Chapter 11

49.4K 1.5K 382
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naabutan ko si Wyatt na nakayuko at nakahalukipkip habang nakaupo sa upoan niya kaninang madaling araw. Dito na pala talaga siya nakatulog.



Marahan akong bumangon at tiningala ang wall clock ko. 7:12am. Madilim pa rin sa kuwarto ko dahil hindi pa nakabukas ang malaking kurtina. Inabot ko ang remote sa side table at binuksan ang mga iyon.



Nang pumasok ang liwanag ay malaya kong mapagmasdan si Wyatt. Sa lahat ng detalye ng kaniyang mukha, pilik mata at labi niya lang ang hindi mukhang matigas. I mean, his face does look serious and hard expressioned even if he's on his normal mood, but if you'll look closely to his eyelashes and lips like this.. you'll see gentleness as he is.



His eyes are dark and brooding, 'yung tipong hindi ka pupwedeng magkamali sa harap niya dahil kapag nadapo sa 'yo ang mga mata niya ay tila parusa na sa talim ang kaniyang tingin. Kung hindi ko lang siya kilala ay aakalain kong galit siya sa lahat.



I'm a hundred percent sure that girls around him find him hot for that. Totoo naman kasi.



Napangiti ako sa sariling naisip at mabilis nang tumayo para maghilamos. Hinayaan ko siya roon sa upoan at inayos ko ang aking sarili. Naglagay rin ako ng kaunting pabango bago ko inipit ang aking buhok. Balak kong mag skip ng workout ngayon dahil pupunta ako kina Cora.



Nang makalabas ako ng banyo ay ganoon pa rin ang ayos niya, naawa naman ako kaya nilapitan ko siya. Tulog na tulog pa rin at sigurado akong masakit ang likod at batok nito pag ka gising. Gigisingin ko na sana siya, kaso ay napatitig ako sa kaniyang pisngi. Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay at wala sa sariling hinaplos iyon. It's fawless.



Sa sandaling lumapat ang aking palad sa kaniyang balat ay tila napapaso na 'ko. Gumalaw ang kaniyang pilik mata kaya mabilis kong binawi ang kamay ko at lumayo nang kaunti. Kinakabahan ako dahil baka magising siya at mahuli ako, pero nanatili siyang nakayuko at pikit pa rin.



Nakahinga ako nang maluwag nang masiguro kong tulog pa siya.



Napakagat ako sa ibabang labi ko nang biglang may maisip. Hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng ngiti ko habang yumuyuko ako palapit sa kaniya. Ipinatong ko ang magkabilang kamay ko sa armrest niya at itinagilid ang aking ulo. Ngumuso ako at mabilis na hinalikan siya sa kaniyang pisngi.



Para akong gumawa ng krimen sa sobrang bilis lang niyon. Nagwawala ang kung ano sa tiyan ko habang pinagmamasdan ang pilik mata niya.



Nang hindi siya gumalaw ay lumawak ang ngiti ko at inulit pa 'yon, hinalikan ko siya ng tatlong beses sa pisngi!



"Does my lips look like a joke to you?"


La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon