Chapter 5

49.7K 1.4K 159
                                    

Habang nasa biyahe, ay iba't-ibang scenario ang pumapasok sa isip ko. I can't believe he's cheating on his girlfriend. Nandito lang ba talaga siya para sa kasal ni kuya o para lumandi?



Mabigat ang bawat paghinga ko at nakakunot ang aking noo habang tinatahak namin ang daan patungo sa bar. I don't know why I'm so irritated.



Nang makarating sa bar ay mabilis akong naglakad papasok. Sinalubong ako ng maingay na tugtog at mga sigawan. May ibang nakakabunggo sa akin pero kapag nakikita ako ay mabilis na tumatabi.



Inilibot ko ang aking paningin at hinanap si Wyatt sa paligid. Nakita ko si Cora kasama si Brianna at Moli sa isang vip couch kaya lumapit ako.



"Lea! I thought you're busy?" Salubong sa akin ni Brianna na medyo may tama na. Kanina pa siguro sila umiinom.



"Sexy natin, ah?" Puna ni Moli sa suot ko.



Hindi ko sila sinagot at humarap kay Cora. "Where's my cousin?" Tanong ko kahit gusto ko nang burahin ang salitang 'cousin' at 'pinsan' sa bokabyularyo ko.



Inginuso niya ang puwesto nila Wyatt sa malayong banda at nakitang puno pa rin ng babae ang couch nila at ganoon pa rin ang posisyon nila kagaya ng nasa picture. Kumunot ang noo ko at hindi na nag-dalawang isip pa. Iniwan ko ang mga kaibigan ko at naglakad papunta sa couch nila.



Napatingin sa akin ang mga lalaking kasama niya at ang mga babae naman ay nanahimik. May isa pang patagong umirap. Hindi ko na iyon pinansin dahil isa lang ang nasa isip ko—ang kamay ng isang babae na inaalis ang ika apat na butones sa dress shirt ni Wyatt. Balak ba niyang hubaran siya dito?



Nagtagis ang mga ngipin ko at hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang ulo ko. Manhid ba ang lalaking 'to? Why can't he feel that this whore is already undressing him? O baka alam niya at hinahayaan lang dahil gusto rin? Lalo akong nairita.



"Wyatt." I called him while clenching my jaw. Nang tumingin siya sa akin ay napakunot ang noo niya. Nang mapansin ako ng babae, ay nanlaki ang mga mata niya at ngumiti sa akin.



"Hi! Lea, right? I'm Nadia." Pakilala niya nang tumayo siya at naglahad ng kamay. So she's the birthday girl, huh?



I nodded at her and looked back at Wyatt. "Wyatt, let's go." I said in monotonous tone. He already has a girlfriend and yet he's acting like a free man!



"What? We're just starting to have fun, Lea, don't be so kj!" Singit ni Nadia.



Hindi ko na napigilan ang irita ko sa kaniya. Pasaring ko siyang tinignan. Ay ang arte?

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon