Chapter 44|| Go Kurba! Bekenemen...

4.6K 99 20
                                    

Pagkatapos magkwentuhan ni Manang Ruby at K, naglalakad-lakad na naman si Karylle sa dalampasigan upang mag-isip kung anong hakbang ang gagawin nya. Pagdating ng 6:10 pm, naghanap ng seafood restaurant si K para don na kumain ng dinner. Pagkatapos nyang kumain ng dinner, dumiritso na ito sa resort na chenick-innan nya upang magpahinga. Umupo siya sa dulo ng kama nya at napaisip na naman.

KARYLLE'S POV

Kakayanin ko to! Dapat kayanin ko to! Bukas na ang kasal dapat mag-ipon ako ng lakas ng loob. Pero.... teka! Hindi ko pa pala alam kung anong oras ang kasal. Siguro mas mabuting kung e.on ko na ang phone ko para malaman ko kung anong oras ikakasal si Vice. [Simula noong umalis kasi si K, tinanggalan nya ito ng battery upang hindi siya ma-track ng mga kaibigan nya] Ng na on ko na ang phone ko, maraming nagsidatingang messages at notifications. Tapos nagbeep ulit... but this time may tumatawag. Kaya tinignan ko kung sino.

*Kathleen Calling*

Patay! Tiyak pagagalitan na naman ako nito. *sigh* Bahala na nga.

K: Ka-------

Kath: IKAW BABAE KA! ASAN KA BA?!

K: Nasa.... isang resort.

Kath: KAYA PALA! ANONG GINAGAWA MO DYAN?! NAG-TATAGO?! TUMAKAS SA PROBLEMA?! KAYA BA YANG LUTASIN YANG PROBLEMA MO? ANONG NAPALA MO DYAN?!

K: Ha?

Kath: Oo, alam ko na! Kaya pala umiyak-iyak ka nong tumawag ka sa akin noon. Yun pala ang dahilan! BAKIT HINDI MO SINABI SA AKIN, KARYLLE?!

K: Dahil alam kung sesermonan mo lang ako.

Kath: DAPAT LANG! PARA MAUNTOG NA YANG KUKUTI MO! ALAM MO BA ANG LAKI PALA NG PROBLEMA MO TAPOS KINIKIMKIM MO LANG?! DANG!

Huminga na lang ako ng malalim at inintindi si Kath. Hindi naman talaga dapat ako magalit e, dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Nagaalala lang talaga ang kaibigan ko sa akin. Pero............. nagulat ako ng bigla itong tumawa ng malakas? What?

K: Hala! Bakit ka tumatawa?

Kath: *laugh* Maganda ba ang script ko teh? Paning-paniwala ka kasi! *laugh*

K: What the! Script lang yun?!

Kath: Oo no! Baliw to. Magpapakuntest kasi ang friend kung fil-am sa isang clan dito sa San Francisco na puro Filipino.

Ikaw ang baliw! Napahiya ako don ah.

K: Ha? Hindi ka ba nag-check ng mga happenings or updates dito da Pilipinas? Hindi ka ba nag-browse ngayon o surf sa internet?

Kath: Ano? Anong pinagsasabi mo? May dapat ba akong malaman, K?

Jeeez! Hindi pa talaga nya alam? Hay nako! Akala ko pa naman senisermonan na nya ako kanina.

K: (Took a deep breathe) Ikakasal na si Vice bukas.

Kath: (napalakas ang boses) What did say?! Ikakasal?! Wha-a-anong what?! When? Kailan mo pa to nalaman?

K: Matagal na...

Kath: Kaya pala umiyak ka noong tumawag ka sa akin non! Ba't 'di mo to shinare sa akin agad, dear?

K: Dahil alam kung sesermonan mo lang ako.

Kath: K nama eh... talagang yan ang gagawin ko sayo. Hindi dahil galit ako sayo, kundi mahal kita. Kaya ka umalis no dahil tinatakasan mo yang problema mo no?!

K: Ayoko lang makita si Vice na ikakasal na sa iba.

Kath: Oh, naranasan mo na kung ano ang nararamdaman ni Vice noon. Masakit 'di ba?! Hindi lang nya masabi sayo dahil akala nya na mas mahal mo si Yael kay sa kanya. Tapos gagayahin mo ang pagkakamaling nagawa nya noon?! Copy cat lang ang peg teh?!

ViceRylle; Dark Horse (Under Editing)Where stories live. Discover now