa, Katherine!

Kaye: At hindi naman madali ang maging single mom! At tyaka, mahal ko rin si Vice no! Kaya ayoko na tong palagpasin pa.

Sarah: Ang tanong... mahal ka ba talaga nya? (Cross arms)

Kaye: Wala akong paki-alam kung hindi nya ako mahal, basta panindigan lang nya ako! At wala na siyang lusot sa akin kapag kasal na kami. At wala naring Karylle Tatlonghari na eepal pa sa buhay namin.

Sarah: Sigurado ka?

Kaye: Gagawin ko ang lahat ate! Wag lang mawala si Vice sa akin.

Sarah: (iling-iling) Tsk! If you wan't a Prince? Try to act like a Princess not a whore! Kaya wag mong ipagsiksikan ang sarili mo kung hindi ka talaga nya gusto.

Kaye: Blah blah blah! I don't need your opinion. At tyaka dapat lang ako ang pinili nya dahil ako naman ang binuntis nya dito! (Rolled her eyes)

Umiling na lang ulit si Sarah at lumabas sa kwarto ni Kaye.

+++++++++++++

ABANGARRRRN...

(A/N): Mga bhiee.. kung nabitin kayo.. sorry kasi pandalian lang kasi to. Haha Babawi na lang ako next time around. Pramis! Hahabaan ko ang pag UD.

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Where stories live. Discover now