Chapter 8

49.4K 1.6K 363
                                    

Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natuwa o umasa nang sabihin niya 'yon. Pero kahit paano ko isipin, maling mali. Hindi ko na kailangang ipaliwanag kung bakit, banggitin mo lang ang buong pangalan namin ay alam mo na. Hindi ko maintindihan. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako lalapit at magpapaapekto sa kaniya, pero heto ako ngayon, tulala at iniisip siya.



Matapos ang insidenteng iyon ay nagpaalam na 'ko sa kanilang lahat na mauuna na sa suite. Cream and beige ang tema ng suite at pasok ito sa panlasa ko. May dalawang malaking kuwarto na may king and queen size bed. Dumiretso ako sa kuwarto kung nasaan ang mga gamit ko at naglabas ng bikini.



Walang sinabi sa amin na gagawin para sa araw na ito, kaya siguro ay maglalakad-lakad na muna ako sa dalampasigan. Ayoko rin namang mag mukmok at sayangin ang pagpunta ko rito, kaya lalabas ako.



I wore a white Hunza G's Gloria Bikini and tied my hair in a messy bun. I put on a tiger skin sarong and tied it on my right waist before wearing my kitty shades. Naglagay rin ako ng sunblock at naghintay ng ilang minuto para iset iyon sa balat ko.



Lumabas ako ng kuwarto at nagulat kay kuya Sage na papasok sa suite. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang pasadahan niya ng tingin ang katawan ko.



"Make sure you won't entertain tourists here." Bilin niya bago pumasok sa kabilang kuwarto.



Nag-kibit nalang ako ng balikat bago lumabas ng suite. Kaunti lang ang mga tao rito. May nakita pa akong mga kilalang modelo at artista kanina, marahil ay nagbabakasyon. Naka flipflops lang ako habang naglalakad patungo sa beach.



Sinubukan kong hanapin sina kuya Loren at dad, pero hindi ko na sila makita kaya lumapit ako sa namumukhaan kong staff nina kuya para magtanong.



"Hi," Bati ko sa kanila at inalis ang shades ko.



Nagulat naman ang mga ito at hindi magkanda ugaga sa pag tayo ng maayos. Ang mga lalake ay napapatingin sa katawan ko habang ang mga babae naman ay mukhang nahihiya at pinagmamasdan ako.



"Ano po 'yun, ma'am?" Tanong ng isang babae na matanda lang siguro ng ilang taon kay kuya Loren.



"I just wanna ask if you perhaps, saw my brother or ate Celine?" I asked in a polite way.



"Naku, umalis po sakay ng yate niyo at mag sh-shoot ng ilang scenes doon." Napaawang ang labi ko at marahang tumango. Ni hindi man lang ako sinama ng magaling kong kuya!



Isa lang ba ang yate naming dito? Gusto ko rin! Hay.

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon