Chapter 33

51.3K 1.3K 337
                                    

Nasa hagdanan pa lang ako ay naaamoy ko na ang almusal na niluluto ni Wyatt. Dumiretso ako sa kusina at humalukipkip sa malayong banda nang makita ang pigura niya. Wala siyang damit pang itaas pero nakasuot siya ng apron. Nakatalikod siya sa akin kaya malaya kong napagmasdan ang malapad niyang likod.



Nang lumingon siya gawi ko ay napakurap ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. "Hey, wife, upo ka na." Sabi niya sabay ngisi na ikinakunot ng noo ko.



"Wife mo mukha mo." sabi ko at nakasimangot na umupo sa high chair.



Ngumiwi lamang siya at bumuntong hininga. "Praktis lang," Inilagay niya sa plato ang mga niluto niya.



Lihim naman akong napangiti at napairap sa hangin. Naglakad siya papalapit bitbit ang mga fried egg, bacon, at sausages. Inilapag niya iyon sa countertop at bumalik sa kusina.



Inamoy ko ang mga iyon at marahang tumango. Not bad. Bumalik siya dala ang dalawang plato at kanin. Kumuha rin siya ng kutsara't tinidor. Nilagyan ko na ng kanin ang plato ko at wala sa sariling nilagyan ko na rin ang sa kaniya.



Huli na nang mapagtanto ko ang ginawa ko at balak ko sanang bawiin ang kanin, pero parating na siya kaya umupo na lang ako nang diretso na tila walang nangyari.



Inilapag niya ang pitsel at mga baso. Uupo na sana siya nang mapansin niya ang kaniyang plato kaya natigilan siya at tumingin sa akin.



Nag-iwas naman ako ng tingin at pekeng umubo bago kumuha ng ulam. Nang sulyapan ko siya ay nakangisi siya at umupo na sa tabi ko. Wala na siyang apron ngayon kaya nakalantad sa akin ang matipuno niyang katawan. Pinili ko nalang na hindi siya tignan kaysa pilitin siyang magdamit.



Tahimik akong nag-almusal at hindi na rin naman siya nagsalita. Ang weird lang dahil nakangiti siya habang kumakain.



Nang matapos kami ay nagpresinta akong maghugas ng plato kahit hindi ako marunong para kunwari ay may kunsidirasyon ako, pero hindi ko naman inaasahan na papayag siya!



"Sure, galingan mo, ah?" Sabi niya kaya natigilan ako.



"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ba't kapag nagpresintang maghugas ng plato ang babaeng nililigawan ay dapat tatanggi ang lalaki? Ano'ng klaseng manliligaw siya?!



"Sabi mo maghuhugas ka. Go." napaawang ang labi ko at napakurap-kurap ako. Sa huli ay taas noo akong tumalikod at binitbit ang mga plato sa lababo. Ayokong mapahiya!



Siya na ang nagdala ng mga baso at inilapag din sa sink. Hinintay ko siyang umalis pero nanatili siya sa tabi ko at humalukipkip pa habang nakasandal sa hamba ng lababo.

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon