Chapter 6

47K 1.7K 871
                                    

Cw: Sexual harassment



"You better give me my card holder." I said while panting. I put both of my hands on my waist while breathing heavily.



"Hanep, 'tol, ingglishera!"



"Tignan mo nga wallet n'yan kung maraming laman."



"Ganda, 'tol, sexy pa."



"Miss, pwede ka ba naming makausap? halika muna.."



Pinagtaasan ko sila ng kilay, "We're talking now. Just give me my thing, damn it!" Hindi ko na naitago ang pagkairita. Nakakainis kasi ang mga mukha nila, halatang hindi gagawa ng mabuti.



Nagtawanan sila at lumapit ang dalawa kaya napaurong ako. "'Wag ka nang magpakipot, wala namang tutulong sa 'yo dito.." sabi ng kalbong naka sando.



Kanina pa ako nandito pero ngayon lang ako dinagungdong ng kaba. Parang ngayon lang nag si-sink in sa akin na puwede akong mapahamak kapag nanatili pa ako dito.



Nang lumapit pa sila ay naging madalas na ang pag-urong ko. Nagkamali ako sa desisyon kong habulin ang snatcher, nagkamali ako na lumabas pa 'ko!



Tatakbo ako. Tama. Tatakbo ako. Naikuyom ko ang mga kamao ko at mariing napapikit, nanginginig ang mga tuhod ko pero kailangan kong makaalis dito. Bahala na ang mga cards at id, kailangan kong iligtas ang sarili ko sa mga panget na 'to!



One..



Two..



Three!



Mabilis akong tumalikod at tumakbo pero hindi pa man ako nakaka limang hakbang, ay nahuli na nila ako.



"Aahh! Bitawan mo 'ko!"



Nagpupumiglas ako pero walang laban iyon sa lakas ng dalawang ito. Kinaladkad nila ako palapit sa iba pa nilang mga kasama na tuwang-tuwa sa kanilang nakikita.



Napuno ng galit ang puso ko at hiniling ko talaga na mamatay na sila sa sobrang takot at galit ko.



"Ayos! Ganda ng kutis!"


La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon