Chapter 41 || Asan nga ba si Karylle?

4.5K 88 5
                                    

3 days later, hindi parin nag-paparamdam si K kaya lalong nagalala si Anne pati narin ang ibang ST hosts. Aligaga na sila sa pag-kocontact kay K, dahil naging out of coverage na ang sim nito. Habang busying-busy sila sa pagalala at pagkokontak kay Karylle, si Vice naman nasa kalagitnaan pa ng traffic kaya wala pa ito sa studio.

Vhong: Hindi mo ba makontak si Zia? (Referring to Anne)

Anne: Hindi nga rin eh.

Direk: Asan nga ba si Karylle?! Akala ko ba 1 day lang siya aabsent?

Ryan: (napakamot sa ulo) Yun na nga Direk eh! Pi-penuthahan namen shi ate Kharel sa kondo nyea.. peru wala pala sha don.

Direk: Ano? *napamewang* So, asan siya ngayon?! Nagpunta na ba kayo sa bahay nila Zsa zsa?

Anne: Hindi pa nga Direk eh. Pero pupuntahan ko mamaya.. as soon as possible.

Bigla namang dumating si Vice na nakakuno't ang noo, dahil hindi nya alam kung ano ang nangyayari kung bakit sila lahat ay aligaga.

Vice: Anong nangyayari dito? Bakit kayo lahat parang na prapraning?

Anne: (lumapit kay Vice) Pag may masamang nangyari kay Karylle.. (pointing Vice) isisisi ko sayo lahat! (Tumalikod pero humarap ulit) And wait! Don't you ever talk to me! (Walk-out papuntang DR nya)

Vice: (napa-make face) Ha?! Ano nga ba ang nangyayari dito?

Jugs: Hindi kasi namin makontak si K, Vice. 1 day lang yung sinabi nya na aabsent siya. Pero 3 araw na ang lumipas hindi parin siya nagpapakita.

Nagalala na si Vice, pero hindi parin nya ito pinapahalata. Dahil mas na naig pa ang pride nya.

Jugs: At.. wala din ito sa condo nya.

Bigla namang sumali si Vhong sa usapan.

Vhong: (gaze at Vice in a serious look) May kinalaman ka ba dito, Vice?

Stand still lang si Vice at hindi umimik. Hindi din nila alam kung ano ang naging reaksyon ng mga mata nito sa kadahilanang naka-shades ito.

Vhong: Brad! (Huminga ng malalim) Magpakalalaki ka naman! (Nag-tap sa left shoulder ni Vice at walks away)

Nadagdagan na naman ang problema ni Vice. Galit nga siya kay K pero hindi naman nya kayang mapahamak ito. Kaya pumunta muna si Vice sa dressing room nya at nagisip kung paano nya mahahanap si Karylle kaagad. Noong nakaisip na siya ng paraan, tinawagan na nya ang kaibigan nya na mag-hire ng isang private investigator na maghahanap kay K.

++++++++++++++

Pagkatapos ng Showtime, dumiritso na si Anne sa bahay ni Ms. Z. Pagdating nya don, nabigo siya. Dahil wala pala sila doon pati sina Zia. Ang mga katulong lang nila ang nagbabantay sa bahay ni Ms. Zsa zsa.

Anne: Manang, nandyan po ba si Ms. Z?

Maid: Nako po mam! Wala po siya dito mam, parang may lakad sila kasama ang mga anak nya.

Anne: Ah, pwede po bang magtanong?

Maid: Ano po yun, mam?

Anne: Kasama ba nila si ma'am Karylle nyo po ngayon?

Maid: Ho? Wala po si mam Karylle dito, mam. Kinakabahan nga po sila kung ano na ang nangyayari kay mam dahil hindi na daw nila makontak ito, tapos tinawagan nila ang mga malalapit na kaibigan nito pero wala po din silang alam kung saan tumungo si mam K.

Anne: Ho?! Ganon po ba? Sige po, mauna na po ako. Salamat po.

Pumasok na agad si Anne sa sasakyan nya at nag-drive pauwi. Habang nag-dadrive, hindi naman maalis sa isipan ni Anne ang pagalala kay K. Kaya hininto muna nya ang sasakyan at nag-park sa gilid ng kalsada. Kinuha nya ang phone nya at tinawagan si Vice.

Vice: Hello?

Anne: Alam mo bang Karylle is STILL missing?!

Vice: Alam ko, hindi ako bulag.

Anne: (napalakas ang boses) Oo! Hindi ka bulag! Nagpabingi-bingihan lang!

Vice:........

Anne: Alam ko na alam mo kung bakit tumakbo palayo si K, Vice! Hindi ka man lang nagalala?!

Vice: Nasigawan ko lang naman siya ah!

Anne: Oo! Kaya nga nasaktan siya! A heartbreak isn't always as loud as a bomb exploding. Sometimes it could be quiet as a feather. And the most painful thing is nobody hears it but you! Kaya balisa siya ngayon, Vice! Kung meron mang masamang nangyari kay K? Hinding-hindi kita mapapatawad!

Toot..toot...toooooot... *Call Ended* Binaba na ni Anne agad dahil na iinis na talaga siya kay Vice. Nag-drive nalang siya ng mahinahon at pinakalma ang sarili.

++++++++++++++

Pagkatapos ng conversation nila ni Anne. Bumaba si Vice sa kusina at kumuha ng dalawang bote ng beer. Bumalik siya sa kwarto nya na dala-dala ang dalawang bote ng beer. Umupo siya sa kama at nilagay ang dalawang bote sa tabi ng lampshade. Kinuha nya ang isang bote at binuksan. Nilunok nya ito ng diretso hanggang naging kalahati nalang ang laman nito.

VICE'S POV

Putang ina namang buhay to oh! May pinoproblema na nga ako tapos dumagdag pa si Karylle! Hooh! Ano namang klasing buhay to?! Buhay nga ako pero unti-unti naman akong pinapatay ng sarili kung buhay! Oo, nagtatampo ako kay K! Nagagalit ako kay Karylle! Pero.. pero mahal ko parin siya. Alam kung gaga siya! 'Di nya 'ko naiintindihan, 'di nya 'ko mahal at di nya 'ko pinahalagahan. Pero mas gago ako! Akala ko may happy ending na kami, akal ko may chance pa! Pero bakit palagi nalang huli na ang lahat?! (Teary Eyes) Bakit palagi nalang pinagdadamot ng tadhana na maging masaya ako?! Aaaaaaaaah!!!!! (Sabay tapon ng isang bote at humagolhul) Gusto ko namang maging masaya... hindi ko naman hinangad ang ganito ka yaman kung wala namang kasiyahan na maidudulot! Kaya kung isakripisyo lahat kay Karylle. Pero bakit siya? Nikatiting wala siyang isinakripisyo sa akin!

END OF VICE'S POV

++++++++++++++

Humiga si Vice pero umiiyak parin ito sumunggab siya ng isang unan at tinakip nya ito sa kanyang mukha. Sumigaw siya pero doon sa unan para hindi marinig ng mga beks ang pagsigaw at hagolhul nya. Maya-maya napagod na ito sa kaiiyak kaya nakatulog na ito.

++++++++++++++

ABANGARRRRN....

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon