Chapter 28

47.9K 1.4K 388
                                    

Maaga akong nagising kahit hindi naman ako nag-alarm. Magaan ng pakiramdam ko at sobrang komportable ako sa kamang tinutulugan ko.



Napangiti ako nang sumilay ang kaunting liwanag sa kuwarto ko na nagmumula sa bintanang naka sara pa. May kurtina iyon pero kulay puti naman kaya maliwanag sa loob.



I heard my phone beeped kaya kinuha ko iyon mula sa bed side table. Sunod-sunod ang texts nina kuya Sage at Loren, even Cora and Moli. Si kuya Sage ang huling tumawag kaninang umaga. Wala akong binuksan na kahit isa sa mga mensahe nila. Ayoko munang mag-isip.



Tumayo na ako at naglakad papunta sa bintana para ilihis ang mga kurtina. Medyo shaded na salamin ang bintana nito, inuksan ko na rin iyon at nakitang naroon ang garden sa ibaba kung susungaw ako. Walang balcony ang kuwarto ko rito pero hindi ko naman kailangan noon kaya ayos lang.



Naroon si papa na nagdidilig ng mga halaman habang kumakanta. Napangiti ako habang pinapanood siya. Napalingon ako nang makarinig ako ng katok sa aking pintuan. Nilapitan ko iyon.



It was Tatiana with her floral off shoulder dress, mukhang kaliligo niya lang.



"Did I wake you up?" Tanong niya at pinagmasdan ang kabuoan ko. Naka pantulog pa ako at siguradong magulo ang buhok, kaya nahihiya akong ngumiti at sinikop ang buhok ko.



"No, actually maliligo na rin ako. Ahm.. tuloy ba 'yung punta namin kay.. uh, m-mama?" Kandautal kong tanong dahil sa kaba. God, makikita ko na ang mama ko pero hindi ko pa rin malaman ang dapat kong maramdaman.



Magagalit ba ako dahil ibinenta niya ako o matutuwa kahit papaano dahil sa ginawa niya ay nakilala ko ang mga Eleanor at mga kaibigan ko sa Cebu?



Tumango siya, "Yes, nakabihis na si Aries. You can just come down when you're ready for breakfast." Sabi niya at ngumiti bago umalis. Hindi niya na hinintay ang sagot ko at bumaba na ng hagdan.



Marahan kong isinara ang pintuan ko at dumiretso sa banyo para maligo. Ginamot ko ulit ang sugat ko at nagsuot ng itim na long sleeve v-neck top at denim jeans. Pinaresan ko 'yon ng itim na stilettong dala ko. Nag lagay ako ng kaunting make up at pinatuyo ang buhok ko gamit ang hair drier at nag-suot ng gold necklace. I sprayed a fair amount of perfume before going out of my room.



Lumabas ako nang walang dalang kahit ano at dumiretso sa dinning. Umupo ako sa upoan ko kagabi. Nakaupo na si Tatiana at kuya Aries habang si papa ay naglalakad na papalapit.



"Mukhang masarap, ah, maghuhugas lang ako ng kamay." Sabi niya at pumasok sa kusina. Inilibot ko ang aking paningin nang hindi ko makita si aling Tessa.

La Cuevas #2: Hazards Of Love (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon