Chapter 29

47.8K 1.4K 602
                                    

"Whoa.." hindi ko mapigilan ang mapa-nganga nang makita ang kabuoan ng Rest house mula sa labas. Kulay brown at white ang kulay nito at ngayon ay dinala ako ni kuya rito para daw makita ko ng personal.



Kasama namin si Tatiana na nakasuot ng pulang halter dress na nagtatapos sa isang dangkal mula sa ibabaw ng kaniyang tuhod. Nakasuot naman ako ng puting tank top at itim na shorts habang si kuya ay naka itim na v-neck shirt at pants.



Nanunang pumasok si kuya sa mataas at malapad na pintuang gawa sa kahoy, wala iyong gate pero malaki ang setback mula sa sementadong bakod na nakapalibot sa gilid at likod nito. Sumunod kami ni Tatiana at nalaman kong hindi pala ito ang unang beses na makakapasok siya rito. Nang tinanong ko kung kailan ay nag-iwas siya ng tingin at iniba ang usapan.



Hindi nalang ako nangulit at inilibot ang paningin sa loob. Manghang-mangha pa rin ako habang pinagmamasdan ang mga magagandang kalidad ng kahoy na bumubuo sa interior nito. Malaki ang sala at makinis ang wooden floor. May puting u-shaped sofa at parisukat na wooden table sa gitna. May malaking screen din sa harap at may vase sa ilalim nito.



"Did you bring the lot title?" Tanong ni kuya kaya natigilan ako. Nahihiya akong umiling at pilit na ngumiti. Sa sobrang excited ko kasi noon ay hindi ko na naisipang dalhin.



"I think I kept it in my room," sagot ko at naglakad patungo sa kusina. May bar counter doon pero wala pang laman ang mga cupboards na transparent ang takip. Malaki ang kusina at may dinning din pero kaunti lang ang mga upoan. "Sure ka bang sa akin 'to, kuya?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.



"It's my gift for you, makabawi man lang ako sa ilang taong hindi mo kami kasama." Sabi niya kaya parang hinaplos ang puso ko.



"Hindi naman kailangan, e. This is too much.." sabi ko habang tumitingala sa kisame.



Ang ceiling ay hindi gaanong moderno base sa mga disenyo pero nagustohan ko ang itsura nito dahil napaka eleganteng tignan. Hindi na sumagot si kuya kaya nanahimik ako.



Nagtungo ako sa labas at nakitang may jacuzzi roon sa tabi ng maliit na garden. Bumalik ako at nakitang nag-uusap sina kuya at Tatiana kaya hindi ko na sila inistorbo.



"Huwag ka ngang ano diyan," bulong ni Tatiana.



"What? I didn't say anything.."



"E anong ibig-sabihin ng patingin-tingin mo na 'yan?"



"Love, calm down."



La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon