Chapter 53|| The Confession

4.1K 106 4
                                    

[Denidicate ko to sayo dahil...... TUMPAK ANG SAGOT MO!]

____

K: Pero—wala ba talagang umudyok—

Vice: Baka umuntog sa ulo ko? Meron. At sa hindi pa inaasahang tao.

[FLASHBACK]

Habang naglalakad si Vice sa may park na maraming naglalarong bata, may nagbibisiklita, may mga magkasintahang naglalakad o nagdadate at magkaka-pamilyang nagbobonding sa isa't-isa. Kung titignan mo talaga ang pigura ng parke, makikita mong lahat ng tao don ay masaya—except kay Vice na parang wala sa kanyang matinung isip na naglalakad-lakad sa kawalan.

Vice: *wonder* Nagagalit ako sa kanya, sa kanila, sa mga taong nanloko sa akin, pero bakit—Bakit?! Bakit Bakit iba ang nararamdaman ko kay K? Bakit mas nangingibabaw pa ang nararamdaman ko kay K? Bakit mas... nangingibabaw pa ang nararamdaman kung guilt kay sa magalit ako sa kanya? Eh, kung tutuosin nga—hindi nama ako ang nagkasala kundi siya.

Habang kinakausap ni Vice ang kanyang sarili—sa 'di kalayuan, may na alinag siyang pamilyar na tao. Kaya unti-unti niya itong nilapitam at hindi nga siya nagkamali sa kanyang hinala. Biglang nag-init ang ulo ni Vice at nanlilisik ang mga mata nito. Ultimo parang gutom na Lion na gustong kumain ng buhay na tao. Agad niya itong kinwelyuhan at sinapak ng madiin. Kaya napahiga ang tao at napa-hawak sa kanyang pisngi habing pinipilit niyang bumagon galing sa pag katumba. Susuntukin na sana ulit ni Vice, ngunit pumalag na ito at nagmamakaawang magpapaliwanag muna siya.

Vice: (nanlilisik ang mga mata habang tinuro-turo ang taong nasa kanyang harapan) HAYOP KA YAEL! MASAYA KA NA BA SA GINAWA MO KAY KARYLLE?! Ha! I-G*GO KA PALA EH!

Aktong susuntokin sana ulit ni Vice, ngunit naitulak ito ni Yael ng malakas kaya natumba ito. Pero wala sa intensyon ni Yael na maitulak ito dahil pinipilit niyang pakalmahin si Vice.

Yael: Teka lang! Teka lang, Vice. Magpapa—

Vice: Magpapaliwag? (Bumangon agad si Vice na parang walang nangyari) Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa, Yael. Dahil klarung-klaro sa akin ang ginawa mong kahayopan kay Karylle! Anong klasing Ama ka ha?! Nasa bingit ng kamatayan ang anak mo tapos, don ka pa nawala na parang bula. Oo! Kahit anak ko pa siya, kahit hindi ikaw yung tunay niyang Ama—alam kung alam mo na minahal ka niya bilang isang tunay na Ama at minahal mo din siya bilang isang tunay na kadugo mo! Kahit i-deny mo pa! At tyaka—anong klasi kang asawa ha?! Sa oras na kailangang-kailangan ka niya—wala ka!

Yael: Bakit, wala din ba kayong ginawang kahayopan sa akin noon?

Nagulat si Vice sa naging tanong ni Yael.

Yael: Oo! Wala akong kwentang asawa! Dahil binigay ko na nga sa kanya ang lahat, ginawa ko na nga sa kanya ang lahat—pero bakit ganon?! Ikaw parin ang mahal niya!

Natameme si Vice sa mga nabitawang salita ni Yael sa kanya. At bigla ding umiba ang aura ng kanyang mukha. Yael grab the opportunity na magpaliwanag.

Yael: Falling in love is easy, staying in love is hard, letting go is harder and moving on is the hardest. Kaya ginawa ko yun dahil... dahil alam kung... *sigh* alam kung ikaw ang mahal niya Vice, hindi ako. Oo nga't ako ang nauna—pero bakit pa siya hahanap ng iba kung sa kanya ako ay sapat na? Hindi naman sa naging taksil sa akin si Karylle dahil sa kabila ng bugso ng damdamin na nararamdaman niya sayo, pinilit parin niyang pigilan ito at mas pinili ako. Sa totoo nga naging selfless siya, alang-alang sa kapakanan namin at sa kapakanan ng pamilyang tinatayo namin. Pero inaamin ko... nasaktan at nagalit talaga ako sa ginawa niyang pagsisinungaling sa akin. Nasaktan ako dahil naging matapat ako sa kanya, kahit alam kung may posibilidad na hindi kami magtatagal. Nagalit ako kasi (he bite his lower lip to control his tears to fall) kasi yung anak na lang namin ang susi para masalba ang marriage namin—pero kahit anak namin, hindi ko pag mamayari? Hindi na nga ako ang nagmamayari ng puso niya, kasali din pala ang anak namin na mas bagay na sabihin kung anak niyo.

Napangiti naman si Vice sa narinig, ngunit hindi parin ito nagsalita.

Yael: Kaya ginawa ko yun—kahit nasaktan siya sa ginawa ko, dahil yun ang tama, yun ang nararapat at yun ang dapat kung gawin. Kahit ilang beses ko nang kinumbinsi ang sarili ko na mahal niya din ako... pero hindi eh. Mas lalo ko pang napatunayan na mas mahal ka niya at kailangan ka niya noong nalaman ko na ikaw pala ang Am—

Vice: Tama na.

Napahinto si Yael dahil sa malamig na boses ni Vice. Nagulat din siya kung bakit yun lang ang naging reaksyon niya. Umupo si Vice sa banda na malapit sa kinatatayuan nila. Yumuko siya habang nagsasalita.

Vice: Sayang lang ang ginawa mong pag sasakripisyo, wala namang pinatutunguhan.

Yael: Magiging sayang talaga kapag hindi mo susunggaban ang pag kakataon. Bakit, Vice? Naging duwag ka ba, kagaya ko?

Napa-lingon si Vice kay Yael, ngunit yumuko ito ulit.

Vice: Nasaktan ako, Yael. Hindi lang ikaw o si K, pati din ako nasaktan.

Yael: Alam ko, lahat tayo naipit sa sitwasyon. Pero Vice, kapag pride lang ang pinairal mo? Wala kang mapapala dyan. Pride will make you strong, but not happy.

Vice: (humarap na kay Yael) Tinakbuhan ko siya. Kung tutuusin nga wala akong karapatan na magalit sayo dahil ginaya ko din ang pag kakamaling ginawa mo noon.

Yael: Siguro, nasaktan at nagalit ka lang sa nangyari. Pero, Vice may pag kakataon ka pang i-tama ang pag kakamaling ginawa mo. Wag mong hayaan na lamunin ka na ng galit mo, dahil sa huli... ikaw lang ang magsisisi. Pumikit si Vice at huminga ng malalim. Pag katapos, tumingin ulit siya kay Yael.

Vice: Hindi (sabay iling-iling) hindi... hindi ako nararapat sa pag mamahal niya.

Yael: Eh 'di sino? Mas lalalong hindi ako. Marami na akong nagawang kamalian sa buhay ko, Vice. Kaya dude, gusto kung magsama kayo. Kahit yun man lang. Atleast may nagawa akong tama sa asawa ko. Wag mo ng patigasin yang puso mo, brad. Mapapagod ka lang. At tyaka—Vice, wag mo ng pakawalan si K, nag-iisa lang siya. (With a huge smile)

Tumingin ulit si Vice sa mga mata ni Yael, pero this time—iba na ang sinasabi ng mga mata niya. Noon galit at pag kainis ang nararamdaman niya, ngunit ngayon napalitan na ito ng kapatawaran at pagmamahal.

Vice: Salamat. (Sabay ngiti na walang halong kaplastikan)

Yael: Naah, wag kang magpasalamat sa akin. Ginawa ko lang yun dahil yun ang tama. Ako nga dapat ang humingi ng kapatawaran sayo eh.

Vice: *umiling* Wag ka sa akin humingi ng tawad, kay K ka mag-sorry. Malaki-laki din ang atraso mo don, Tol!

Yael: Hindi. Dapat din akong humingi ng kapatawaran sa iyo dahil kung hindi pa ako umepal noon, baka malaki na ang pamilya niyo ngayon.

Vice: *laugh* Ikaw kaseh! Umepal pa yang height mo!

Yael: Baliw! Ba't nadamay na naman ang height ko dyan? *laugh*

Pag katapos ng matagal-tagal na tawanan at asaran, naging seryuso  na naman ulit si Yael. At may na sabi siya out of the blue.

Yael: Alam ko na kung bakit minahal ka ni Karylle. Kasi ang dali mo lang palang mahalin.

Vice: Hoy! Yael! Ano to? Bromance? *laugh*

Napa-iling na lang si Yael sa kakulitan ni Vice.

[END OF FLASHBACK]

____

KARYLLE'S POV

Hindi ko alam kung ano ang gusto kung gawin ngayon, gusto kung sumigaw,  magwala, manakal at gumulong. Ang saya-saya-saya ko ngayon. Parang nasa akin na ang laaaaaaaaahat! Malaya na akong gawin laaaaaahat! Malaya na ako na maging 'vice' ang aking Vice. At dahil yun sayo Yael. Salamat, kung tutuusin nga mas malaki ang atraso ko sayo. Pero mas pinili mo paring isinakripisyo ang kaligayahan mo para lang sa kaligayahan ko. Totoo siguro yung kasabihan na: "What comes easy won't last long, and what last long won't come easy." Emeged! I'm soooo kilig right now!

____
ABANGERRRRN..

(A/N): Kyaaaaah! Oh, ano? Nakakabitin ba? Hihihi Next na ang sweetness overload ng dalawang malalandi nating parentals. At... hep-hep-hep—MAG uUD NA AKO SA 'BLANK SPACE' MAMAYA! Kayaaaaaaaaaaaaaaaaaaa... ABANGARRRN!

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Where stories live. Discover now